Chapter 7 - Call me

0 0 0
                                    

Napa tigil kami sa pag uusap ni Ms. Sachi ng lumapit si Aida.

"Maam Sachi excuse me, kailangan na po si Sir Sev sa stage."

"Oh Sevee! Go! You can do it!" tulak pa nito sa lalaki. Wala naman itong nagawa kundi ang mapakamot sa batok.

"Okay, Wish me luck." Sabi nito at humalik sa pisngi ni Ms. Sachi ngunit nagulat ako ng lumapit din ito sa akin para bumeso at bumulong.

"See you around Serenity." mahinang sabi nito. Nag tayuan naman ang buhok ng aking batok. Nakakakiliti ang hininga nitong tumama sa aking tenga. Parang nabuhay ang katawang lupa ko sa ginawa nya. Napa ngisi naman sa akin si Aida at Sachi na naka kita sa ginawa nung damuhong yun. Bwisit!

Nang nasa stage na ito ay agad naman siyang ipanakilala sa lahat.

Carter Severus Laudencio pala ang pangalan nito.
Halata na hindi kumportable ito sa gagawin nya. Ngunit ng mag umpisa na itong kumanta ay na tumaas ang aking balahibo.

What day is it
And in what month?
This clock never seemed so alive

Buong buo ang boses nito na mapapa tingin talaga ang kahit na sino. Napaka sarap sa tenga.

I can't keep up, and I can't back down
I've been losing so much time
'Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me
And all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you

Habang kinakanta nya ang Chorus ay mariin lamang itong naka tingin sa gawi ko. Tumingin ako sa likuran ko para ma sigurado kung kanino ba talaga ito naka tingin. Naabutan ko naman ang mapang uyam na ngisi sakin ni Rylie.

"Sayo te. Sayo nakatingin." Sabi nito habang naka ngisi. Agad namang nag init ang aking mga pisngi sa sinabi nito at agad na ibinalik ang tingin sa harapan.

What are the things that I want to say
Just aren't coming out right?
I'm tripping on words
You got my head spinning
I don't know where to go from here

'Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me
And all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you
There's something about you now
That I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

And I don't know why
I can't keep my eyes off of you
What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive

Bago siya bumaba ay nagawa pa nitong kumindat sa gawi ko kaya naman tila kiti kiting napatili si Rylie na nakita din ang ginawa ng lalaking haliparot na yun.

Ngunit talagang napa hanga ako ni Severus. Tila nangungusap ang mga mata nito habang kumakanta.

"My, I'm tired." higit higit pa nito ang suot kong gown. Naka simangot na din ito ng katulad sa ama nya kapag naiinip na. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil dito. Binuhat ko na ito upang makapag pahinga na. Hinanap ko na si Aida para makapag paalam na kailangan na naming umuwi tutal ay patapos na din naman ang event.

"Oh sige, naku kawawa naman ang bebe na yan! Ingat kayo Sity. Congrats satin!" masayang sabi ni Aida ng mag paalam kami.

"Thank you so much Sity! Kita tayo nila Aida some other time ha." naka ngiting sabi ni Ms. Sachi.

"Sure Ms. Sachi. Thank you din. See you." paalam ko pa dito.

Nag lakad na kami ni Rylie habang kalong ko si Atom. Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot ang damuhong lalaking ito.

"Serenity. My calling card." abot sa akin ng maliit na papel. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"About the painting." dagdag nito ng makita nyang wala akong balak abutin ang calling card nya.

"Is that Tito Sev?" antok na tanong ni Atom habang umangat ang ulo para tignan ang kausap ko.

"What?" nag tataka ng tanong ko. Tito agad? Mag kakilala sila?

"Hey buddy! sleepy?" marahang tanong nito kay Atom. Tumango naman ito.

"You want me to carry you? Mabigat ka na baka nahihirapan na si mommy sayo." tila naman kiniliti ang tiyan ko sa sinabi nito.

"I can manage."

"Sige po."

