Kanina pa akong tumatakbo sa masukal na parte ng eskwelahang ito. Wala akong makita ni isang bagay o ni anino manlang.
Naririnig ko ngayon ang iba’t ibang huni ng mababangis na hayop at tila mayroong mga mata na nakatingin sa akin at kanina pa akong pinagmamasdan.
Paanong nagkaroon ng hayop sa loob ng eskwelahang ito?
Tumunog na ang kampana, ipinahihiwatig na alas dose na ng hating gabi.
Wtf?! It’s already 12:00 in the midnight?! Bakit parang ang bilis ng oras?!
Bilog na bilog na rin ang buwan na unti unting natatakluban ng ulap sanhi kung bakit mas lalong dumidilim ang kapaligiran.
“Anong klaseng eskwelahan itong pinasukan ko?” Nangingilabot kong saad.
Nakarinig ako ng mga kaluskos, kaagad naalarma ang aking buong sistema.
Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko pero hindi kalaunan ay nawalan iyon bigla ng baterya.
Holy shit! Bakit ngayon pa nawalan?! Ang malas!
Kinakabahan man ay pinilit ko pa ring maglakad, pilit hinahanap ang tamang daan papunta sa dorm ko pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay narito na naman akong muli kung saan ako nanggaling kanina.
Imposible! Kagagaling ko lamang dito.
At sa may hindi kalayuan ay may natanaw akong anino. Isa iyong malaking anino.
Sa wari ko’y anino iyon ng isang lalaki. Akmang ibubuka ko na ang aking bibig para tawagin ang kung sinumang lalaking iyon para hingian ng tulong nang biglang may nagtakip sa bibig ko, pinipigilan akong gumawa ng kahit na anong ingay.
Hinigit niya ako patungo sa likod ng malaking puno sapat lamang para makapagtago kami.
“Don’t make any noise, they might hear you.” The baritone voice said.
Who is he?
Nagpumiglas ako, nagpupumilit na makawala sa kaniya. Mabuti na lamang at tinanggal na niya ang pagkakatakip sa bibig ko, masama ko siyang pinagmasdan.
“Why the fuck did you stop me?! And care to tell me who the hell are you?” I asked him rudely.
“Lower down your voice miss, I’m WARNING you.” May diin sa kaniyang boses. Malagom iyon. Hindi ko matukoy at mahulaan kung sino siya. “For sure you won’t like whatever happens to you when they see you, so better to shut up your mouth.”
“Why? I don’t understand, what the hell are you talking about?”
“Can you stop cursing, pwede? Ke babae mong tao.” He sarcastically said.
“Okay, fine.” Napipilitan kong saad. “Answer my question then,” namaywang ako.
“Hindi mo sila kauri,” he shortly answered.
“Huh? What do you mean?” I’m still confused.
Muli kong sinilip ang kinaroroonan ng anino pero wala na ito ngayon.
“Let’s just say that... they are not humans,”
BINABASA MO ANG
His Fangs | COMPLETED
Ciencia FicciónIsang eskwelahan kung saan may madugong nangyayari sa tuwing sasapit ang dilim. Lugar kung saan araw araw may pumapatay at araw araw ring may natatagpuang malamig na bangkay. Creatures that only active and attacking at night. Thirsts of blood and l...