"Hey, did you enjoy?" tanong sakin ni Severus habang nag da drive. Ako ang nasa passenger seat habang tulog naman si Atom sa likod.
"Yes, as well as Atom. Thanks again Sev." naka ngiting sabi ko dito.
"Wala bang kiss jan?" naka ngising sabi nito sa akin.
"What?!" gulat na gulat na tanong ko.
"The last time you said thank you I received a kiss." kibit balikat na sabi nito. Tila gustong kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
"Severus nga!" pairap na sabi ko dito at mahinang hinampas ang braso nito para hindi mabangga. Narinig ko na ang mapang asar nyang halakhak dahil sa reaksyon ko.
"Oh, now you're blushing huh?" pang aasar pa nito sa akin.
"Stop it Sev!" kunwari'y naiinis. Patuloy lang ang pang aasar nito sa akin hangga't makarating kami sa bahay.
"Thank you so much Sev. Ingat sa pag uwi." naka ngiting wika ko kay Severus ng maka baba kami ng sasakyan. Hindi naman sumagot si Severus at naka titig lang sa mukha ko kung kaya't tumalikod na ko para pumasok. Ngunit bago pa man ako maka hakbang ng isa ay agad naman nya akong tinawag.
"Sity." nagulat na lang ako sa pag lapat ng mga labi nya sa pisngi ko. Ngunit agad naman siyang tumalikod at sumakay sa sasakyan at naiwan akong nakatanga at gulat.
Akala ko ay masusundan pa ang gabing iyon na pag labas namin kasama si Severus. Ngunit simula noong gabi ay hindi na siya muli pang nag paramdam sa amin ni Atom. Halos tatlong linggo. Tatlong linggo din akong kinukulit ni Atom tungkol kay Severus at tatlong linggo na ding hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon. Shit may gayuma ata ang halik nya at di ako mapakali. Hindi Sity! May anak ka na kaya't wala ka ng karapatang kumerengkeng. Pero sa tingin ko crush ko lang naman si Sev. Ano ka High school? May crush?!
Shit! Shit! Nababaliw na ko. Arguing with my self? Really Serenity?
"Ang tamlay mo ah? May sakit ka?" Nag aalalang tanong sakin ni mama.
"Naku, ma! Sakit sa puso kamo." sagot ni Serene habang humahalakhak. Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman itong napaayos. Hindi maiiwasan na maikwento ko sa kanya si Severus ng dahil na din kay Atom. Lagi nyang binibida si Sev sa mama Sese nya at kwento ng kwento sa mga lugar na napupuntahan at bagay na ginagawa niya kasama si Severus.
"Totoo ba anak? Serenity." nanlalaki pang mata na tanong ni mama sakin.
"Alam mo ma-" hindi na naituloy ni Sese ang sasabihin nya dahil tinakpan ko na ng pandesal ang bibig nya.
"Alam mo sis, dun ka kay Atom ha! Samahan mo pag paint. Kasi medyo madami ka ng alam eh no. Baka ipatumba pa kita." Pabirong sabi ko dito. panay naman ang salita nito kahit may pasak ang bibig kung kaya't di namin siya maintindihan.
"Sity? Totoo ba?" tanong ulit ni mama ng makaalis si Serene.
"Ma, hindi po totoo yun. Wala naman pong dahilan para ma broken hearted ako." sabi ko.
"Eh Yung Sev na laging kinukwento ni Atom? Sino yun? Aba ang rinig ko'y dinala pa kayo non sa golf city."
"Ma, kaibigan lang namin yun ni Atom. Nag ka taon lang na napangakuan nya si Atom noon kaya tinupad nya lang." paliwanag ko.
"Oh bakit hindi mo naman iniimbithan dito sa bahay nang makilala naman namin at makapag pasalamat." sabi ni mama.
"No need na po. Busy person yun Ma. Tsaka baka last na din po yun." hindi ko na itago ang lungkot sa boses ko.
"Uy aminin, hinahanap hanap mo na ang presence nya? Miss mo?" naka ngising tanong ni Sese.
Oo! sigaw ng malandi kong isip. Totoo naman. Simula ng gabing iyon ay akala ko ma susundan pa ang pag labas namin kasama si Atom. Pero bigla na lang siyang hindi nag para dam. Ni text wala. Ang tanga ko lang sa part na umasa ako.Kahit gustuhin ko man sumagot ay wala naman lumalabas na salita mula sa bibig ko.