Mag ka panabay na sagot namin ni Atom. Nagulat naman ako sa sagot nito. Medyo mailap kasi ito sa ibang tao lalo na sa mga lalaki dahil nasanay siya na nasa loob lamang siya ng bahay at kami kami lang na pamilya nya ang nakakasalamuha bukod sa mga classmates at teachers nya.

"Come little man." Sabi ni Sev agad naman na inabot ni Atom ang mga braso nito papunta kay Severus. Nang makalong ito ay agad na inihilig ni Atom ang ulo nya sa balikat nito. Nag mukhang magaang bagay lamang si Atom ng kalungin ito ni Sev.

"So nasaan ang sasakyan nyo?" tanong ni Severus na nag pa gising sa akin sa pag ka tulala. Agad namang itinuro ni Rylie ang sasakyan. Nang makarating sa sasakyan ay naka idlip na si Atom. Inihiga nya ito sa backseat at agad na pumasok si Rylie.

"Call me Sity." preskong sabi nito sa akin. Muling napataas ang kilay ko dito kaya napa ngisi na lang siya.

"You're welcome." mapang uyam na sabi nito sa akin.

"Thank you Severus." Sabi ko dito at inabot ang calling card na kanina pa nito inaabot sa akin.

"Nice to meet you Serenity." Naka ngiting sabi nito. Iba ang ngiting ibinigay nito sa akin ngayon. Wala ang pilyo nitong mga ngiti kundi kita mo ang sinseridad sa mga mata nito. Tumango na lamang ako at agad na pumasok sa sasakyan dahil baka naiinip na si Rylie.

" Uy Ate ano yun ah?" pang aasar sakin ni Rylie.

"Tse! Tigilan mo ko ha!" saway ko dito.
_

Pag ka tapos ng event ay balik na sa normal ang lahat. Araw araw na din akong pumapasok sa flower shop. Naging successful ang event, malaki laking pera ang kinita ng event na mapupunta sa mga hemophilia patients.
Ang painting naman ni Atom ay hindi ko na nabili kay Severus. Hindi ko na kasi sinubukang kontakin ito dahil paniguradong puro kahambugan lang ang maririnig ko dito.

"Hija, carnation." turo ng isang matandang lalaki sa naka arrange na pink carnation.

"Okay na po ba yan Sir? o gusto nyo pa pong lagyan ng iba pang klase ng bulaklak?" tanong ko dito.

"Okay na yan." naka ngiting sabi nito.

"Para sa asawa nyo po?" pang uusisa ko dito.

"Oo hija." sagot nito. Sinimulan ko ng ihanda ang order nito habang nakikipag kwentuhan dito.

"Sweet naman Sir. Ano pong okasyon?" tanong ko.

"Wala naman. Dadalawin ko lang sa sementeryo." Napa angat naman ako ng tingin dito. Kita ko ang malungkot na ngiti nito at pangungulila.

"I'm sorry po." Sabi ko dito.

"Ayos lang hija. Matagal naman na siyang wala. Hindi ko lang mapigilang manabik sa kanya. Paborito nya ang mga bulaklak na yan." Napa tango naman ako sa sinabi nito. Agad ko namang inabot dito ang inayos king mga bulaklak.

"Napaka ganda naman nito hija. Nakaka hiya at talagang dinagdagan mo pa ng mga palamuti."

"Ayos lang po sir. Alam ko pong matutuwa ang misis nyo jan. Bihira na lang ang mga lalaking tapat kahit na wala na ang asawa nila."

"Hindi ko na kayang mag mahal ng iba pa hija. Kung hindi lang din naman siya ay huwag na lang." natatawang sabi nito. Halos maluha ako sa sinabi nito.

"Maraming salamat po sir." Sabi ko dito bago tuluyang makalabas ito. Nang hihinang napa upo naman ako. How I wish you were here Gen. I miss you so bad.

"Oh maam Sity, ayos lang kayo? Sa office na lang muna kayo maam. Pahinga muna kayo." pag lapit sakin ni Daisy ng mapansin nito ang itsura ko.

"A-ayos lang ako Daisy. Salamat." bahagyang ngiti ko pa dito.

I love you Gen...

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon