The Possessive Man
Copyright © 2015 Ann_Sweet
All rights reserved, This is a work of fiction names, characters, business places and events are product of author's imagination any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental
[Plagiarism is a crime]
PROLOGUE
"Alexis" pinaka ayaw na boses na maririnig ko sa lahat ang lalaking walang ginawa kung hindi gawing nigthmare ang childhood days ko. "Bakit nanaman ka Mahalan Anong Ginagawa mo dito isusumbong kita kay Tita Stella kapag pagtritripan mo nanaman ako" reklamo ko dito at tinarayan pero ngumiti lang ito na para bang nang aasar
"Nasa bahay kita kaya lahat ng mga gamit dito at diyan mismo sa kinatatayuan mo ay pagmamayari ko pumunta ka sa kwarto ko at may iuutos ako sayo" ma-awtoridad na sabi niya ang bata niya pa pero kung makapag utos dinaig pa si Don Deogracia. Naiinis ako sakanya nakakainis ang pagmumukha niya gusto ko siyang balian ng buto.
Pupunta na ako sa kwarto niya pero kapag ako talaga pinagtripan nanaman ng lalaking ito ay isusumbong ko talaga siya kay tita stella "Labhan mo yung brief ko dalian mo" pag uutos sa akin nito naka tuwalya lang ito na galing lang sa bathroom at katatapos lang maligo agad naman umakyat ang dugo ko sa mukha ko.
"Ang kapal mo bakit ko naman gagawin yun may personal maid ka para mag laba nun sinabi ko na nga ba't pagtritripan mo nanaman ako eh" pagtataray ko dito kahit kaylan talaga ang lalaking ito walang ginawa kung hindi inisin ako pero namula ako sa sinabi niya sino ba namang matinong babae ang gagawa nun lalo pa't ang bata ko pa.
"Bakit katulong ka rin naman dito ah? at tsaka gusto ko ikaw ang mag laba nun" sabi sa akin nito habang sinusuklay niya pa ang buhok niyang basang basa gamit ang mga daliri niya dahil kaliligo niya nga lang. "Ang kapal mo talaga Hayme alam kong may obligasyon din ako dito sa mansyon pero hindi ko gawain ang maglaba ng brief mo bwiset ka" reklamo ko sakanya nakaka asar ngumingiti pa ito na para bang nang aasar talaga
"Dont call me that name pang poor lang iyon eh at isa pa kaylangan habang bata ka pa eh naglalaba kana nun para naman kapag naging Asawa kita eh ikaw na ang maglalaba ng brief ko understood" nako nako ang lalaking ito napaka bata pa mas matanda siya sa akin ng isang taon lang 10 years old palang ako habang siya ay 11 years old na sa Mansyon kami ng Deogracia naninirahan , nagtratrabaho ang nanay ko dito bilang katulong pero hindi katulong ang trato sakanya ng mga Deogracia malapit kasi ito sa mga kasambahay at natural na mabait talaga hindi ko nga alam kung bakit yung anak nilang ito ay masama simula ng tumira kami dito, feeling ko pamilya na talaga ang turing ng mga Deogracia sa amin.
BINABASA MO ANG
The Possessive Man
Romance"I will never get tired to say how much I love you, Alexis" - Rafael James Deogracia Deogracia Series Present: The Possessive Man ©2015