"Ang dami na agad tao eh maaga pa ah." Sabi ko
Naglalakad kasi kami ngayon ni Zyril sa labas ng court dahil hinahanap namin sa labas si Brylle dahil na sakanya pa yung pass namin papasok.
"Ayan pala si Brylle" Turo ni Zyril.
"Pres!"
Nakasuot si Brylle ng yellow jersey ,naka black sport shoes at naka knee sleeves din siya at mayroon din siyang bandana sa bandang noo niya na kulay yellow. Talagang palaban ang datingan niya.
"Timing yung dating niyo kala ko mahuhuli kayo baka kasi hindi niyo makuha yung ticket pass saakin pag nag start yung game." Sabi ni Brylle.
"Nasan na ba yung ticket." Tanong ni Zyril.
"Hawak ko" Sabi ni Tristan na nasa likod pala ni Brylle.
"Wow! manonood ka din pala Tatan." Sabi ni Zyril at parang hindi inaasahan na nandoon si Tristan sa gulat niya.
"Oo malamang si Kuya ata maglalaro. Always present. Btw first time niyong dalawa manood ng finals ah." Natawang sabi ni Tristan.
"Ay kasi may nag invite," Mahinang sabi ni Tristan na parang inaasar yung kapatid niya.
Hinayaan ko muna sila magusap-usap dahil mutik ko na makalimutan i-text yung secret admirer ko kung saan kami rito magkikita.
To: 09296868752
Nandito kana ba?
Saan tayo magkikita?
"Secret admirer mo ba yung ka chichat mo diyan?" Tanong ni Zyril at sinusubukan silipin yung phone ko.
"Saan daw kayo magkikita ng secret admirer mo?" Sunod na tanong ni Zyril sa akin.
09296868752
Nandito na rin ako.
Nakita na nga kita e
"Nandito na daw siya," Sagot ko sa tanong niya.
"Totoo nga talaga ang balita," Narinig kong sabi ni Tristan.
"Hindi siguro pupunta 'yon." Sabi ni Brylle.
"Kayong magkapatid ha, may side comment kayo!" Sabi ni Zyril habang isa isa silang tinuro.
"No! Wala kaming side comment Jhaneah!" Pagkakaila ni Tristan.
Maya maya lang ay pumasok na din kami sa loob dahil 10 mins nalang ay magsisimula na ang game 1 nila Brylle.
Halos buong game 1 hanggang 2 ay malaki ang lamang na puntos ng UST junior.Pero nung nag game 3 ay nagkapantay ang parehong team kaya nung last game ay naging intense kaya kailangan ng matinding cheer sa team namin.
"Go UST Juniors!" Sigaw namin ni Zyril habang winawagayway namin yung stick balloon na color yellow na may nakalagay na 'Go UST HS'.
Nagsuot rin kaming tatlo nila Tristan ng tiger headband na binili ni Tristan sa labas ng court bago kami pumasok.
"Go Kuya Brylle! Go UST Juniors!" Malakas na sigaw ni Tristan nang makitang bumebwelo ng shoot si Brylle habang mag dalawang taga Ateneo HS na humaharang sakanya.
Dahil magaling at seryoso ang team nila Brylle sa game ay napanalo nila ang finals lamang sila ng limang puntos.
"Nice game Kuya! Congrats!" Bati ni Tristan kay Brylle at niyakap ito kahit pawis na pawis si Brylle.
"Thank you ,TP!" Nakangiting sabi ni Brylle.
"Congrats ,Pres. Lakas talaga ng team natin ah" Sabi ni Zyril at nakipag apir sakanya.
"Oo naman siniguro ko na worth it yung mga practice namin." Sabi naman ni Brylle.
"Congrats, you did so good earlier." Bati ko kay Brylle.
"Uh-Thank you,Lara." Sabi naman sa akin ni Brylle at lalong napangiti na parang mapupunit na ang bibig niya.
"Dellara?" Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa akin.
"Ay-" Sabi ko at napatitig sa lalaking nasa likod ko.
Naka suot siya ng black printed t-shirt at naka pantalon at white shoes.
"Familliar ka!" Sabi ni Zyril sakanya.
"I'm 09296868752." Sabi nung lalaki bago ako ngitian.
Halos bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at sa gulat din.
Siya yung secret admirer ko? Totoo ba 'yan?
"Gagsti!" Narinig kong sabi ni Tristan na malapit lang sa akin.
Habang si Brylle ay tumingin sandali at maya maya lang ay nabuga niya yung iniinom niyang tubig.
"Matthew Guico?! Ikaw yung admirer ni Lara?!" Gulat na sabi ni Brylle.
"Galit ka ba Brylle?" Natawang tanong nung lalaki or should I call Matthew?
"Hindi mo naman sinabi na isang Matthew Guico pala ang secret admirer mo, girl" Bulong ni Zyril sa akin.
Sino ba'yan? Ni hindi ko nga yan kilala at ngayon ko lang siya nakita.
Artista ba siya or what?
"I'm Matthew Guico by the way. And ako yung secret admirer mo," Pagpapakilala niya sa akin at inalok ako ng kamay.
"Dellara Ortega," Sabi ko naman at inabot ang kamay niya.
"So It was nice meeting you,Dellara. I guess kita nalang tayo sa school." Sabi niya bago siya umalis mukhang nagmamadali pa ata siya.
"What the hell? Siya secret admirer mo." Sabi ni Brylle at parang nagrereklamo pa ata siya habang si Tristan ay parang sumasangayon din sa kuya niya.
Si Zyril naman gulat parin na nakatingin sa akin at hindi makapaniwala.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Zyril.
"Eh, Eh-kasi ngayon ko lang nakita sa personal si Matthew. Para kasing vampire 'yon di masyado nakikita sa school at alam mo ba kuya 'yan ni Shamel." Sabi ni Zyril sa akin.
"Vampire pala secret admirer mo Ate Lara,nako baka kagatin ka niyan delikado kana." Pagbibiro ni Tristan sa akin.
"Kalokohan 'toh" Sabi ni Brylle. " Tara Tristan samahan mo nalang ako magpalit ng damit." Dagdag niya agad naman sumunod si Tristan sakanya bibit yung water jug niya.
"Pero infairness bagay kayo ni Matthew!" Kilig na kilig na sabi ni Zyril sa akin.
"Hay nako!"
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Distant Memories Of Us (SLS#3)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #3 Dellara Ortega from UP Broadcast Communication, daughter of a politician, and Brylle Sanchez from UST Electronics Engineering, with a family known background because of their growing family business and professions. Are close...