Tula para sa lalaking dahilan ng aking mga ngiti;
Kay tagal akong nalumbay,
Pulos katahimikan na lang ang nakapatnubay.
Kay tagal akong nagdarasal,
Umuusal na sana'y may magmamahal sa'kin at susugal.
Kay tagal akong nanalangin,
Hindi ko inaasahan ito'y diringgin.Ikaw na nakausap ko kahit ilang saglit lamang.
Binigyan mo ako ng pag-asa at maging masaya muli.
Ang tahimik kong mundo unti-unti mong ginulo.
Ngunit masaya ako.
Masaya akong maging ganito.
Salamat at nakilala kita.
Salamat sa lalaking bukod tanging pumuno ng saya at pagmamahal sa kaibuturan ng aking puso.Salamat, mahal.
