" Lord, sana sa next life ko, mahalin na ako ni papa. " umiiyak na sabi ko bago ako tumalon sa isang building.
" Aaaaaahhhh—putputak! "
Hingal na hingala ako kaso parang grabe naman ata ngayon. T-teka...patay na ba ako?
" Tiltilaok! Tiltilaok! "
Nagmulat ako ng mata. Parang may mabigat na ano sa ulo ko letse. Epekto ba 'to ng pagkahulog ko sa building?
Bumukas ang pinto ang bumungad sa'kin ang bulto ni papa.
" Tiltilaok! Tiltilaok! Tiltilaok! " patakbo akong pumunta sa kaniya kaso napatingin ako sa kamay ko na naging pakpak na. Shet, anong klaseng katawan ba 'to?
Binuhat ako ni papa at hinimas ang balahibo. Ganito pala ang feeling mayakap ni papa. Shet, thank you, Lord!
" Pasensya ka na, Lebron. Kailangan mo na muna mamahinga. " mahinahon na sabi niya at parang maiiyak na ano.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang boses ni mama.
" Carding, matagal pa ba 'yan? Gutom na mga anak mo. "
Humarap sa kaniya si papa at muntik na akong mapairap dahil hawak na naman niya ang precious tupperware niya sa kamay. Mas precious pa sa'kin kairita.
" Sandali lang, Mildred. Hindi ko kaya. Hingi na lang kayo ng malunggay sa kapitbahay. " nahihirapang sabi ni papa.
Galit na galit na binagsak ni mama ang tuperware kay papa at inagaw ako sa kaniya. Masama kutob ko rito.
" Tiltilaok! Tiltilaok! "
Fotangena red alert! red alert! Ba't may kutsilyo? Retreat! Retreat!
Nagkakawag ako sa pagkakahawak niya at ipinagaspas ang chicken wings ko sa hangin. Parang naririnig ko sa isip ko ang kantang, " I believe I can fly " ni Erik Santos.
Ganito pala ang feeling. Fly! Fly! Fly—aray! Headshot. Binato ako ng bato ng kapatid kong mas malaki pa kay buddha.
Lord, namatay man ako, alam ko sa sarili kong namatay akong masarap.
—
