"Tatalakayin natin ang tungkol sa pang ekonomiya-"
Napatigil sa pagle-lecture yung subject teacher namin dahil may kumatok.
"Coach." Narinig kong sabi ni Brylle at medyo gulat sa lalaking kumatok sa room namin.
"Ma'am, I will excuse my athlete for the urgent group meeting."
"Sure, Brylle Sanchez go ahead."
"Thank you po, Ma'am Padilla."
Agad inayos ni Brylle yung gamit niya bago tumayo at lumabas sa classroom namin.
"Ipagpatuloy na natin ang pagtatalakay class."Nakangiting sabi ni Ma'am Padilla nang makaalis si Brylle.
"Sandali lang, Lara. Hintayin mo ako, patapos na rin naman ako." Sabi ni Zyril sa akin habang nagsusulat siya.
Nauna kasi akong natapos sakanya sa pag kopya ng PowerPoint lesson na tinuro sa amin kanina.
"Sige," Sabi ko at umupo ulit sa tabi niya.
Habang inaatay ko siya ay dumating si Brylle sa loob ng classroom agad nagtama ang tingin namin kaya agad ko siyang binigyan ng ngiti.
"Pres, kamusta meeting?" Tanong ni Zyril bago ipagpatuloy yung ginagawa niya.
"Okay lang naman, may pinabago lang sa schedule ng practice." Sagot ni Brylle habang nilalapag yung gamit niya sa upuan niya.
"Bakit hindi pa kayo nag re-recess, Dellara?" Tanong ni Brylle sa akin
"Hinihintay ko pa si Zyril matapos." Sagot ko.
"Pres, mauna na kayo ni Lara sa canteen, sunod nalang ako medyo madami pa 'to." Sabi ni Zyril.
"Hindi hintayin na kita." Sabi ko kay Zyril.
Medyo nahihiya kasi ako kay Brylle, hindi naman kami ganon ka close.
"Sige na sumama kana kay Brylle,"
"Hindi naman kita kakainin." Pagbibiro ni Brylle sa akin dahilan para matawa si Zyril.
Sa huli pumayag na din ako na sumama kay Brylle mag recess, agad kong kinuha yung pinabaon ni Tita Ellen sa akin na sandwich.
"So bakit ka nga pala lumipat ng UST?" Tanong ni Brylle habang naglalakad kami papunta sa school canteen.
"Biglaan yung paglipat ko dito sa Manila, ang sabi lang ni Tita Ellen sa akin mas maganda kung maaga palang nakapag adjust nako sa Manila."
"Pero some of the students here, kasama na ako nagulat na may anak pala si Senetor Ortega."
"Nagiisa lang naman akong anak." Sabi ko.
"Mukha nga, nakita ko din sa Internet yung mga rumor about sa family niyo."
"Ah naglabas kasi ng statement si Mommy tungkol sa akin."
"Kuya Brylle!"
Narinig naming pag tawag kay Brylle pagkapasok namin sa canteen.
Dali daling naglakad palapit sa amin yung lalaking tumawag kay Brylle.
"Hello?" Bati niya sa akin at kinawayan ako sandali.
"Kuya, sino siya?" Tanong nung lalaki kay Brylle.
"Si Lara transferee, Lara si Tristan kapatid ko." Sabi ni Brylle.
"Tristan Paulo Ruiz Sanchez, grade 9" Pagpspakilala ng kapatid ni Brylle sa akin.
"Nice meeting you Tristan." Nakangiting sabi ko.
YOU ARE READING
Distant Memories Of Us (SLS#3)
Roman pour AdolescentsSOLASTA LEAL SERIES #3 Dellara Ortega from UP Broadcast Communication, daughter of a politician, and Brylle Sanchez from UST Electronics Engineering, with a family known background because of their growing family business and professions. Are close...