Ngayon ang araw na napag usapan ni Atom at Severus na mag go-golf sila. Maaga kaming dinaanan ni Severus sa bahay para sunduin papuntang golf city.
"Wow Tito Sev, member ka po dito?" Manghang mangha si Atom sa itsura ng golf city na kinabibilangan ni Sev.
"Yes young man. Almost 5 years." sabi nito habang mag ka hawak kamay silang nag lalakad habang ako ay nasa likuran nila at di rin mapigilan na mamangha sa ganda at gara ng lugar na ito. Nahiya naman ako sa suot kong Polo shirt na naka tuck in sa jeans ko. Sana umawra din ako kahit papano katulad ng mga babae ditong handang handa sa pag gogolf.
"Sitty is there any problem?" nag aalalang tanong sakin ni Severus.
"Ah, wala. Wala naman. Napaka sosyal naman dito. Di mo sinabi mukha tuloy akong katulong nyong dalawa." natatawa ng sabi ko dito.
"What are you talking about? You look hot." sabi nito sabay kindat sakin. Hinampas ko naman ito sa matigas at matipu- este braso! Nag iinit ang aking pisngi at pinag pa pawisan sa mga biro ni Severus.
"Tigilan mo ko Severus ha!" kunwari'y pag irap ko dito para pag takpan ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. Tinawanan lang naman ako nito at tsaka hinila na papunta kay Atom na excited na excited nang sumakay sa golf cart.
Bilib na bilib si Atom habang pinapanood nyang nag da-drive ng golf cart si Severus. Ilang saglit lang ay nakarating na din kami sa pupuntahan namin. Dahil maaga kami nakarating dito ay konti pa lang ang mga tao. Agad na pumwesto ang dalawa at naiwan naman akong nasa upuan malapit sa kanila.
"Sev, pa ingat na lang ha baka magalusan." nahihiyang paalala ko dito. Nginitian naman ako nito at sinabing
"Don't worry Serenity." nilapitan na nya si Atom at inalalayan na para sa unang ituturo nya.
Kitang kita ang enjoyment sa mukha ni Atom at Severus. Tila ba sila lang ang tao dito at abalang abala sila sa ginagawa.
Maya maya pa ay nagulat na lang ako ng hatakin ako ni Atom para papunta sa kinaroroonan nila."Ay anak, bakit ba?" tanong ko dito.
"Mom, Tito Sev will teach you too. Come." tuloy tuloy na hila nito hanggang sa makarating kami sa nakangising si Severus.
"Idea mo to no?" naka taas kilay na tanong ko. Tinawanan lang naman ako nito at pumuwesto na para turuan ako. Habang si Atom naman ay siyang pumalit sa upuan ko at nag pahinga.
"Sitty, come ganito dali. Hawakan mo to tapos dito ako sa likod mo hahawakan ko din yung parang sa movie. Para sweet." nang aasar na sabi ni Sev. Hindi ko na napigilan ang kamay kong kurutin siya dahil sa kung ano ano ang pinag sasabi nya.
"Awww. Sitty! Joke lang ito naman." inirapan ko naman ito.
"Dali na kasi. Pano ba to?"
"Hawakan mo tong golf club, wag mong bibitawan kahit anong mangyari. Tapos tignan mo din yung golf ball, tapos mag focus ka sakin." sabi nito at agad ko naman siyang bingwasan dahil nasa likuran ko lang naman siya at halos mag ka dikit kami dahil pareho naming hinahawakan ang .
Naka ilang subok pa muna ako bago ko nakuha ang itinuturo ni Sev sa akin. Medyo nahahapo na ko sa init at pawis ko kaya't inaya ko na si Severus na mag pahinga.
Napag desisyonan na lang namin na kumain muna sa restaurant dito.
Habang kalong ni Severus si Atom ay naka sunod lamang ako para makapag hanap ng uupuan. Medyo punuan na ang reto dahil malapit ng mananghalian.
May isang matandang lalaki ang kumakaway ang napansin ni Severus.
Marahan nya akong hinila papunta sa kinaroroonan ng dalawang matandang mukhang mag asawa."Severus hijo." bati ng matandang lalaki kay Severus. Binitawan niya ang kamay ko upang tanggapin ang pakikipag kamay sa kanya ng kausap at nakipag beso naman sa matandang babae.
"Long time no see Uncle Job and Aunt Josephine." sabi ni Sev.
"Oo nga hijo. Matagal tagal na din nung natapos ang bahay na ipinagawa namin. Mag lunch din ba kayo? Dito na kayo sa table namin Sev." sabi ng matandang babae.
"Is it okay with you Sity?" nilingon ako nito para tanungin. Sa aking hiya ay agad akong tumango. Nginitian naman ako ng matandang mag asawa.
