" Teresa, kanina ka pa tinitignan ng katabi. Shet! ang pogi! " gigil na bulong ni Kisses sa'kin.
Kagat-labi ko siyang sinaway dahil baka maingayan ang mga kapwa naming pasahero dito sa eroplano at itulak kami paalis dito sa eroplano edi natigok kami?
Kinurot ko siya dahil hinampas na naman niya ako. Nakatingin pa rin daw yung lalaki sa'kin.
" Magtigil ka nga, Kisses. Ang likot mo! " gigil ko ring bulong.
Pasimple kong kinapa ang mukha ko kung may muta ako. Kinuha ko ang compact mirror sa bag ni Kisses at nagsimulang maglagay ng foundation.
" Gaga, ang kapal ng foundation mo! Tama na 'yan. " pabulong na saway ng katabi ko.
Sunod ko namang kinuha ang dark lipstick sa bag niya. Ramdam ko ang mariing tingin nung lalaki sa kaliwa ko. Namamawis na rin ang kamay ko sa kaba.
Shete ka, Tere! Anong ginagawa mo?
Halos mapangiwi ako sa kulay ng lipstick na hawak ko. I-a-apply ko pa lang sana iyon sa bibig ko kaso may pumigil na sa mga kamay ko. Lumingon ako sa kaliwa at napalunok.
" B-bakit? "
" Want ko lipstick mo, girl. Pwede mine ko na itetch? " wala na akong nagawa nang kunin na nito ang lipstick at naglagay sa bibig niya.
Akala ko magkakajowa na ako. Why naman pogi? Sayang lahi.
—