Chapter 3 - Event

0 0 0
                                    

"Sity! Here!" tawag sakin ni Aida habang kumakaway. Ngayon namin napag desisyonan na mag meeting about sa event. Kasama din namin dito si Carmi, na siyang secretary at Pia na Auditor ng aming organization. Lahat kami ay may anak na may hemophilia.

"Hi girls!" isa isa naman kaming nag beso at umupo na sa kanya kanyang upuan.

"Long time no see Sity!" Sabi sakin ni Carmi.

"Oo nga eh. Halos 6 months ago na yung huli nating event." Sabi ko naman.

"Sana mag enjoy ang mga bata sa event natin ngayon. Sobrang nag enjoy si Bullet nung nakaraan. Ay by the way may participation ba ang mga bata sa event na to?" tanong naman ni Pia. Napatango tango naman kami ni Carmi at nag antay ng sagot.

"Yes! Of course. Dahil ang event na ito ay 2 days event and all about painting!" namangha naman kami sa sinabi nito.

"Si Ms. Mendez ay isang kilalang painter sa ibang bansa. May anak din siyang may hemophilia. Willing siyang mag turo at mag fund ng event. Sa unang araw ng event ay mag tuturo siya ng painting class and the sa day 2 ay ang auction na dadaluhan ng mga bigating Business man. Oh di ba bongga?" naeexcite na sabi ni pa ni Aida.

"Great. I'm sure malaki ang kikitain ng org sa event na ito. Madami din tayong new members na kailangan ng tulong." Sabi ni Pia.

Nang araw na din yun ay nag simula na naming planuhin ang event na mangyayari. Wala namang problema sa fund dahil si Ms. Mendez ang bahala para dito.

In less than a month gaganapin ang event. Kaya't kailangan na naming humanap ng mga suppliers.
_

"Mom, is it true? Mag paint po kami sa event?" seryosong tanong ni Atom sa akin. Medyo natawa pa ko dahil parehong pareho sila ng expression ng mukha ng tatay nya.

"Yes my love. Are you excited?"

"Yes! Yes!" nag Tatalon na wika nito.

"Atom, don't jump!" nag aalalang sabi ko dito. Agad naman itong tumigil.

"Sorry my." malungkot na sabi nito.

"Anak, di ba you already know why you're not allowed to jump, run and eat some kind of foods?" malumanay na tanong ko dito.

"Yes mom, I won't do it again. Please don't get mad." Naka pout na sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako at niyakap to.

"I'm sorry baby." minsan sinisisi pa din niya ang sarili nya kung bakit nag karoon ito sakit na hemophilia. Ang mga nanay kasi ang carrier ng sakit na ito.

Dahil sa nalaman ni Atom na mag pe-paint sila ay araw-araw na itong nag pa practice ng gagawin nya sa event. Sinabi din nya na ang pag bebe tahan ng mga painting nila ay mapupunta sa mga katulad nyang may hemophilia na walang pang tustos para sa sakit.

_

Sev's

"Sev, w-wait. Huwag dito." humahalinghing na sabi ng babaeng ka halikan ko. Siya yung secretary ni Dad. Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair nito habang nakaka Dong naman ito sakin.

"5 mins." Sabi ko habang bumababa ang halik ko sa panga nya.

"Odessa nasan-- Holly cow! Severus!" galit na sigaw ni Dad ng makita kami. Hindi namin namalayan na nakalabas na pala ito sa kanyang office. Nag mamadaling tumayo naman ito at inayos ang sarili.

"Dad! How are you?" Nakangiti kong sabi at tumayo na sa pag kaka upo.

"I can't believe you Severus! Pang ilang sekretarya ko na ang ginanyan mo. Wala kang patawad!" naiinis na sabi ni Dad habang papasok sa opisina niya.

"Dad wala naman kaming ibang gagawin. We're just kissing." Naka ngisi kong sabi. Napailing na lamang ito habang binubuklat ang portfolio na inabot ko dito.

"Kung hindi lang kita anak at kung hindi ka lang magaling na architect baka di na kita pinatuntong dito sa kompanya."

"Approve na ba designs dad? No need to have a meeting? Mahal sisingilin ko jan ha?" naka tawang sabi ko. Akma naman ako nitong ba batuhin ng stapler kaya napatayo ako.

"Eh kung singilin ko din kaya lahat ng pinalamon ko sayo?"

"Dad! Malulugi ang firm ko nyan!" pabirong sabi ko.

"About that, how's your firm?" seryosong tanong nito. Mayroon kasi akong sariling Engineering at Architectural firm na itinayo ko.

"Doing good Dad. I just hired 3 hot and sexy architect and 5 male engineers last week. Di na kasi kaya nila Jin dumadami na din naman ang kumukuha sa firm."

"That's great. Just please, don't screw your employees. Malas yan sa business!" sabay kaming napahalakhak ni Dad sa sinabi nya.
_

"Bro, ang boring naman dito. Dapat nag bar na lang tayo!" biro ko sa mga kaibigan kong seryosong kumakain. May usapan kasi kaming boys night out ngayon at napag pasyahan nilang sa isang restaurant na lang malapit sa condo ni Andrew mag kita.

"Tigilan mo nga! Tanda mo na no. Ano ka college?" natatawang sabi ni Race.
Lima kaming mag ka kaibigan simula pa noon. Si Race, Andrew, Orion, Rocky at Ako. Sa sobrang tagal na naming mag kakilala ay naka buo na kami ng sarili naming banda.

Noong college kami ay Suki kami ng mga Bar. Halos ata lahat ng bar dito sa Metro Manila ay nalibot na namin. Pero habang tumatanda na ay bihira na din kaming mag punta doon. Kung gusto man naming uminom ay sa isang bahay na lang at mag jajaming.

"Miss, may live band kayo ngayon?" tanong ni Orion sa lumapit na waitress.

"Yes sir. Ang kaso hindi dumating. 30 mins na silang late. Baka di na din dumating." sagot nito.

"Kami na lang miss!" sabat agad ni Race.

"Ahm, Ano kasi sir e. Di ko sure?" nag aalngang sabi ng babae.

"Sige na miss. Di naman kami maniningil. I know the owner. Just tell your manager my name. Orion." Naka ngising sabi nito. Agad naman itong  tumalima at nag punta sa manager. Mamaya pa ay nilapitan kami ng manager at pinayagan ng mag perform. Hawak ang electric guitar ay sinubukan ko na kung nasa tono ba ito. Napili ni Orion kantahin ang Sweet child of mine. Kaya't enjoy na enjoy ko ang pag he-head bang. Inikot ko ang aking mata sa mga audience na kumakain sa resto. Naagaw agad ng isang babaeng naka blue dress ang aking pansin. Napaka ganda nito. Light brown eyes, pointed nose at soft pouty lips. Inaantay Kong tumingin ito samin at ng mangyari nga'y agad ko itong kinindatan. Bahagya pa akong natawa ng makita ko ang oag bilog ng mata nito kasabay ng pamumula ng mukha at leeg nito.
Tsaka ko lang napansin na may kasama pala itong isang lalaki. Boyfriend ba? Sayang! sabi ng malanding bahagi ng utak ko.
Maya maya pa ay umalis na ito kasama ng date nya. Gusto ko man itong habulin ngunit kasalukuyan pa kaming tumutugtog.

Makikita din kita.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon