Mahal ko,Nananabik ako sa ating muling pagkikita, ngunit mas lalo akong nananabik sa ating pagsasama ng mas matagal, alam kong mali ang atung desisyon ngunit nagtitiwala pa rin ako na ang pag-ibig ay hindi nagkakamali.
Noong nakaraang araw kinausako si Manuel, ang matalik kong kaibigan sinabihan ko siya na mag-antay siya labas ng inyong tarangkahan alam kong marami kayong bisita sa mga oras na iyon upang salubungin ang araw ng pasko, kaya naman mas hindi nila mapapansin na aalis ka, dalangin ko ang iyong katagumpayan mahal.
Sinabi ko rin kay Manuel na agad kang dalhin dito sa tabi ng ilog, alam ko rin na inaalala mo kung saan tayo pupunta ngunit huwag ka ng mag-alala sapagkat nakausap ko na rin si Manuel sa bagay na iyan, ang bahay ng kanyang kapatid sa maynila na si Clarita ay maaari tayong patuluyin hanggang sa makahanap ako ng trabaho doon.
Oo mahal, alam kong magagalit din si inay at itay sa akin sapagkat hindi ko na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral, ngunit nangako din ako sa aking sarili na babalik ako sa aking pangarap, sa ngayon ang pangarap ko ay makasama ka at iyon ay gusto ko munang abutin.
Nag-aantay ako ngayon dito sa paboruto nating tagpuan, lumipas na ang tatlumpung minuto ng itinakdang oras ay wala ka pa rin, ngunit hindi ako susuko, mag-aantay ako sa iyo kahit matagal.
Maya-maya pa'y naghihikahos na dumating si Manuel dito sa tabi ng ilog, pawisan ito at halata ang pagkatakot at ang pinaka-masakit ay ang hindi ka niya kasama.
"Nasaan si Amanda, Manuel at bakit tila pagod at takot ka?"
agad kong tanong kay Manuel na noon di'y pinipilit pakalmahin ang sarili.
"S-si.. A-m-manda.."
Naguumpisa ng bumalot ang kaba sa buong katawan ko.
"a-anong nangyare kay Amanda?!"
"Nahuli kami ng isa sa kanyang mga taga-bantay at ni Don Romualdo habang itinatakas ko si Amanda palabas ng tarangkahan pagkatapos..."
"pagkatapos, ano?" dugtong ko
"nagkagulo doon sa bahay nila, isa sa kanilang tauhan ang sumuntok sa akin at pilit akong pinaamin ni Don Romualdo kung ako ba ang kalaguyo ni Amanda"
Halos gumuho na naman ang mundo ko ng marinig ko ang paliwanag ni Manuel marahil ay mas lalong pinag-iinitan ngayon si Amanda sa kanilang tahanan, at lumiliit na rin ang tsansang makasama ko siya habang buhay.
"pagkatapos anong sinabi mo?"
"nagsabi ako ng totoo"
nakaramdam ako ng sobrang pagkatakot noong sandaling iyon at hindi ko alam kung ano ang kayang gawin sa akin ni Don Romualdo
"kailangan kong punatahan si Amanda!" banggit ko ngunit pinigilan ako ni Manuel
"Luisito! Hayaan mo na muna si Amanda! Pakiusap naman Luisito" saad niya habang pinipigilan ako at hawak ang mga braso ko.
"kailangan ako ni Amanda doon Manuel! Hindi ko siya pwedeng pabayaan!" galit na pagkakasabi ko at tuluyan akong pumiglas sa kaniya, ngunit hindi pa ako nakalalayo mula kay Manuel ng biga itong nagsalita.
"Luisito! May mas kailangan kang puntahan higit kay Manda!"
Tumigil ako sa paglalakad nang mga sandaling iyon, sino ang tinutukoy niya?
"a-anong ibig mo'ng sabihin?" tanong ko.
"Galit na galit si Don Romualdo, papunta siya sa inyo sapagkat hinahanap ka!"
Agad na pumasok sa isip ko ang mahina kong ama at naiwan kong ina, higit na malakas ang kapangyarihan ni Don Romualdo at kung sakali man ay walang laban doon ang aking magulang
"inay..itay.." bulong ko, at agad akong naghikahos sa pagtakbo upang puntahan ang nanganganib kong mga magulang.
Habang tumatakbo, doon ko naiisip ang paghihirap ng pagsasakripisyo.
Ang pag-ibig ay pagsasakripsyo,
Ang pag-ibig ay pamamaalam ngunit..,
Ang pag-ibig ay paghihintay.