"Hey let's go."
Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong na sa akin ang nakangiting si Chantelle, maagang natapos ang klase niya gaya nga ng inaasahan.
Sininop ko kaagad ang mga gamit ko na nasa bleacher at sabay na kaming naglakad papalabas ng RIOS.
"Lahat ba ng blackhawks nasa arcade?" She asked while sipping from her coffee
Nagawa pa na bumili ng kape bago ako puntahan.
"I don't think so, sila Lois lang yata nandon panigurado nagbilliard lang sila nila Kai, siguro yung dati pa rin. Sila Stella pala?"
Habang palabas kami sa gate ay maigi pa akong pinakatitigan ng guard, araw-araw ba naman na nakikiusap ako sa kaniyang papasukin dahil wala akong id. Halos naging normal na na pagsasabihan niya akong magpa id ulit tuwing umaga kaya ayan, kilalang kilala na ako.
"Ewan don, malamang umiiyak nanaman dahil sa pagmememorize."
Nakangiti siya na animo'y naeenjoy ang naiisip na paghihirap ni StellaSa lahat ng demonyo etong si Chantelle yung nakakagala ng malaya dito sa lupa, tuwang-tuwa lagi sa pagdurusa ni Stella tuwing nagbbreakdown.
"Kapag talaga sa finals umuwi ka samin na umiiyak dahil kulang nanaman ng piso sa binalance mo ako ang unang tatawa sayo."
"Asa ka, basta ako merong tagasolve."
Sa totoo lang sa field na pinili namin normal na lang ang pagbbreakdown mga two to three times a week ganon, etong si Chantelle sa sobrang inis nagjowa na talaga siya na kaklase niya para madali daw magreview saka meron daw nagtuturo sa kaniya magbalance, may grade kasi na kailangan imaintain, nasa dulo na rin ng laylayan yan nung nakaraan.
Si Stella at Kai medtech ang course kaya minsan gabing gabi na umuuwi, si Cali naman madalas busy, more on performance sila ngayon.
Ilang lakad pa namin mula sa uni ay natatanaw na namin ang entrance ng arcade, madami rin ang mga tao, labasan kasi ng mga estudyante sa kabilang school.
Lukot na ang mukha ni Chantelle, ang isang kamay niya kasi bitbit ang bag ni Lois na may laman na jersey, nasa akin kasi ang kay Kai at sa isa pa nilang kasama.
"Kinaibigan lang yata tayo nitong dalawa para may errand girls sila."
Natawa na lang ako sa pagmamaktol niya, hindi pa ganon katagalan na maging close kasi kami.
We came from the same school in high school pero hindi kami close non. Medyo naririnig ko na ang pangalan nila Kai dahil nga athletes na high school pa lang kami, tapos ibang section talaga kami. Si Clara at ako magkaklase simula grade 7 pero hindi kami nagpapansinan. We're both running for valedictorian non and although madalas kong sabihin na im not in competition with anyone, I did hate the fact that- everyone around us including teachers and the principal consider Cali and I as rivals.
Hindi man namin aminin siguro sa loob-loob namin ni Clara may competition talaga kami sa isa't-isa.
Kaya nung party after graduation, naiwan kami, si stella, ako, clara, chantelle at dalawang ugok, basta bigla lang kaming nabuo sa isang table tapos saktong pareho kami ng papasukan na university sa college kaya napag-usapang sabay na lang mag-enroll, although awkward talaga non kasi maging sa ibang section pala kilala kami ni Clara na rival.
Sa ilang taon sa high school hindi kami nagkausap tapos ngayon dito sa college pa kami nabuo talaga.
"There, I can already see them." I pointed at the right corner as soon as we entered the arcade.
"Humanda sakin yan si Lois bakit hindi yung mga chix niya ang pagbitbitin niya nito? Sayang ang kape ko ni hindi ko mainom ng maayos."
Sinalubong kami ng dalawa bago pa kami makalapit sa kanila, nagbibilliard nga.