Chapter 4 - Painting Class

0 0 0
                                    

"Mom! I'm so excited!" ngiting ngiting sabi ni Atom habang papunta kami sa unang araw ng event para sa mga batang may hemophilia.

"Behave ka doon anak ha. Madaming gagawin si Mommy. Wag kang lalayo kay Ate Rylie mo." Sabi ko dito. Kasama namin si Rylie para mag bantay kay Atom habang nag organize kami doon sa event.

"Yes mommy. I know the rules. Number one is don't do anything that will hurt me." Sabi nito. Natatawa naman akong na patingin dito.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa venue na pag dadausan ng event. Napili ni Aida na ganapin ito sa events place ng isang hotel para maka accommodate ng maraming tao. Mayroong iba't ibang klase ng tao na kasama sa event na to. May media na mag co-cover ng lahat, mayroon ding ilan sa mga kilalang pintor na inimbitahan ni Ms. Mendez para mag guide sa mga batang gustong mag paint. Ako ang naka toka sa pag contact sa ilang nga suppliers ng event habang si Aida naman ang bahala mag supervise.

Hinanap ng mata ko si Atom at napa ngiti ng makita kong naka pwesto na ito sa harap ng isang canvas. Puno na din ng mga bata ang lahat ng upuan at naka handa ng mag paint.

Maya maya pa ay ipinakilala na ng Emcee si Ms. Mendez. Napaka ganda at napaka sopistikada nito. Matangkad na parang beauty queen ang height nito. Napaka amo din ng maliit na mukha nito na may mapupungay na mata.

"Please help me welcome, Ms. Sachi Mendez." nag palakpakan naman ang mga tao.

"Good. morning everyone! Good morning Kids! How are you feeling today?" Pati ang boses nito ay napaka hinhin. Sabay sabay naman na sumagot ang mga bata.

"I hope na mag enjoy kayong lahat. Just raise your hands if you need help and assistance okay? Kapag may masakit o masugatan ay mag sabi agad may mga medics tayong naka antabay." nakangiti pa nitong sabi.
Agad na nag umpisa ang pag paint ng mga bata. Umiikot naman ang ilan sa mga painter para mag assist.

"Sity! Si Ms. Sachi Mendez nga pala. Ms. Sachi this is Serenity one of the organizer and member of Hemophilia Phil." Pag papakilala sakin ni Aida kay Ms. Mendez.

"Nice to meet you po Ms. Mendez. Thank you so much po for funding this event." sinserong sabi ko dito. Kung maganda ito sa malayo ay mas maganda ito sa personal. Tila ba wala pa itong anak sa gandang babae.

"Nice to meet you too Ms. Serenity. Don't mention it, gusto ko lang makatulong sa mga kagaya ng anak ko na may hemophilia. Alam mo naman na napaka mahal ng gamutan para sa mga ganyang sakit at wala namang pinipili ang sakit na ito."

"I agree Miss Sachi. Naku eh isang vial pa lang ng gamot ay nag kaka halaga ng limang libo. Paano na lang kung walang kakayahan ang magulang na bumili nito? Kawawa ang bata." malungkot na sabi ni Aida.

"Mom!" masiglang tawag ng isang gwapong bata kay Ms. Sachi. Mukhang nasa 6 years old na ito. Naka ngiti namang sinalubong ito ni Ms. Sachi.

"Oh pano, see you na lang sa auction! Thank you so much Aida and Sity!" lumapit ito sa amin para makipag beso.

"Good job everyone!" Sigaw ni Aida sa mga kasama naming miyembro ng Hemophilia Phil.

_

"What did you paint?" tanong ko kay Atom.

"A super hero." Naka ngising sabi nito. 

"Really? Can you tell me more?"

"Wait for the auction mom. Ms. Sachi choosed my work to sell in the auction. She said that it was so meaningful." seryosong sabi ni Atom.