"Speechless ka no?" sabay halakhak ni Sese.
"It's okay my. I miss Tito Sev too. " malungkot na sabi ni Atom. Napa buntong hininga ako.
"Eat and then we will go somewhere."
Sabi ko dito."Really? Where?" excited na sabi ni Atom.
"Dad." sabi ko at nakakaintindi itong tumango.
"Dad, super saya ko dun sa golf city. Tinuruan ako ni Tito Sev kung pano mag golf." walang sawang pag kukwento pa din ni Atom sa puntod ni Gen. Pagkatapos naman kumain ay ipinasyal ko si Atom dito sa puntod ng ama nya. Alam kong nag hahanap na din siya ng father figure at nakikita nya ito kay Sev.
Nag latag kami ng tela sa damuhan at umupo sa harap ng libingan nito. Sinamahan ako Sese na ipasyal si Atom.
"Kung nandito kaya si Gen, pano kaya sila Atom?" tanong ni Sese habang naka tingin kay Atom na kwento pa din ng kwento.
"Masaya. Mabuting asawa si Gen, malamang mabuting ama din siya. Matagal ng gusto ni Gen mag ka anak. Kaso nung padating na si Atom siya naman ang nawala."
"Napaka galing talaga mag laro ng tadhana." sabi ni Sese. Napa bunting hininga ako. I couldn't agree more sis.
"But you know sis, you deserve to be happy again. Marry again!" dugtong pa ni Sese.
"Ano ka ba Sese, masaya naman na ako kay Atom." natatawang sabi ko.
Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko."Tigilan mo ako sis, nakita kitang ma inlove noon at ganon na ganon ka ngayon. Kala mo di ko napapansin no? Mababanggit lang si Severus tila ka na strawberry sa pula. Tapos Hindi lang nag pakita ulit sayo may pa tulala moments ka pa. Girlfriend ka teh? Isa pa naka bantay ka na sa cellphone mo. May hinihintay lang?" nang aasar na sabi nito.
"May anak na ko Sese. May sakit pa. Wala na dapat akong ibang focus kung hindi si Atom." sabi ko dito.
"Sis, madami naman jan na single mom pero nag asawa ulit. Hindi mo naman pababayaan si Atom e. Pag bibigyan mo lang yung sarili mong sumaya ulit."
"Alam mo marami ka ng sinasabi eh. Ipapatumba na talaga kita." pabirong sabi ko dito. inirapan lang naman ako nito.
"Hmp! Mag sa sarado yang pechay mo sige ka!" natatawang sabi nito.
"Sese nga!" naiinis na sabi ko. Kahit kailan talaga tong babaeng to napaka kulit. Napa tigil na lang kami sa pag haharutan ng marinig kong nag ring ang phone ko. Sabay pa kaming natigilan ni Sese ng makita ang caller. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasagutin ko ba o hindi? Pero ang tagal kong hinintay na tumawag si Severus. Kaso natatakot naman ako sa pwede ko pang maramdaman kay Severus kung ipag papa tuloy ko pa ang pakikipag kita at usap sa kanya.
"Akin na nga." inagaw sakin ni Sese ang phone ko at sinagot habang naka loud speaker.
"Hello?" bati ng baritonong boses ni Severus. Kumakabog naman ang malandi kong puso. Hello pa lang yan self. Kalma!
"He- Hello?" nauutal pa na sabi ko. Natawa naman sakin si Sese.
"Mom, is that Tito Severus?" Napa lingon na sabi ni Atom ng marinig ang boses ni Sev. Agad itong lumapit at mag sa salita na sana ng higitin ito ni Sese para takpan ang bibig. Pinanlakihan ko naman ng mata si Sese.
"Hey, Sitty." Parang kinakabahan na sabi ni Severus. Bakit ganito ang boses nya? malayo sa confident at mapang asar nyang boses.
"Sev, is there something wrong?" nag alaalang tanong ko.
Dumaan ang ilang segundo bago siya naka sagot.
BINABASA MO ANG
Serenity
RomanceBaby it's alright I'll be right by your side No need to cry out loud Nothing to cry about Baby it's alright I'll be just by your side I'll keep you on my sight I'll never leave till you sleep tonight. - December Avenue 💛💛💛 Serenity isan...