"Oh Aida, what are you doing here?" gulat na tanong ko dito isang umagang sumulpot ito sa Flower shop.
"Eh kasi gustong makipag kita ni Ms. Sachi sa atin ngayon. Pwede ka ba? Saglit lang naman yun. May sasabihin lang daw ito sa atin." Pag pa paliwanag ni Aida. Napaisip naman ako. Nandito naman si Daisy at si Stacy na bagong staff ng Flower shop.
"Sige. Sandali at kakausapin ko lang ang mga tauhan." Sabi ko. Nag bilin lang ako ng kaunti kay Daisy kapag dumating ang delivers. Maasahan naman ito kung kaya't walang problema. Kinuha ko na ang gamit ko at nag convoy kami papunta sa isang coffee shop na malapit. Doon nag aantay si Ms. Sachi at iba pang miyembro ng Hemophilia Phil.
"Good morning." bati ko sa mga ito. Agad din naman silang gumanti ng bati. Pag kaupo at pag ka order ko ay agad namang nag simula ang Meeting.
"Actually kaya tayo nandito today ay para I-announce na mag kaka roon tayo ng post celebration para sa ating successful event. Sa isang beach resort. Don't worry all expenses paid yun." Sabi ni Ms. Sachi. Napahiyaw naman ang karamihan sa mga kasama namin. Halata ang excitement sa kanila.
Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang aabsent na naman ako sa Flower shop.
_
Sev's....
" What? I told you Sachi, you can use my beach resorta in Laguna. Kaya hindi mo na ko dapat isama." problemading sabi ko kay Sachi sa telepono. Inaaya kasi ako nito na pumunta sa isang post Celebration at pinag paalam na din nya ang pag hiram ng beach resort.
" Sige na Sevee sumama ka na. Bonding na din natin to no. Tsaka you are already part of this. Hemophilia Phil." tuloy tuloy na sabi nito. Bigla naman nag liwanag ang isip ko.
"Hemophilia Phil ang kasama mo sa resort?" paninigurado ko kay Sachi.
"Yes. Oh may participation ka na don no! Tsaka ang dami mo ng natulungan dun dahil sa mga donations mo no."
Kung hemophilia Phil ang kasama nya ay sigurado akong kasama din doon si Serenity. And speaking of Serenity, ang tagal na niyang iniintay ang tawag nito para sa painting na gusto nito. Mukhang mali ata siya ng diskarte doon. Napa buntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang mas lalong makilala ito kahit pa nalaman kong may anak pa ito at suot pa din nito ang wedding ring at engagement ring nito. Trouble!
Napapikit ako ng mariin. Gusto ko lang siyang makilala. Yun lang. Friends perhaps? And also Atom, I just want to be friends with that amazing kid.
Parang tangang sabi ko sa sarili ko."Fine!" pag suko ko sa kakulitan ni Sachi. Napa hiyaw naman ito sa tuwa.
Agad kong inasikaso ang ilang mga gawain na maiiwan ko.
"Eng. Sandra team up with Architech Damian for the project Rest house. Eng. Marco and Architech Brooklyn for the project Mansion and Eng. Arrkim with Architech Aaron for the project Resort." Pag pa parte parte ko ng mga gagawin.
"Boss naman, sila puro babae ang kasama tapos ako..." Pag mamaktol ni Aaron. Natawa naman sila dito. Napailing na lang akong ipinag patuloy ang mga bilin.
"Just ask my secretary for for the details and if you need help or need to ask questions don't hesitate to ask me okay?" tanong ko sa mga kasama ko. Nag si tanguan naman ito. Mahigpit ako pag dating sa trabaho pero sinusuguro ko na komportable pa din naman sila sa akin at malayang nakakapag tanong sa mga bagay na nahihirapan sa kanila lalo na't puro fresh Graduate ang mga ka trabaho ko. Hindi naman ako nag Alangan na kuhanin sila dahil ang pinaka mahalaga sa akin ay ang pag uugali ng isang tao. Marami akong kakilala na magagaling na Engineer at Architech pero bagsak naman pag dating sa ugali. Mas kaya ko pang makipag trabaho sa baguhan kesa sa ubod ng hangin at hambog na beterano na sa larangan.
"Eh sir, mayroon pa pala tayong 3 pending projects kaso lahat ay may trabaho ng naka assign." Ito na nga bang sinasabi ko. Kaya't ayoko sanang mawala dito dahil dumadami na din ang trabaho. Ayoko namang bigyan sila ng maraming trabaho dahil baka maabuso ko na sila.
" Sige ako na. Email the details and contact numbers of the client to me Ms. Dess." naka ngiting sabi ko sa aking secretary.
Sanay naman ako sa ganito na madaming trabaho dahil ilan lang naman kami ng nag simula ang firm na ito. Ngayon kahit papaano ay unti unti na itong nakikilala at lumalaki ng dahil sa aking pag hihirap kasama ang iba ko pang Engineer at Architech.
Kahit pa man ayokong umalis ay tumulak pa din akong pa Laguna para puntahan ang aking Beach resort.
Ngayon ang umpisa ng post celebration nila Sachi. At ngayon ko din makikita si Serenity. Halos mapangisi ako sa excitement na nararamdaman ko."Welcome home sir Severus." bati ng mga tauhan ko pag ka dating sa Beach resort. Matagal tagal na din ako ng huli kong punta dito. Isa to sa mga naiwang property ni mommy sa akin nung namatay siya. Kaya't nag aaral pa lamang ako ay na Manage ko na ito. Malaki ang pinag bago ng resort na ito simula ng ako na ang namahala. Pina renovate ko ang mga kwarto sa gusto kong ayos at disenyo nito na sigurado akong pang world class at kumuha din ako ng ilang small business na gustong mag tayo sa loob ng resort.
Nauna nang dumating ang grupo nila Sachi dito dahil may inasikaso pa ako sa kompanya. Duniretso naman agad ako sa aking kwarto para saglit na mamahinga.
Sachi's Calling.....
"Seve! Nasaan ka na? Punta ka dito sa dining!" walang pa ligoy ligoy na na sabi nito. Dinig ko pa ang ingay na galing sa mga kasama nya. Na papa kamot na tumayo na lang ako dahil pani guradong hindi naman ako nito titigilan. Pag ka baba ko ay katatapos lang nilang kumain. Agad na naagaw ang atensyon nila ng dumating ako.
"Oh, look who's here. Girls meet Severus. He's the owner." Naka ngiting pakilala sakin ni Sachi sa mga kasama nya. Agad na hinanap ng mata ko ang babaeng bumabaliw sa mga araw ko. Nakita ko itong sumulyap sa akin saglit at binalik naman na agad ang tingin nya sa kanyang anak at marahan itong kinausap.
Napa iling na lang ako. Wala talaga akong dating sa babaeng to. Hayst."Thank you so much Sir, sa accommodation." nahihiyang Sabi ng isa sa kanila.
"Don't mention it. You deserve it!" sagot ko dito. "Anyway enjoy your stay at Kung may kailangan kayo wag kayong mahihiyang sabihin sa mga staff." Sabi ko sa mga ito at tinapunan ulit ng tingin si Serenity. Sakto naman na naka tingin ito sa akin kaya naman agad ko itong kinindatan. Kita ko na halos mamuti ang mga mata nito sa pag irap sa akin. Natawa na lang ako sa ginawa nito.
"Tito Sev?" naka kunot na tawag ni Atom na anak ni Serenity sa akin. Naka ngiti ko naman itong binati pabalik.
"Hey buddy! Long time no see!" balik na bati ko dito at tsaka unti unti itong nilapitan.
"Tito Sev what are you doing here po?" magalang na tanong nito. Nasamid naman si Serenity sa tanong ng anak. Natawa naman ako.
"Ahm, I was invited here." sabay kamot sa batok ko.
"Ay anak, siya po ang owner ng resort." Sabi ni Serenity. Napatitig naman ako dito habang kinakausap ang anak. Hindi mo aakalain na mag ina sila. Bagay naman kay Serenity ang motherhood. She's doing great dahil halata naman kay Atom na well raised ito.
"Oh, I'm sorry Tito Sev. But it's nice seeing you here." Parang matandang sabi nito kaya natawa na lang ako dito.
"Nice to see you too bud! Enjoy your stay here."
BINABASA MO ANG
Serenity
RomanceBaby it's alright I'll be right by your side No need to cry out loud Nothing to cry about Baby it's alright I'll be just by your side I'll keep you on my sight I'll never leave till you sleep tonight. - December Avenue 💛💛💛 Serenity isan...