"Oh there's a band." manghang sabi ni Cooper. May limang miyembro ang banda at lahat ng ito ay talaga namang nag ga gwapuhan.
"Good Evening Ladies and Gentlemen! I hope di kayo maumay samin." Sabi ng vocalist nila habang tumatawa. Nag tawanan din naman ang ilan sa mga customer na nakikinig.
Maya maya lang ay nag umpisa na silang tumugtog. Tinignan nya isa isa ang bawat miyembro ng banda. Nakuha ng atensyon nya ang isang miyembro na may hawak ng electric guitar. Nang mahuli nito ang mata nya ay agad siya nitong kinindatan. Nag init naman ang pisngi nya sa hiya. Gwapo ito. Naka black shirt lang ito na at pants."Type ka ata nung guitarist." natatawang Sabi ni Cooper kaya't naputol ang iniisip nya.
"Ha? Hindi ah. Baka yung nasa likod ko." Sabi ko pa. Tinawanan lang naman ako nito. Nag pa tuloy naman kami sa pag uusap pero minsa'y hindi ko maiwasan na tumingin sa banda. Lalo na sa lalaking may hawak ng electric guitar. Cool na cool nitong nilalaro ang bawat string ng gitara. Tumutulo na ang pawis nito sa noo ngunit mas lalo pa itong nag pa lakas ng dating nito. Iniwas ko agad ang tingin ko dito ng mag tagpo ang mata namin.
"Ah, Cooper can we go now? If you don't mind. Nag aantay na kasi yung ana- I mean inaanak ko."
"Yeah sure." Pag katapos mag bayad ni Cooper ay agad din naman kaming lumabas ng resto.
"I had fun. Thanks Serene." naka ngiti ng sabi nito sa akin.
"Me too. Regards to sir Tanaka." tumango naman ito at hinatid na ko sa sasakyan.
Pagod akong nahiga sa aking kama, hindi ko na naabutang gising ang anak ko dahil past nine pm na. Hindi pa din na kakauwi si Sese malamang ay nasa date pa. Agad na kong nag bihis at nag linis ng katawan para makatulog na.
_
Napag desisyonan namin ni Gen na mag simba muna bago tumuloy sa date namin. Ito ang 6th year anniversary namin. Pag katapos ko mag dasal ay umupo na ako sa upuan habang inaantay na matapos si Hydrogen. Gawain na naming mag bow sa altar bago umalis sa simbahan kaya't nagulat na lamang ako ng tuluyang lumuhod si Gen at humarap sa akin. Nag labas ito ng isang singsing.
"Love, papayag ka bang makasama ako habang buhay? Will you marry me?" naluluhang tanong ni Gen sa akin. Halos hindi ako maka kilos sa sobrang gulat ko.
"Love sumagot ka naman. Kinakabahan na ko eh." napakamot na tanong nito. Medyo natawa naman ako sa itsura nito na tila hindi mapakali.
"Yes, I will marry you." hindi ko na napigilan pang mapaluha ng isuot nito sa akin ang singsing. Agad naman akong niyakap ni Gen pag ka tayo nya.
"I love you."
__"Gen.."
"Sis! Sis!"
"Mom!"
Unti unti kong naimulat ako mata ko ng marinig kong may sumisigaw sa mag kabilang tenga ko.
"My please don't cry." malungkot na sabi ni Atom habang yakap yakap ako. Doon ko lang namalayan na basang basa na pala ng luha ang mata ko. Nanaginip na naman pala ako. Napa buntong hininga na lang ako at gumanti ng yakap kay Atom. Nakita ko namang huminga ng malalim si Sese at tsaka napailing. Alam kong nalulungkot pa din siya para sa akin
tuwing nakikita nya ko sa ganitong estado."Sese, I'm okay." nakangiting sabi ko dito para mapanatag na siya.
"Let's go downstairs." seryosong sabi nito. For the second time around ay Napa buntong hininga na lang ako.
"Come on anak. Mag freshen up lang si mommy." Hindi agad ito lumayo sakin, tinignan muna ako nito at sinabing
"My please don't be sad anymore. Papa and Atom will get sad too."
