Mahal ko,Ilang araw na akong naghihintay na makausap ka, inalis na akong muli ni Don Romualdo bilang iyong taga-bantay at siya na muli mismo ang naghahatid at nagsusundo sa iyo.
Sa inyong tahanan naman wala akong makuhang tamang oras upang makausap ka, dahil sa tuwing bababa ka ng sasakyan dire-diretso lamang ang lakad mo patungo sa iyong silid kaya naman wala akong pagkakataon na kausapin ka.
Sabik na ako sayo, alam ng Diyos kung gaano ako umaasa na magkausap tayong dalawa tungkol sa ating pag-ibig. Hindi ko maiwasang isipin ka at mag-alala kung kamusta ka na, kung maayos lang ba ang pakiramdam mo.
Kaya naman nagpasya akong sulatan ka, at hahanap ako ng isa sa iyong kamag-aral upang ipabigay sa iyo ang sulat ko. Hindi ko na kayang tinatanaw lamang kita, hindi ko na kayang hindi kita kasama.
Lahat ng paraan gagawin ko para sa iyo mahal.
Kinausap ko ang isa sa mga kamag-aral mo si Selya, mabait siya at sa awa ng Diyos ay tinulungan niya akong kumbinsihin si Selya na iabot sa iyo ang liham na ginawa ako, nakiusap na rin ako kay Selya na kung sakaling sumagot ka ay siya na lang din ang mag-abot sa akin ng liham na isusulat mo. Nakiusap din ako na huwag na muna niyang sabihin na galing sa akin ang sulat upang walang makaalam, nagtitiwala naman ako kay Selya na hindi nya ipagsasabi ang tungkol sa bagay na ito.
Paglabas ninyo sa inyong silid, tinatanaw kita hanggang sa makarating ka sa hinatayn ng paaralan, at nandoon na nga ang inyong sasakyan nakita ko na bumaba na rin si Don Romualdo upang pagbuksan ka ng pinto, akala ko eh mawawalan ng kabuluhan ang liham ko sa iyo kung hindi ka pa naabutan ni Selya upang maibigay sa iyo ang liham ko.
Ngayon ay mag-aantay na lamang ako ng iyong sagot.