Amanda

3 0 0
                                    

At dahil nga sa lakas ng ulan, napilitan akong sumabay sa malalaking patak nito upang masabayan ka sa paglakad, hindi ko inalintana ang mga kwaderno at librong nasa loob ng aking bag basta gusto ko lamang pagbigyan ang puso ko na makasabay ka sa paglakad..

Hindi ko alam pero napapangiti ako mula sa likod mo noon, sapagkat hindi mo man lamang ako itinaboy o di kaya'y pinaalis gaya ng ibang mga babae, iniisip ko nalamg marahil iyon ang daan mo upang magbigay sa akin ng pasasalamat.

Nang makarating tayo sa tapat ng iyong bahay, kung saan maaari ka ng sumilong batid ko na ibibigay mo na sa akin ang payong ko ngunit mali ako.

Sinenyasan mo ako na maghintay sa labas ng inyong bahay, may silong iyon at may lamesa at mga upuan maganda ang mga iyon, hindi nakakapagtaka na ganoon kaganda ang inyong tahanan dahil nga bantog ang iyong pamilya sa ating lugar.

Umupo ako sa isang upuan, hiyang-hiya ako sapagkat para akong basang sisiw sa aking kalagayan.

Lumabas mula sa pinto ang isa sa inyong kasambahay at binigyan ako ng mainit na kape atsaka iniabot ang payong na ginamit mo.

"ipinabibigay po yan ni señorita, pagkatapos mo daw ho magkape maaari na kayong umalis"

Sabi ng babae, kahit nais kong itanong kung nasaan ka at bakit hindi mo man lang ako nilabas at tinuring na iyong bisita ay hindi ko na nagawa pang magsalita hinayaan ko na lamang ang pangyayaring iyon at inisip na baka napagod kang maglakad sapagkat ito ang unang beses na umuwi ka ng hindi man lang nakasakay sa inyong sasakyan.

Matapos kong maubos ang isang tasang kape, at tila tumila na rin ang ulan hindi na ako nagpaalam at naglakad na ako palayo sa inyong bahay, nang mapagtanto ko na malayo na ako agad akong nanghinayang at tinawag na bobo ang sarili ko sapagkat hindi ko man lang naitanong sa inyong kasambahay ang buong pangalan mo, at talo na naman ako.

AmandaWhere stories live. Discover now