Mahal,Lumagpas na ang itinakdang oras na ating pagkikita dito sa ilog, pero wala pa rin akong nakikitang amanda na lumalakad palapit sa akin, tanging huni ng mga ibon ang naririnig ko imbis na ang mga tinig mo.
Ngunit mag-aantay ako kahit gaano pa katagal..
Alas-kuwatro
Habang ako ay nakatayo at pinagmamasdan ang agos ng tubig sa ilog ay may biglang yumakap sa akin mula sa aking likuran, batid kong ikaw iyon kaya't hinarap kita agad.
"akala ko ay hindi ka na darating mahal ko" sabi ko habang hawak ang kamay mo.
"kumuha pa ako ng tamang oras para makaalis nang hindi nila nalalaman" sambit mo at hinalikan ko ang iyong noo.
"kamusta ka na? Sobrang nananabik akong makausap ka ngayon, akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin mahal ko"
"patawarin mo ako mahal, sadyang wala lamang akong magawa"
yan ang tanging sinabi mo, sumagi naman sa isip ko ang tagpo noong gabi'ng iyon, ang tungkol sa pagpapakasal mo base sa mga narinig ko, kaya naman agad kong tinanong sa iyo ang bagay na iyon.
"mahal, kung mamarapatin mo.. Hindi ko rin kasi maintindihan kung ano ang mga narinig ko noong gabi'ng iyon yung tungkol sa..."
"pagpapakasal ko?"
hindi pa ako tapos magsalita noong dugtungan mo ito, alam mo nga siguro ang nais kong itanong sapagkat totoo, hindi ko mawari ang takbo ng isip ko noong kausap kita at kaharap, hindi ko alam kung nais ko pa bang marinig ang paliwanag mo kasi.. Iyon na eh.. Binanggit mo na, sayo na mismo nanggaling na ikakasal ka, hindi ko rin namalayan na nabalot tayo saglit ng luha at katahimikan.
"ikakasal ka nga amanda" tanging sambit ko habang pinipigilan ang mga susunod na patak ng aking luha
"patawarin mo ako, hindi ko nais na.."
"bakit mo ginawa sa akin ang bagay na ito? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" pagputol ko sa sinasabi mo
"kasi alam kong hindi mangyayari'ng makasama kita kung sasabihin kong ikakasal na ako!" umiiyak na paliwanag mo
"ngunit kasalanan ito Amanda! Kung alam ko lang kaya ko naman pigilan yung nararamdaman ko! Hindi na sana tayo umabot sa ganito! Hindi na sana tayo nahihirapan" patuloy na sambit ko habang tuluyan na akong nilamon ng aking emosyon at tuloy tuloy na rin ang luha ko.
"hindi ba't mas kasalanan na ipilit ang pag-ibig na hindi mo naman gusto?"
Napatigil ako ng sabihin mo ang bagay na iyan,
"anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"hindi ko mahal si Daniel, ikaw ang mahal ko!" sambit mo habang lumuluha
"P-paano'ng hindi mo mahal? Hindi mo mahal yung taong pinayagan mong pakasalan ka? Imposible iya'ng sinasabi mo Amanda!"
"hindi mo kasi ako naiintindihan!"
"pwes! Ipaintindi mo Amanda! Kasi maging ako gulong-gulo na rin!" patuloy akong nilamon ng aking emosyon.
"dahil iyon ang gusto ni Papa! Ka-isyoso niya sa negosyo si Don Carlos! At pinagkasundo nila kami na ikasal!"
sabi mo habang halos hindi ka na makatakas sa iyong mga luha, tila nabunutan naman ako ng tinik sa aking dibdib nang marinig ko ang kasagutan na gusto kong malaman, ramdam ko ang hirap na bumabalot sa iyo, ramdam ko na hindi mo gusto ang bagay na iyon at ramdam ko na ako ang mahal mo." Bakit ba tayo pinahihirapan ng ganito? Bakit hindi na lamang tayo hayaang maging masaya? Bakit kailangang magtagpo tayo sa dulo ng daan at maghiwalay ng landas? Bakit natin ito nararanasan?"
Niyakap kita ng sobrang higpit, na parang halos ayaw na kitang pakawalan, ramdam ko pa rin ang init ng iyong pag-ibig sa akin, alam ko na sa bawat luha mo na dinadalangin mo rin sa Maykapal na pagbigyan tayong dalawa. Batid ko yun mahal kasi ganoon din ang takbo ng isip ko.
Kung hahayaan akong humiling ng humiling, ikaw lang ang hihilingin ko mahal, wala ng iba.
Mas lalo kong gustong patunayan na mahal kita kaya nagpasya akong sabihin sa iyo kung ano ang paraan na tangi kong magagawa.
"mahal may sasabihin ako sa iyo pero sana ay pumayag ka at hayaan mong patunayan ko sa iyong mahal kita"
"kahit ano mahal ko, nagtitiwala ako sayo"
"sa susunod na linggo, sa bisperas ng pasko habang abala ang lahat ng tao magkita tayo dito, ala-sais ng gabi tatakas tayo, pupunta tayo sa malayo na kung saan hindi nila tayo mahahanap" pagpapaliwanag ko
"paano? Mahal natatakot ako" nangangambang sabi mo
"mahal mo ako diba?" tanong ko
"alam mo kung gaano kita kamahal" sagot mo"hayaan mong patunayan ko sa iyo kung gaano kita mahal, magtiwala ka sa akin" sagot ko habang pinupunasan ang luha mo
"ito nalang yung natatanging paraan mahal, magtiwala ka sa akin" sabi ko sabay yakap sa iyo ng mahigpit.
Alam ko mali ang gawin ang bagay na iyon, ngunit batid ko rin na walang mali sa pag-ibig.