Señorita,
Lumipas ang mga araw, alam kong batid mo na lagi kitang sinusulyapan at lagi kong tinitignan ang mala-anghel mong mukha sa tuwing napapadaan ako sa inyong silid aralan o di kaya'y nakakasalubong kita sa labas mg eskwela. Batid mo rin na mula sa di kalayuan ay binabantayan kita at sinisiguradong nakasakay ka na sa inyong sasakyan pauwi sa inyong tahanan.
Marahil iba na ang tingin mo sa akin, marahil iniisip mo na masama akong tao o di kaya'y may nais ako sayong hindi maganda, ngunit nais ko lamg sabihin sa iyo na mali ka kung iyan ang iniisip mo
Sa tuwing nakakasalubong o nasusulyapan kita hindi ako nagdadalwang-isip na ngitian ka, kahit na wala ngiti ang bumabalik sa akin mula sa iyo.