Chapter 9 - Kids

0 0 0
                                    

"Atom anak, be nice to Ashanti! She just want to talk to you." malumanay na sabi ko sa anak kong suplado. Si Ashanti ay kapatid ng isa sa mga katulad ni Atom na may Hemophilia. Nag lalaro sa buhangin sila Atom kasama ang mga katulad nitong may Hemophilia na sila Andrew, Ryan, Basti at James ng lumapit si Ashanti para makipag usap kay Atom. Dahil busy ito ay ayaw nyang mag pa istorbo kung kaya't na sungitan nya ito. Umismid lamang sa akin si Atom.

"Aba't itong batang to! Kanino mo natutunan yan ha?!" gulat na tanong ko dito.

"It's okay po Tita." bulol na sabi pa ni Ashanti. She's so cute! Hindi ko tuloy mapigilan na pupugin ito ng halik sa mataba nyang pisngi. Humahagikgik naman ito.

"You want one?" malokong tanong sakin ng isang lalaki at tama nga ang hinala ko si Severus ito. Napa ismid naman ko dito. So, sakin pala natutunan yun ng anak ko. Ok.

"Anong masamang hangin ang nag dala sa isa pang mahangin dito?" walang kagana ganang tanong ko dito. Pag nakikita ko siya naalala ko pa din na siya ang nakabili sa painting ni Atom at humingi pa ng date kapalit ng painting.

"I just want to ask kung nag enjoy at may kailangan ang mga bisita ko dito." naka ngiting sabi nito.

"Mom, why are you like that? Be nice to Tito Sev, he just wants to talk to you." pang gagaya sa akin ni Atom.
Napa tulala na lang ako sa sinabi ni Atom sa akin. Napaka talaga ng batang ito! Manang mana sa ama nya! Nagising na lang ako sa katotohanan ng marinig kong tumawa si Severus.

"Right Buddy, thanks for that! You should be a good model to Atom Serenity." mapang uyam na sabi sakin nito. Nag ngiti ng aso naman ako dito.

"I mean, what are you doing here Mister?" magalang na tanong ko dito.

"Oh no, Atom your mom is a bit sarcastic. Don't be like that okay?" Naka ngising sabi nito sa anak ko. Tignan mo to. Nag hahanap pa ng kakampi.

"Mom, that's bad." napapailing pa na sabi ni Atom. Sumangayon naman pati pa ang mga kalaro nito pati si Ashanti. Makaka tiris ata ako ng makukulit na bata.

"Tita Sity, say sorry to Tito Sev." sabi ni Ashanti na sowee pa ang pag kaka bigkas ng sorry sa pagka bulol nito. Halos mapaikot ko ang eyeballs ko sa sobrang inis ko.

"Sow- este Sorry po!" magalang na sabi ko habang matalim na nakatingin dito na pa ngisi ngisi lang naman dahil sa may kakampi siya.

"Should I accept his apology kids?" nag papa awang sabi nito  sa mga bata na titig na titig sa amin.

"I think Tita Sity needs to kiss Uncle so that Uncle Sev won't be sad anymore." Sabi ni Andrew at agad naman na sumangayon ang iba pang mga bata.

"You think so buddy? Because I'm really sad right now. I don't think a simple kiss can take that away." Naka pout pa na sabi nito.

"Kiss and hug him mom and be nice after that." Sabi ni Atom. Agad namang nan laki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.

"WHAT?" di ko mapigilang tanong. Aba't talaga naman kung mamalasin ka oh.

"Go tita! Go tita!" sabay sabay na sabi ng mga bata nang mapansin nilang wala akong balak gawin ito. Nang lingunin ko si Severus ay naka bukas na ang dalawang kamay nito na para bang nag aantay ng yakap habang naka taas ang dalawang kilay. Wala naman akong nagawa kundi ang lumapit dito ng matapos na ang kalokohan na ito.

Unti unti kong iniyakap ang mga kamay ko sa likod nito. halos hindi naman nag dikit ang katawan namin kaya't nagulat na lamang ako ng hapitin ako nito sa baywang at yakapin ng mahigpit. Nilapit ko na din ang mukha ko sa mukha nito at binulungan.

"Gago! Huwag na huwag kang lilingon!" nang gigil na sabi ko sabay halik sa pisngi nya. Pag katapos ay itinulak ko na ito dahil tila ayaw ng bumitaw.

"So?" tanong ni Atom kay Severus.

"I really appreciate it but mas mawawala ang lungkot ko if papayag ang mommy mo na mag dinner kami." malungkot na sabi pa ng hinayupak na mapag samantala. Bago pa man ako makasagot ay nag salita na ang magaling kong anak.

"It's a date then Mr. Severus." sabay abot ng kanang kamay nito para makipag kamay. Napangisi naman si Severus bago inabot ang kamay. Gulat na gulat naman ako sa nangyaring deal ni Severus at Atom.

"Ay anak. Wait lang po ha. usap tayo. Excuse me Mr. Severus." irap ko dito at marahang hinatak ang anak kong parang 30 years old na kung mag salita.

"Baby, hindi mo dapat sinabi yun. Usapang matanda yun. Dapat kami ang mag usap non." paliwanag ko kay Atom.

"But mom, I like tito Sev. He's a good man because he was also raised by a super mom like you." Sabi nito na kinakunot ng noo ko.

"Ha? Pano mo naman nalaman yan? Eh dalawang beses pa lang kayong nag kita?" Naiinis na tanong ko. Mukhang nauto na talga ito ni Severus.

"We talked about it in the auction while you were busy. Why mom are you afraid of him?" tanong nito.

"Of course not."

"Then, don't let Tito Sev be sad anymore and eat dinner with him. Please mommy. You made him upset that's why you need to make him happy." Wow just wow! I can't believe this. Parang ako pa tuloy yung anak samin kung makapag salita. At isa pa tong lalaking to na panay lang ang ngisi. Parang aso! Nakakapag init lang ng ulo.

" Let's go let's give mommy and Tito Sev a private time. Come Ashanti." Sabi pa ni Atom. Agad namang nag sunuran ang mga kalaro nito at si Ashanti na humawak pa sa kamay ni Atom. Wala tuloy akong choice kundi ang makipag usap sa lalaking to.

"So, later 7pm. I'll fetch you." Sabi ni Severus at agad ng tumalikod habang may ngiting tagumpay. Mapapa padyak na lang ako sa inis.

Napaka galing mag pa ikot ng mga bata. Hayst.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon