"Ano nangyari?" Tanong ko sa sarili ko pagbangon ko sa kama ko
Laking gulat ko pano ako nakauwi sa bahay? And I am still wearing my floral dress na suot ko kagabi sa party ni Brylle.Napahawak tuloy ako sa ulo ko dahil sa kakaisip.
Buti nalang sunday ngayon at wala akong workloads. Agad na ako tumayo sa kama ko at nag palit na ng damit bago bumaba para kumain ng breakfast, natakam kasi ako nang maayos ko yung amoy ng ginigisa.
"Mukhang masarap 'to, Tita E!" Tuwang tuwa na sabi ni Brylle habang inaamoy yung mga pagkain na nilalapag niya sa mesa.
Napakurap ako ng mata nang makita ko si Brylle na nag-hahaing ng mga pagkain sa hapag kainan namin. He looks so happy habang tumutulong kay Tita Ellen at sa mga maid na mag ayos and wait, he even change his outfit last night, sa pagkakaalala ko yung plain maroon sweater niya at black pants ang suot niya but now he is wearing a kitchen apron with a colorful fruity design on it, while plain white t-shirt on the inside and a board shorts na color blue.
"Pinalaki ka ba ng Mommy mo na maging bolero?" Natawang sabi ni Tita Ellen kay Brylle.
Umagang umaga bakit andito siya sa bahay?
"Lara? Gising ka na pala." Sabi ni Brylle at medyo nagulat pa nang makita ako.
"Goodmorning." Nakangiti kong sabi bago ako lumapit sa hapag kainan at umupo.
"Goodmorning, kamusta tulog mo?" Tanong ni Brylle sa akin habang inaayos yung mga plato.
"Okay naman,"
"Lara mabuti nagising kana, balak pa naman kita ipagising kay Brylle." Sabi ni Tita habang naglalakad galing sa kusina.
"Kain kana." Sabi ni Brylle sa akin pagkaupo niya sa tapat ko.
"Dito ka natulog?" Nagaalangan kong tanong kay Brylle habang sumasandot ng kanin.
"Ay oo dito nga pala nakitulog si Brylle kagabi," Paunang sagot ni Tita Ellen kaya napatingin ako sakanya.
"Nanghiram nga ako kay Kuya Jeffrey ng damit pansamantala," Natawang kwento ni Brylle sa akin.
"Balita ko marami ka nainom, naalala mo pa ba ano lagay mo pagkauwi mo sa bahay?" Pag open up ni Tita Ellen habang kumakain kami at si Brylle naman natatawa pa.
"Hindi na po," Sagot ko.
Ang naalala ko lang ay marami ako nainom dahil akala ko hindi e-epekto yung mga ininom ko sa akin.
"Next time be responsible on drinking ha? Buti nalang at party ni Brylle 'yon." Sabi ni Tita Ellen sa akin.
"Parehas kayo ni Zyril ng situation last night." Dagdag ni Brylle.
Pagkatapos namin kumain ay agad nakipag unahan si Brylle sa mga katulong sa paghuhugas ng pinagkainan kahit anong pigil nila ay hindi nila na awat si Brylle maghugas, kaya kami nalang ang naglinis ng hapag.
Makikita talaga kay Brylle na sanay siya sa gawaing bahay. Siguro ganyan din siya sakanila active sa mga ganitong bagay hindi lang sa sports at academic.
"Look at him, I can see he is a responsible man. He impressed me well today." Nakangiting sabi ni Tita Ellen sa akin habang nakaupo.
"So you liked him even more for me?" Natawa kong tanong.
Alam ko naman na bias na ni Tita Ellen si Brylle para sa akin kahit noong hindi pa siya umaamin sa akin.
"I don't direct, It's your choice if you want what we want." Sabi ni Tita Ellen at napahigop sa iniinom niyang tea.
"A cup of tea makes someone thinks deeper." Dagdag na sabi ni Tita Ellen habang nakangiti.
"Tapos na po ako, Tita Ellen. Pwede na po ba ako matulog ulit and makiligo mamaya?" Tanong ni Brylle.
YOU ARE READING
Distant Memories Of Us (SLS#3)
Novela JuvenilSOLASTA LEAL SERIES #3 Dellara Ortega from UP Broadcast Communication, daughter of a politician, and Brylle Sanchez from UST Electronics Engineering, with a family known background because of their growing family business and professions. Are close...