"Tristan!" Malakas na sabi ko kay Tristan dahil para magising siya.
"Bro, aga mo manggising alam mo naman ang hirap mag adjust ng time dito sa states!" Reklamo niya at hirap pa imulat ang mata niya.
"Di'ba hindi na nakakapag unsent ng email?" Tanong ko.
Bigla ko kasing na send sa email ni Lara yung confession ko sakanya accidentally. Wala pa naman akong lakas ng loob sa ngayon.
"Hindi na ata." Sagot ng kapatid ko bago magtakip ng unan sa mukha.
"Eh?! Seryoso ka? na send ko kasi yung draft ko kay Lara." Sabi ko at nagpapanic na ulit ako.
"Draft?" Sabi ni Tristan.
"Confession ko."
Napaalis bigla ng takip sa unan si Tristan "Hala lagot ka Kuya!" Pangaasar niya.
"Hoy sabihin ko late april fools?"
"Tanga! napaka late naman." Hindi pag sangayon niyang sabi.
May na nga pala ngayon. Lutang ako sa part na'yon.
"Ano gagawin ko?suggest ka TP."
"Best option? Go with the flow bro! Tulog nako." Sabi ni Tristan bago niya ako tuluyan tulugan ulit.
Buong remaining days namin sa States hanggang sa umuwi kami sa pinas ay lagi ko naiisip yung kahihiyan na ginawa ko. Bakit ko ba kasi napindot yung send.
"Ganda ng interior ng car taray!" Sabi ni Zyril sa akin nang sunduin ko siya sa bahay nila.
Pupunta kasi kami ngayon sa bahay ni Lara dahil gusto namin sabay namin makita yung result ng admission test kahit hindi ako nag try sa mga school.
"Awkward ba yung may nagco-confess sa mga email?" Bigla kong naitanong kay Zyril habang nasa byahe.
"Medyo?Pero hindi ko alam never ko pa naranasan yung mga ganong pakulo."
"Bakit?" Dagdag na tanong ni Zyril habang nagsisilip siya sa loob ng sasakyan ko.
"Wala." Simple kong sagot.
"Balak mo magsend kay Lara? Goodluck nalang."
Grabe. Goodluck? Pano 'yon nasabi ko na.
Habang nagmamaneho tuloy ako ay nakaramdam ako ng hiya na pumunta sa bahay ni Lara.
"Tita Ellen tulungan ko na po kayo."Sabi ko kay Tita Ellen habang pabalik kasi ako galing sa CR ay naabutan ko si Tita Ellen na nagaayos ng mga pinagkainan namin kasama yung mga katulong nila sa bahay.
"No, It's okay Brylle may mga kasambahay naman." Natawang sabi ni Tita Ellen.
"Thank you po pala sa food." Sabi ko.
Naghanda kasi bigla si Tita Ellen dahil pumasa sila Lara for college.
"Your Welcome."
Babalik na sana ako kila Lara pero bigla akong tinawag ni Tita Ellen.
"Brylle?"
"Yes po?" I asked.
"Can I have a word with you for a minute?"
Bigla ako nakaramdam ng kaba habang naglalakad kami ni Tita Ellen sa may garden area nila.
"Mag hahardin po ba tayo?" Tanong ko.
"Hindi." Tawang tawa na sabi ni Tita Ellen.
"Mabait na bata si Lara, she was like my own child." Sabi ni Tita Ellen habang nakatingin sa mabulaklak nilang halaman.
YOU ARE READING
Distant Memories Of Us (SLS#3)
Teen FictionSOLASTA LEAL SERIES #3 Dellara Ortega from UP Broadcast Communication, daughter of a politician, and Brylle Sanchez from UST Electronics Engineering, with a family known background because of their growing family business and professions. Are close...