" Mingming! Asan ka na ba? "
Naikot ko na pati sulok ng bahay, pati ang dog house nina Aling Tekla pinakialaman ko kaso kagat mula kay Pulgoso ang natamo ko.
Hingal na hingal habang inaabot ang door knob ng bahay ng makarinig ako kalabog sa loob.
" Patay kang ipis ka! "
Naparolyo ang mata ko dahil sa itsura ng kapatid ko habang pinapatay kuno ang ipis na kanina pa nadeds. Pinulot ko ang ipis sa lapag.
" Yuck! San mo dadalhin yan? "
" Kay mingming. Favorite niya to e. "
Narinig ko pa siyang nagmura bago umalis. Dala ang dedz na ipis, pumunta ako sa kwarto ko at nagulat sa naabutan.
" Mingming! Ayos ka lang be? "
Akmang ilalapit ko ang ipis sa kaniya nang bigla niya itong kinalmot palayo.
" Mingming! Bakit mo ginawa yun? "
" Pwede ba! Sawang-sawa na ako sa ipis. Butterfly naman. " p-pvta
—
