"Hello everyone.." Kinakabahan kong sabi habang nakatingin sa salamin.
Pinapractice ko kasi yung speech ko mamaya para sa Graduation habang hindi pa kami umaalis.
Sa totoo lang ay hindi na ata ako nakatulog sa kaba o sa excitement.
"Mali mali!" Sabi ko at kinuha sa bulsa ko yung papel kung saan nakasulat yung sasabihin ko mamaya.
"Kuya Brylle, aalis na daw."
"Kuya I have something for you!" Bungad ni Ally pagkalabas ko sa kwarto ko.
She was sitting on the side of my door at biglang napatayo.
She was wearing a white dress and floral headband, may hawak din siyang paperbag na foil blue bukod sa cute disney hand bag niya na pink.
"What is that?" I asked bago pa niya i-abot yung hawak niya.
Tumawa lang siya sa tanong ko at ako naman binuksan nalang 'yon. I saw a rectangular shape na nakabalot pa sa colored paper, hindi ko alam kung ilang beses binalot ng kapatid ko yung laman nito pero ang kapal ng itsura.
Nang mabuksan ko It was a small plastic envelope na maraming polaroid picture kasama si Ally, Tristan at ng iba pa. And may nakasulat na from: Ally and TP❤️ na naka stapler sa envelope.
"Do you like the gift kuya?" Nagaabang na sabi ni Ally, hinihintay din ang reaksyon ko.
"Thank you,Ally! I love you." Sabi ko sa kapatid ko at niyakap siya.
"Ready kana ba Kuya?"Tanong ni Tristan sa akin habang naghihintay kami sa labas ng graduation venue dahil hindi pa nagpapapasok sa loob.
"Oo naman, pinaghandaan ko kaya 'to." I said
"Hays,last day as a High school boy." Sabi ni Tristan habang nakaakbay sa akin.
"Ikaw susunod kana 'no." Sabi ko.
"Oo nga eh, tapos new school na."
Nang papasukin na kami agad ako umupo sa pinakaharap kasama ng ibang student achiever sa buong batch namin.
Habang nakaupo ako napansin ko si Lara na kakaupo lang sa likod at halos tanaw na tanaw ko siya dahil naka window ang pwesto namin.
Para siyang malungkot at malalim ang iniisip niya hanggang sa magsimula yung program.
"Naiinip na ako." Bulong na pagrerelamo ni Zyril sa akin habang nakaupo siya sa likod ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at tinawanan ko nalang at pinagpatuloy ang pakikinig sa mga speech ng mga members ng UST Junior High School.
Pagkatapos ng mga speech nila ay isa- isa na namin kinuha ang mga diploma namin katibayan na tapos na kami sa high school life.
"From 10-St. Agnes...Ortega,Dellara Ellery Lopez. With honors."
Pumalakpak ako ng malakas ng umakyat si Lara at Tita Ellen sa stage para I-claim ang medal at certificate niya. Masayang kinuha ni Tita Ellen yung medal sa principal namin at sinabit kay Lara na halos maiiyak na sa saya pero si Lara parang hindi ata siya masaya, ngumiti lang siya ng tipid nung kinuhaan sila ng litrato.
Nagaalala ako para sa kaniya. This is a big day for all of us but she look unhappy and unmotivated.
"And lastly from 10-St. Agnes..Sanchez, Brylle Andrille Ruiz Esguarra. The class valedictorian."
Nang tawagin ang pangalan ko aya agad akong tumayo at inabangan ko si Mommy at Daddy makalapit sa akin at sabay kaming umakyat sa stage.
Malakas na palakpakan ang narinig ko habang kinakamayan namin ang mga council na part ng graduation namin.Halos lahat ng mga council ay kilala ni Daddy dahil sa bussiness.
"Congrats to your son." Sabi nung isang councilor sa magulang ko.
Si Mommy ang tumanggap ng medal ko dahil siya ang magsasabit sa akin this time dahil kanina si Daddy ang nagsabit ng medal ko, bukod kasi sa pagiging valedictorian ko may award pa ako sa ibang category isa na don ang sports ko at leadership awardee, kaya naman naghakot ako ng award.
"Nakaka proud naman." Naiiyak na sabi ni Mommy habang inaayos niya yung pagkakalagay ng medal ko sa akin.
Sabihin man nila o hindi I should do my best kaya ang ang bunga my parents are now claiming the victory and the congratulations from everyone for my hardworks.
"Brylle the closing remark is yours now." Nakangiting sabi nung speaker na isa sa mga subject teacher namin.
Bumaba na agad sila Mommy sa stage at ako naman lumapit na do'n sa pwesto kung saan naroon yung microphone.
"Hello, First of all I wanted to congratulate all my batchmates and to our dear parents and guardian. We wouldn't be here today if wala kayo, kaya Mommy and Daddy this is for you. To our teachers since 1st year till our last level thank you a lot for shaping us to be better academically or not, to my coach who never stop believing in me and to my team keep on bringing home the crown of España even if I'm not part of the basketball team anymore." Panimula ko sa speech ko.
"Highschool life, before I entered this stage I always think that highschool is so hard and stressful to the point I can't do the things I love to do when I was in my elemntary days but I was 1/2 wrong about highschool. It will be hard if you think it's hard and stressful, I learned that we must just enjoy everything and take it easy step by step and be responsible on holding your time.I also remembered nung first day ko as a high school student naisip ko na puro american students ang datingan nila like side by side may romatic scene yung ibang students and mahilig mag hangout like going to the house of someone's but I was wrong."
"But the most important part of this speech is that I wanted to tell each everyone here that always believe in my words that we must turn our 'I would haves' Into 'I dids', even after you finished studying. Once again I am Brylle Andrylle Ruiz Sanchez your class valedictorian and now signing of as the team captain of USTJHS basketball team and president of the student council." Huli kong sinabi bago ako mag bow sa harap nilang lahat.
"Congrats!" Sabi nung mga nakakasalubong kong students after ng graduation. Halos lahat nagkakagulo na dahil yung iba nag group picture pa at kung ano-ano pa.
"Congrats Kuya, ka proud naman 'yang mga medal mo. Promise ko ako naman magbibigay ng ganyan kila Mommy." Nakangiting sabi ni Tristan sa akin habang nilalaro nila ni Ally yung medal ko.
"Eh? sure ako masasakal ka sa medal mas matalino ka sa akin eh." Natawa kong sabi.
Maya maya din ay nilapitan namin nila Tristan si Zyril.
"Brylle!" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Lara na nakatayo doon at kumakaway sa akin.
Agad din siyang naglakad palapit sa akin.
"Congrats." Nakangiting sabi niya.
"Kanina pa kita hinahanap, nawala kayo ng Tita mo." Sabi ni Zyril.
"Nag CR lang ako." Natawa niyang sabi.
"Congrats sayo, honor student."Naka ngiti kong sabi.
"Hoy bago naman tayo maghiwalay mamaya mag group picture muna tayo." Sabi ni Zyril at nilabas agad yung phone niya.
But while all of us was happy I felt that Lara was not that really happy. Mukhang kakagaling lang niya sa pag-iyak.
I didn't even try to asked her baka it's too personal for her.
YOU ARE READING
Distant Memories Of Us (SLS#3)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #3 Dellara Ortega from UP Broadcast Communication, daughter of a politician, and Brylle Sanchez from UST Electronics Engineering, with a family known background because of their growing family business and professions. Are close...