Señorita,Marahil ay nabalitaan ng iyong ama na nagkaroon ng karamdaman ang aking ama, kaya naman noong isang araw nang ako ay nagpunta sa inyo upang umigib ng inumin ay inalok ako nito ng isang trabaho upang makatulong sa akin na huwag huminto sa pag-aaral at makatulong sa aking ina.
Pumasok ako bilang isang hardinero at "boy" kung tawagin, batid ko ang trabahong ito, madalas akong mauutusan at palagi akong maglilinis.
Agad kong tinanggap ang trabaho, at masaya ako dahil sa ganitong sitwasyon ay malalaman ko na ang pangalan mo na matagal ko ng ninanais malaman.
Dumating na naman ang oras na ika'y nag-aantay ng susundo sa iyo sa hintayang bahagi ng paaralan, nang biglang may lumapit sa iyong dalawang lalaki na kapuwa natin estudyante, sa hindi kalayuan ay napansin kong may kakaibang nangyayare, at marahil ay nasa hindi ka magandang sitwasyon.
Agad akong lumapit papunta sa lugar mo at sinaway ang mga lalaking marahil ay bumabastos sa iyo.
"hoy kayo?! Hindi nyo ba kilala kung sino ang babaeng ito? Anak ito ng isang bantog na negosyante sa Sitio Seville at kayang-kaya ko kayo isumbong nang sa ganon eh maputulan kayo ng mga braso! Gusto nyo ba?!"
Matapang na pagkakabanggit ko sa kanila, na dahilan ng kanilang pagkatakot at tuluyang pag-alis sa lugar namin. Ngunit isang magandang pangyayare para sa akin ang tagpong iyon dahil sa unang beses ay narinig ng aking mga tainga ang mahinhin mong boses.
"salamat, pero sana hindi mo na sinabing mayaman ako" mahinang sabi mo noon.
"ahh.. Pasensya na señorita pero wala naman akong sinabing mayaman ka ang sabi ko anak ka ng negosyante"
Pabirong sabi ko"walang pinagka-iba 'yon" sagot mo at bahagyang nagseryoso ang mukha mo
"ahh ehh pasensya na señorita hindi ko nais na masaktan ang damdamin mo" paumanhin ko.Ramdam kong palpak ako sa araw na ito, dahil sa unang pagkakataon na nagkausap kami ay nabigo ko siya.
Lumipas ang isang oras, walang anino ng taga-sundo mo ang dumating kaya naman nagpasya ako na alukin ka ng isang pabor.
"ahhm.. Señorita baka gusto mo ng umuwi akong bahala'ng maghatid sa iyo"
Tumango naman sya, senyales na pumapayag sya.
At iyon ang pangalawang tagpo na, naihatid kita sa inyong tahanan. At iyan ang araw na hindi ko kailanman malilimutan, ang unang araw na kinausap mo ako at narinig ko ang magaganda mong mga tinig, tunay nga'ng isa kang anghel sa taglay mong hinhin at ganda marahil ang puso ko ay tumatalon sa tuwa.