"Hi, you didn't tell me you're a pro."
Lumapit sa akin si Rion, pinagmasdan ko lang siyang umupo sa tabi ko.
Simula kaninang pagdating nilang magpipinsan ngayon ko lang siya makakausap, kanina kasi sila Ligaya ang kausap ko ni hindi pa kami nagkalapit na ganito muka kanina.
Ngayon after ko magpiano, ayon kinausap ulit ako nila tita saka ng mga pinsan niya. Tuwang-tuwa sila na halos lumaki na 'yung ulo ko sa mga papuri.
After non nagsi-alisan na rin naman ibang mga pinsan niya, pero meron pang ilan na nandito, iniwan lang ako saglit ni Tita Marsella kasi tumawag yata yung daddy ni Ry.
Dito pa rin ako sa sala katabi yung mga desserts na hinanda kanina, saktong tumabi sa akin si Ry.
"I used to play in school saka recitals."
"Hmm, pahumble ka lang kanina nong tinanong kita? You're good-no you're great at playing the piano."
"Hindi naman special, nagpiano lesson lang kasi ako kaya ganon. Everyone can do that if they had the chance and opportunity to learn."
"No, that's talent. Did you always like playing the piano?"
Saglit ko siyang tinignan at binalik rin ang tingin ko sa mga desserts sa table.
"Noong una, si daddy lang talaga 'yung nagpilit sakin magtake ng lessons. Oo lang naman ako ng oo, wala namang mangyayaring masama kung susubukan pero hindi ko talaga gusto ganon, kasi akala ko katulad ng ibang magulang he wanted me learn it para may ipagmalaki din si daddy na talent ko kasi ganon yung mga kaklase ko e tapos habang tumatagal nagustuhan ko na siya. Every lesson naeenjoy ko tapos ayon, naging interesado na ko magperform kahit sa mga musical plays, lalo ko lang nagustuhan noong malaman ko na si mommy pala dati pianist."
"You look good when you're doing something that you love, maybe that's why we enjoyed watching you play."
Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilan yung ngiti ko saka pakiramdam ko sasabog ako sa pagkapula.
I'm not good at receiving compliments, espcially coming from him.
"Thank you, you look good too, when you're playing basketball, everytime you're in the court you're like a shining light."
Nakatingin kami sa isa't-isa at nakangiti noong sabay din kaming mapatingin sa kakapasok lang sa sala na si Rishaan, kukuha yata ng pagkain sa table na nasa harapan namin kaso napatigil siya noong makita kami.
"Kukuha lang ako ng dessert, tuloy niyo lang yan."
Maingat na kumuha siya ng leche plan sa table. Ang awkward ng kilos niya, palipat-lipat ng timgin sa amin."Sige lang magtitigan lang kayo habang nakangiti, I didn't see anything."
"Get out."
Natawa na lang ako noong nagmadali siyang umalis pagkasabi sa kaniya ni Rion non.
"So ayun nga as I was saying, I just like playing the piano." Temple said trying to ease the awkwardness Rishaan brought.
"Hmm but if you love playing piano that much why did you take Political Science? Why not take fine arts or anything related to music just like Clara?"
"That? siyempre kahit na madami akong gustong gawin meron talagang mangingibabaw, and this is my ultimate love, pol sci. But I'm not gonna go there mahabang kuwento maiinip ka lang."
"Why? Gusto kong pakinggan yung ikkuwento mo."
"Matatagalan nga."
"Kahit matagal."
Mukha talaga siyang desidido na makinig sa mga sasabihin ko. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya o hindi e, kasi pagsisisihan niya.