" Ma, binigyan ako ni ninong Bert ng wanhandred. " nakangiting bungad ko sa kaniya. Ngiting-ngiti ang bungi kong ngipin at gulo-gulo ang buhok ko na parang sinabunutan ng batalyong unggoy at may uhog pa malapit sa labi.
Maganda pa rin naman ako noe!
" Akin na, Lenlen at itatago ko baka magastos mo na naman 'yan. " mahinahong sabi ni mama kaya agad-agad akong tumango.
Isang hapon habang nakikipagrambulan ako sa kapwa mga uhugin, may dumaan na dirty ice cream kaya agad ko itong tinawag.
" Manong, isang apa po yung tig-papayb. " sabi ko rito.
" Ilibre mo naman kami, lenlen. " sabi ng mga kalaro ko kaya napaflip hair ako. Mga sipsip talaga parang di ako inaaway a.
" Ay teka manong! Sandali lang! "
Nakalimutan kong pinahawak ko pala kay mama yung pera ko. Nagtatakbo ako papuntang bahay. Wala pa akong tsinelas pero keri lang.
" Maaaa! Yung wanhandred ko po? "
" Pinambili ko ng bigas. " halos manlumo ako sa narinig.
Nagpapapasak ako sa sahig at nagsimulang umiyak.
" Pera ko yun e! Bigay ni ninong Bert! Pera ko yun! Waaaaaahhhhh! huhuhu. "
" Aba sinusumbatan mo na ako, lenlen? Bakit? Sino ba bumili ng gatas mo nung bata ka? Sino bang nagluwal sa'yo? Ang dami-dami kong ginastos sa'yo. Nung nagkalagnat ka—" blah blah blah
Wengya. Wanhandred ko lang hinihingi ko ba't napunta sa ginastos sa'kin?
—