MYTICA'S POV
"Apo ko, hindi mo ba dadalawin ang mommy mo ngayon? Kanina ka pa siguro no'n hinihintay." Wika ni Lola.
We just finished having breakfast. Natigilan tuloy ako sa paghuhugas ng plato.
"Ano po bang araw ngayon 'La?" Tanong ko at nagpunas ng kamay sa ibabang bahagi ng damit ko.
"Biyernes ngayon, hindi mo siya dinalaw nung lunes. Siguradong miss na miss kana ng mommy mo."
"Sige po, 'La. Magbibihis lang po ako."
Tinanguan lamang ako ni Lola. After washing the dishes, I immediately went to my room to take a shower and clean myself up.
Mabilis akong natapos maligo. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ganito. Kay bilis kong kumilos at malakas ang pakiramdam ko. Mabilis ko ring nalalaman ang maaaring mangyari, maging ang pagkilos ng isang tao. Pati ang pandinig ko ay gano'n din. I can't understand myself. Is this just normal?
Kinuha ko ang aking cellphone at chineck kung anong oras na.
It's 10:00 in the morning. Siguro kailangan ko nang umalis dahil mamaya mas titingkad na ang init. Mabilis mamula ang balat ko, kaya tuwing lumalabas ako ay naglalagay muna ako ng sun blocked para hindi mahapdi sa balat.
"'La, alis na po ako." Pamamaalam ko.
"Ingat apo, ikamusta mo na lamang ako sa mommy mo. Ipagpasensya na mo na at hindi kita pwedeng samahan dahil sa kondisyon ko." Malungkot na saad nito. Niyakap ko muna si Lola bago umalis.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong tinungo ang sakayan. Akmang tatawid na ako nang biglang mayroong mabilis na sasakyang dumaan.
Naging mabagal ang lahat sa paningin ko, maging ang pag takbo ng kotse ay naging mabagal rin. Ni hindi alintana ng lalaking nagmamaneho na baka sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ay may mabangga siyang tao.
Muntikan na akong mabangga! Aba ang gago at ni hindi manlang tumigil.
"Iha, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang inalalayan ako ng isang tricycle driver na nakakita sa pangyayari.
"Ayos lamang po ako, salamat." Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang nangyari. "Bumabyahe ho ba kayo? Pwede n'yo po ba akong ihatid hanggang sa sementeryo? Magbabayad po ako kahit magkano."
"Oo naman iha, sumakay kana." Iginiya niya ako patungo sa tricycle niya.
Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang isipin 'yung aksidente kanina.
"Manong, nakita n'yo po 'yung nangyari kanina 'di ba?" I started.
"Oo iha, sa susunod ay mag-ingat ka." Payo nito. Tumango naman ako.
"Nakita n'yo rin po ba 'yung mukha ng lalaking nagmamaneho?" I asked with curiousity.
"Ah siya ba? Oo ija, kilala ang binatang iyon dito sa lugar natin. Palagi siyang nagagawi rito. Hindi naman namin mawari kung bakit. Ni wala nga siyang kamag-anak o kakilala rito." Paliwanag ni Manong.
Nangunot tuloy ang noo ko.
Kung gano'n bakit siya napadpad dito sa lugar namin?
BINABASA MO ANG
His Fangs | COMPLETED
Fiksi IlmiahIsang eskwelahan kung saan may madugong nangyayari sa tuwing sasapit ang dilim. Lugar kung saan araw araw may pumapatay at araw araw ring may natatagpuang malamig na bangkay. Creatures that only active and attacking at night. Thirsts of blood and l...