"What? Oh gosh! Atom baby, I'm so proud of you." tuwang tuwang sabi ko.

"I'm proud of you too mom!"

"Ah, so sweet." Sabi ko dito habang pinupupog ito ng halik. Tawa naman ito ng tawa dahil sa nakikiliti ito.

"Aba! Anong ingay to ha?" Sabi ni Sese na kakapasok lang.

"Mama help!" Sabi ni Atom kay Sese. Nakasanayan na kasi nitong tawaging ganon si Sese dahil mag ka mukha daw kami.

"Why don't you tell mama about your painting?" sabi ko dito. Tumayo naman ako upang mag handa na ng kakainin namin dahil wala si Mama.

_

Sev's

"Dada!" tumatakbong  sabi ni Wilson.

"Hey buddy! Who's with you?

"Mommy!" Maya maya pa ay bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito si Sachi.

"Hey!" Sabi nito at lumapit para makipag beso sa akin.

"Hey, what brings you here?" nag tatakang tanong ko.

"Grabe, Seve! Bawal ka na bang dalawin?"

"No, nagulat lang ako. Nandito na pala kayo sa Pilipinas di ako aware."

"Yeah, Busy ka kasi masyado! Hindi ka umuuwi sa bahay." nag tatampong sabi nito.

"Busy ako. Napaka daming pinapagawa ni Dad. Hindi naman binabayaran ang talent fee ko. Pano ako yayaman nito?" biro ko dito. Tawa naman ito ng tawa.

"Kahit humilata ka lang mag damag hindi malulugi itong firm mo."

"Hindi ah. Maliit pa lang tong firm ko." Naka kunot noong sabi ko dito. 3 years pa lang iton simula nung itinayo ko.

"Sus. Humble. Anyway, may auction kami this coming Saturday. Lahat ng pag bebentahan ng painting ay mapupunta sa mga batang may hemophilia. I just want you to invite to buy some paintings." Naka ngiting sabi nito.

"Oh sure. Just send me the details."

"Not only that, I also want you to sing." Sabi ni Sachi na ikinagulat ko.

"What?" napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ito.

"Please Seveee! For the kids with hemophilia." pangongonsensya pa nito sakin.

"As in solo? You know naman na guitarist ako. Hindi ako vocalist. If you want I can contact my friends Para tumugtog kami." pangungumbinsi ko dito. Never pa ko kumanta ng solo sa maraming tao. Pang family gathering lang tong kapal ng mukha ko." natatawang sabi ko pa. Sa tuwing may family gathering kami at hindi pwedeng wala kaming special number ng mga pinsang kong may sapak sa ulo.

" They can perform also. But I also want you to have your solo performance. Please Sevee!" Sabi nito habang naka pout pa at nag papa cute. Napa buntong hininga naman ako habang nag iisip.

"Alam mo ba na mayroong tinutulungang 4 months old ang Hemophilia Phil. Mayroon siyang pag dudugo sa utak. Imagine Seve, makakatulong ka sa gagawin mo." dagdag na pangongonsensya pa nito sakin. Nanlalaki pa ang mata nito. Natawa naman ako sa itsura ni Sachi.

"Please Dada!" singit naman ni Wilson habang nakatingin sa akin. Wala na kong nagawa kundi ang sumangayon.

"Okay, for you buddy!" nakangiting sabi ko. Hindi ko kayang tanggihan ang batang ito. Napamahal na sa akin ng husto si Wilson at di ko kayang biguin ito. Sabay na nag diwang ang mag ina ng marinig ang sagot ko.

"Bring your rich friends and tell them to bid!" nakangising sabi pa ni Sachi. Napailing na lamang ako dito.
Hay mukhang kailangan ko ng maraming kapal ng mukha para kumanta sa maraming tao. Napa subo na naman ako ng wala sa oras! May sa mang kukulam talaga itong si Sachi. Mapapa sunod nya lahat sa paligid nya. Tsk.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon