3

7.3K 111 28
                                    

Team Bulalo
4:39 PM

Stella:
Nakatulog ako sa lab bakit hindi niyo ako ginising?

Hindi tuloy ako nakapagpasa sa Biochem inc na naman marka ko neto

Bakit kasi di ko pa naging kablock si Kai wala akong makopyahan😭

5:01 PM

Chantelle:
How was that our fault?

At natutulog ka sa lab tanga wala ka ba talagang kinatatakutan?

Stella:
#immune HAHAHAHA

Btw, magkasama si Cali at Temple?

Road to bff na?


Chantelle:
Hindi ko nga alam, di na nagchat yung lola mong Temple

9:39 PM

Kai:
What happened to Cali and Temple? Nakauwi na ba?

Lois:
Siguro nakauwi na yon at napagod kaya tulog na

Sabi ko naman call lang ako pag kailangan

Di ko yata kakayanin pumasok ng first subject bukas ang sakit ng katawan ko, tol paalam mo nga ko kay sir Gil kung papasok ka

Anong klaseng training naman kasi ang aabot ng 9 ng gabi

Stella:
Sus sabihin mo ayaw mo lang talaga pumasok dami pang dahilan, bat si Kai naman makakapasok?

Lois:
Bato-bato yang katawan ni Kai ako eto pogi lang

Chantelle:
Joke time uli Lois? HAHAHA naenjoy mo pagiging comedian

Lois:
Mga bashers, wag kayong papapicture sakin sa season ha hindi ko kayo kilala

Stella:
Okay lang sino ba nagsabi papapicture kami?

Kay Kai kami papapicture

9:42 PM

Lois:
Ako nanlilibre sa inyo palagi bakit kay Kai pa rin kayo kampi?

Inaapi na lang ako palagi sa grupong to

Sige haha ayaw niyo talaga sa'kin hahahha sorry ganito lang ako. sorry sa istorbo haha. sana gumamit na lang ng condom si papa haha. ayaw talaga sa'kin ng mundo. life is so unfair. sana hindi na lang ako nagchat haha. sensya na ha eto lang kasi ako. walang kuwenta sana di na lang ako pinanganak haha, im just simple person kasi, lowkey. i am just nobody walang sasalo sa walang kwentang tao katulad ko haha sana hindi na lang ako nabuhay

Stella:
Lois tangina naman

Chantelle:
Alam ba ng pamilya mo na ganito ka?

9:47 PM

Stella:
Ano wala na ba talagang paramdam yung dalawa?

Kai:
Aldrin anong oras huli niyong chat ni Temple?

Lois:
Kanina pa yon bago mag-alas 4 papasok daw silang cafe, baka nakauwi na yon

Kai:
Tawagan mo nga

Lois:
I did try kanina pa di sumasagot

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon