III.

3 1 0
                                    

MAPANGHI LOVE STORY

" Ma, naiihi ako. "

Tinaliman ako ni mama ng tingin kaya nanahimik ako.

Pero maya-maya ay nag-ingay ulit ako.

" Tumahimik ka, Maria! May binibili pa ako. "

" P-pero...."

At nagrap na naman si mama. Gusto ko sanang magbeatbox kaso naiihi na talaga ako.

Pasimple akong lumayo nang tumalikod na ito at nagtungo sa escalator. Kung bakit ba naman kasi nasa second floor yung cr.

Sasabog na talaga!

" Tabi! Tabi! "

Minumura nila ako pero wala na akong pake!

Sasabog na!!!!

" Ay! "

Bigla akong nadulas pero mabuti na lang at may nakahawak sa'kin.

Halos mapatulala ako at maglaway. Ang pogi! Nakaigting ang panga nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

Nakakawet ng panty. Rawr hihihi.

" Miss. "

Pati boses ang pogi rin.

" Miss, ang panghi mo. "

Ano kamo?

" Ha? "

" Sabi ko, ang panghi mo. Nawiwi ka pa sa panty mo. "

Tinignan ko ang tinuturo niya at halos mamula na sa kahihiyan. Tumutulo pa at basang-basa na ang sahig dahil sa ihi.

Halos mangasim amg mukha ko sa naamoy. Mapanghi nga!

AnnikaWhere stories live. Discover now