"Yes baby. I promise." tumayo naman na ito at nauna ng lumabas habang ako'y nag aayos pa. Na abutan ko na silang nakaupo sa hapag at nag uusap agad naman silang tumigil ng makita nila akong palapit. Napailing na lang ako malamang ay na kwento ni Sese ang nangyari kanina.
" Anak, kamusta ka?" tanong ni Mama.
"Ma, I'm okay. Nanaginip lang ako. Normal lang yun. Masaya ako dahil nasa mabuting kalagayan si Atom."
"Anak Andito lang kami ng kapatid at anak mo ha."
"Ma really, I'm good. Let's eat. Who wants pancake?" pinasigla ko pa ang boses ko para mapanatag na si Mama at Sese na mariing nakatingin lang sa akin.
"Meeee!" Masiglang sabi ni Atom. Agad namang napawi ni Atom ang mabigat na hangin sa pagitan nila.
_
"Oo nga pala Ma, next week na yung check up ni Atom kay Dr. Kaye hindi ako makakasama dahil nag ka problema sa suppliers namin at hindi naman nakaka pasok si Gracie."
"Huwag mo ng problemahin yun anak ako ng bahala anjan din naman si Rylie para makasama ko." Kahit mabuti naman ang kalagayan ni Atom ay sumasailalim pa din ito sa Regular check up nya. Diagnosed itong may Hemophilia isang genetic disorder. Isa itong sakit kung saan mga lalaki lang ang nag kaka roon, wala o nahihirapan ang dugo nag mag karoon ng blod cloth kapag nag ka sugat. Ibig sabihin ay nahihirapan at tuloy tuloy lang ang pag durugo kapag nag karoon ng sugat. Kaya't overprotective siya sa anak nyang si Atom. Madami siyang ipanag ba bawal dito.
"Salamat ng marami Mama."
"Ingat ka sa pag da drive." tumango na lamang ako dito at nag simula ng mag drive.
Pag ka dating ko sa flower shop ay agad akong nag trabaho. Hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng orders dahil November 1 ngayon.
_Tuwang tuwa si Atom habang nanonood siya ng paborito nyang cartoons na Peppa pig. Medyo sumasakit na din ang ulo ko minsan sa kaka ingles ng anak ko, na kung minsan ay slang na mag salita.
"My, your phone is ringing!" Sabi nito. Agad ko namang tinignan ang caller. Si Aida pala ito. Isa din sa mga may anak na may hemophilia at nag organize ng mga events for children with hemophilia na kinabibilangan ko din.
"Hello Serenity!" masayang sabi nito.
"Hello Aida. Kamusta?" tanong ko dito. Na patingin naman si Atom sa akin ng marinig ang pangalan ng Tita Aida nya.
"My that's tita Aida?" pa bulong na sabi ni Atom. Agad naman akong tumango.
"Hi Tita Aida, where's Aidan?"
"Hi Pogi! He's asleep eh." agad naman na palabi si Atom at bumalik na sa panonood.
"Hello Aida, bakit ka na patawag?"
"Ay yun nga Mars! May event tayo! May mga nakausap akong willing mag fund ng event na to."
"Wow that's great! Kailan naman to?" naeexcite na tanong ko. Sobrang nakaka tuwa itong event na ito. Dahil marami na naman kaming mga batang may hemophilia ang matutulungan.
"Let's set a meeting kasama yung mag Fu-fund ng event na to." Sabi pa ni Aida.
"Thank Aida! I'm Sure marami na namang matutulungang mga bata." nakangiting sabi ko.
"Oo Sity! Maka pag bigay din tayo ng awareness sa sakit na hemophilia. Basta I'll text you the details of our meeting. See you."
__a/n: Paalala lang po. Hindi po ako doktor o expert pag dating sa hemophilia. Ito ay base lang sa pag kaka tanda ko sa lesson ng aming prof at syempre sa tulong ni Google. 😅
BINABASA MO ANG
Serenity
RomanceBaby it's alright I'll be right by your side No need to cry out loud Nothing to cry about Baby it's alright I'll be just by your side I'll keep you on my sight I'll never leave till you sleep tonight. - December Avenue 💛💛💛 Serenity isan...