041

73 4 0
                                    


Maaga akong pumasok ngayon sa trabaho, after that long vacation bumalik ako sa manila na motivated at gumaan rin ang stress level ko sa trabaho.

Nakasuot ako ng plain green dress, emerald blazer at skin toned stillettos at black Hermes birkin bag. At kinulot ko nalang ng konti ang short hair ko na kulay chocolate brown.

"Your back!" Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang sumulpot sa likod ko si William.

Nakaabang kasi ako sa harap ng elevator.

"Yes, nung saturday lang ako nakabalik."

"Akala ko yung vacation mo until christmas, so how's the trip to Cebu?" Tanong ni William habang nakapamulsa ang isa niyang kamay.

Biglang nag play sa utak ko ang mga nangyari sa Cebu kasama si Brylle. "It was fun and relaxing.." Nakangiti kong sagot.

Dahil kakabalik ko lang sa office ay expected ko na marami akong tambak na gagawin. At totoo nga dahil ang unang bungad sa desk ko ay puro papel at mga porfolio na magkaka patong.

Back to reality na tayo Lara.

Inabot na ako ng ilang oras sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko, inaayos ko kasi ang mga headline report na ipapasa ko sa team namin para i-upload sa social media platforms. Kailangan kasi ay right after matanggap ng station ay dapat asikasuhin agad since trabaho namin ang pagbabalita.

Nagpaunat muna ako ng likod ko nang matapos ko lahat ng iyon bago ako tumayo sa upuan ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil simula kaninang pagpasok ko ay kape lang ang tanging laman ng sikmura ko.

Tumayo na ako sa upuan ko at inipon lahat ng mga paperworks na ipapasa ko sa team.

"Sorry natagalan, pero natapos ko na lahat ng news report for today." Sabi ko sa isang member ng team na abala rin sa pagtatype sa computer.

"Okay lang po Ma'am, isasalang ko na rin po 'yan after nang ginagawa ko." Sagot naman niya bago tanggapin yung mga papel na hawak ko.

Pagkatapos ko makipagusap pa sa ibang team ay naisipan ko na bumalik muna sa office ko para kunin ang mga gamit ko, I am planning to eat my late lunch and dinner sa malapit na mall kainan sa labas ng building namin.

Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa bag ko ay biglang tumunog ang phone ko dahil sa notification. Kinuha ko agad ang phone ko na nakapatong sa table ko at naka charge pa.

Notification🔔

Brylle_drei started following you.

Nang buksan ko ang instagram account ko agad bumungad sa newsfeed ko ang post ni Brylle, dalawang magkasunod na post 'yon. It was all our picture from Cebu, ang unang selection ay mga solo pictures niya at ang sumunod ay picture naman naming dalawa at ang caption pa niya ay

Brylle_drei sent you a message.

@Brylle_dre: Office ka?

@DellaraOrtegaOfficial: Yes, bakit?

Naupo muna ako sandali para kausapin si Brylle sa chat.

@Brylle_dre: Nandito ako sa lobby ng building niyo.

@DellaraOrtegaOfficial: Hintayin mo ako

"Anong ginagawa niya dito?" Nagtataka kong tanong.

Bigla tuloy ako napatayo sa upuan ko at kinuha ang bag ko at nagsimula na maglakad palabas. Habang inaantay ko ang elevator na makaakyat sa floor namin ay naisipan ko muna mag re-touch ng mukha ko ng mabilisan baka kasi mukha akong haggard sa trabaho ko, haharap pa naman ako kay Brylle.

Distant Memories Of Us (SLS#3)Where stories live. Discover now