"Oh shoot I forgot. Uncle and Aunt this is Sity and this tough little guy here is Atom. Say hi to them buddy." Sabi ni Severus kay Atom at binaba sa pag kaka karga. Agad na lumapit si Atom sa mag asawa at nag mano.
"It's nice to meet you po! I'm Atom." Magalang na sabi nito. Tuwang tuwa naman ang mag asawa dito.
"Serenity po Maam and Sir." sabi ko habang nakipag kamay.
"Oh please. Aunt and Uncle na lang hija."
"Hindi mo sinabi hijo naka pag asawa ka na pala." naka ngising sabi ng Uncle Job nito. Agad namang nan laki ang mata ko sa sinabi nito.
"I'm sorry sir pero hindi po kami mag asawa." magalang pa din na sabi ko.
"What? Hindi kayo mag asawa? Pero you look good Together. Kanina pa namin kayo nakikitang nag lalampungan sa field." naka ngusong sabi ni Aunt Josephine.
Halos umakyat na ata sa utak ko ang lahat ng dugo ko dahil sa kahihiyan."Hey darling, stop. You're making Serenity uncomfortable." natatawang sabi ni Uncle Job sa asawa. Tawang tawa naman si Severus sa tabi ko.
"Really Auntie? Bagay ba kami?" sabay akbay sakin at idinikit lalo sa kanya. Sinamaan ko naman siya ng tingin lalo na't nasa harap kami ng ibang tao.
"Yes, Sev! You look like a happy family to me." natatawang sabi ni Auntie Josephine.
Bago pa man maka isip ng panibagong kalokohan si Severus ay dumating na ang pag kain na inorder ng mag asawa.
Nasa gitna namin ni Severus si Atom habang katapat ko naman si Aunt Josie at katapat naman ni Severus si Uncle Job kung kaya't malaya kaming magkaroon ng sariling usapan.Puro business ang pinag uusapan ng dalawang lalaki habang kung ano ano lang naman ang napag uusapan namin ni Aunt Josie.
"Talagang hindi kayo nitong si Severus?" tanong nito sa akin.
"Hindi po talaga." nahihiyang sabi ko
"Naku, sayang naman pala. Bata pa lang kilala ko na yang si Severus. Napaka bait na bata nyan. Kaya nga pag nanligaw sayo sagutin mo na agad."
"Hindi naman po nanliligaw at talagang mag kaibigan lang po kami. Hindi ko pa po kayang mag mahal ulit." sabi ko. Kita ko ang awa sa mukha nito at pinipigilan ang sarili na mag tanong.
"It's okay hija. Hindi matuturan ang puso. Love when you're ready. How about this cute little boy? How old are you?"
"Turning 4 po." nag kalat ang spaghetti sauce nito sa mukha.
"Oh no, you have something on your face." natatawang sabi ni Aunt Josie pati ako ay na tawa sa itsura nito pero bago ko pa man ito mapunasan ay naunahan na ako ni Severus na bumalik lang ulit sa pakikipag kwentuhan. Binigyan ako ng nakaka lokong ngiti ni Aunt Josie sa nakita nyang ginawa ni Sev.
"He's ready." natatawang sabi nito sa akin. Nung una ay di ko naintindihan ngunit ng pinag masdan ko si Severus habang inaasikaso si Atom sa pag kain habang nakikipag kwentuhan pa din ay tsaka ko lang naintindihan. Hindi ko mapigilan ang pag init ng pisngi ko. My gosh! Why do you have to be like this Sev?
Pag katapos ng panang halian ay agad naman itong nag paalam samin.
"Sev don't forget to bring Sity and Atom to the party ha?" pag papaalala ng ginang samin.
"Yes Auntie. Ingat po Uncle." Nag manly hug naman ang dalawa habang nakipag beso naman ako kay Aunt Josie.
"I'll be waiting sa love story nyo ni Sev." tila teenagers na kinikilig habang sinasabi ito. Agad namang nag init ang pisngi ko at nag ririgudon ang tanga kong puso.
"Kayo po talaga Auntie Josie, ingat po kayo. Atom say bye to Auntie and Uncle." Sabi ko kay Atom na karga na ni Severus.
"Babye po, Lolo and Lola!" bati nito habang humahalik sa pisngi ng mag asawa. Tuwang tuwa naman ito kay Atom at tuluyan ng nag paalam.
BINABASA MO ANG
Serenity
RomanceBaby it's alright I'll be right by your side No need to cry out loud Nothing to cry about Baby it's alright I'll be just by your side I'll keep you on my sight I'll never leave till you sleep tonight. - December Avenue 💛💛💛 Serenity isan...