94|Dec 19|

3.8K 70 3
                                    

|DEC 19|

Team Bulalo
1:15 PM

Stella:
Hoy nakausap niyo na si Temple?

Clara:
Ha bakit?

Stella:
Tumawag sakin paiyak na hindi ko naman maintindihan yung kinukwento

Kai:
I'll call her

Chantelle:
Ah di ko nasagot yung tawag niya kanina nasa biyahe ako

Uuwi ako kila Mama

Clara:
Sumagot ba Kai?

Lois:
Biyernes ngayon malamang nandon sa ano yon

Chantelle:
Right it's friday

Kai:
Ayan sumagot na

Mag-oonline na lang daw

1:21 PM

Temple:
May problema ako

Clara:
Ano yon?

Stella:
Nandiyan ka sa elderly care?

Temple:
Oo

Hindi ako nakabisita last week tapos pagdating ko dito yung sinasabi kong negosyante  na nagtatayo ng poultry natapos na pala nila ipatayo

Tapos mabaho ngayon dito, nahihirapan sila Nanay.

Nagreklamo naman mga volunteer saka mga bantay sa municipal kaso yung solusyon nila ililipat na lang daw tong elderly sa kabilang branch sila Nanay Miding, hindi ko sila madadalaw don

Anong gagawin ko?

Chantelle:
Humihinga ka pa ba diyan mamaya puro iyak ka diyan

Clara:
Nakausap niyo na ba yung may ari ng poultry?

Temple:
Oo pero wala namang nangyari

Malakas yung kapit ni Mr. Lee sa mga officials dito e

Kapag hindi nagawan ng paraan kawawa sila Nanay malilipat sa malayo hindi sila maalagaan ng maayos don kasi sobra na yung mga nandoon

Stella:
Kung mayaman lang ako pol matutulungan sana kita

Kai:
Saan ba yang lugar?

Temple:
Block 48

Kai:
Aldrin si Gov Guevarra taga diyan diba?

Lois:
Oo yata

Chantelle:
Kilala niyo?

Hingi kaya tayong tulong

Lois:
Ako hindi pero may kilala akong kaclose non

Sandali pol try ko gawan ng paraan hintay ka diyan

Temple:
Sino?

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon