MYSTIQUE'S POV
I don't know how to face Drachen after what happened between us.
Shit, nakakahiya!
Tinampal ko ang sariling noo. "Bakit ba naman kasi hindi ka nag-iisip, Mystique! He just came back, you didn't even have a proper conversation pero bumigay ka agad? Shit ka, Mystique!" Animo'y parang tanga habang kinakausap mag-isa ang sarili.
Instead of thinking about what happened between the two of us ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa kinakain.
I'm here now at the school canteen, mag isa lamang ako.
Natanawan ko sa may hindi kalayuan si Kaired sa labas ng school canteen. Pasuray suray siya sa daan.
What's happening to him? Nahihilo ba siya?
At walang ano ano'y bigla na lamang siyang natumba. Awtomatikong napatayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na tinakbo ang pagitan naming dalawa.
"Kaired! Kaired, hey..." Hindi siya sumasagot.
He had a wound on his elbow dahil siguro sa pagkakabagsak niya.
Shit!
At sa buong lakas at pwersa ko'y sinubukan ko siyang itayo pero dahil sa bigat niya ay na-out of balance kaming dalawa!
"A-aray!" Daing ko.
Ang sakit sa pwet!
"Maffey, help Mystique. Ako na ang bahala kay Kaired, sumunod nalang kayo." It was Drach's voice.
At nang mag-angat ako ng paningin, there I saw Drach habang inaalalayan si Kaired. Nagawi ang paningin ko sa siko nitong may sugat na ngayon ay wala na?
Ni kahit scratch ay walang makikita sa balat niya.
Paanong...
At gaya nga ng iniutos ni Drach, ay sinunod ni Maffey iyon. Tinulungan ako nitong makatayo. Pinagpagan ko ang likuran ng palda ko.
"M-mabuti dumating kayo, bigla na lamang kasi siyang natumba, hindi ko siya kayang buhatin mag-isa." Putol putol kong saad paano kasi'y napaka lalim ng paraan ng pagtitig sa akin ni Drach.
"Leave it to me, I'll take care of him."
I heard a woman suddenly speak from behind.
At nang lingunin ko siya ay walang iba kundi ang principal. I immediately bowed as a sign of respect but I wondered why I was the only one who did that. Drach and Maffey remained standing, not even bothering to pay attention to the principal.
Bahagya ko silang tinabig sa braso pero hindi pa rin sila gumalaw.
"Kaya na namin ito," si Drach at inalalayang tumayo si Kaired. Nilingon niya kami ni Maffey. "Let's go."
"So, I really have no choice but to do this." The principal said. "Spencer and Flavio, both of you already know what to do. 'Yung lalaking walang malay lamang ang kukuhanin ninyo."
Bakit ganito kung umasta ang principal? At bakit kung makipa-usap si Drach ay para lamang isang estranghera sa kaniyang paningin?
Tinanguan lamang siya ng dalawang matitikas na gwardya. Lumapit ang mga ito sa amin. Kaagad naman akong hinawakan ni Drach sa pulsuhan at ipinuwesto sa bandang likuran niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/254077842-288-k652043.jpg)
BINABASA MO ANG
His Fangs | COMPLETED
Science FictionIsang eskwelahan kung saan may madugong nangyayari sa tuwing sasapit ang dilim. Lugar kung saan araw araw may pumapatay at araw araw ring may natatagpuang malamig na bangkay. Creatures that only active and attacking at night. Thirsts of blood and l...