Saktong pagkalabas ko pa lang sa room ng last subject kinabahan ako agad, tinanong nga pala ako ni Rion kung may gagawin pa ako.
Na wala naman talaga, busy sa pagppractice ng performance si Cali ngayon e.
Ewan ko nga din bakit ba ako kinakabahan?
Pero putek kasi kapag ako umiyak dito sa dulo kakalabas labas na 'to.
Pachill chill ako kunyari palabas ng room, pero patingin-tingin rin naman sa paligid baka bigla na lang lumitaw yung isa.
"Hi cutie."
"Ay cutie!"
Napabalikwas ako sa gulat nong lumitaw nga sa gilid ko si Rion."Bakit ka ba nanggugulat?!"
"I'm not, by the way are you ready? Let's go."
"Teka hindi ko pa nakakausap si Cali."
"I talked to her already, tinanong ko kung lalabas ba kayo ngayon sabi niya kailangan niya magpractice. She's a pianist huh?"
"Ha? Paano mo nakausap si Cali? Pinuntahan mo pa para tanungin?"
"No, pinatext ko kay Bobby."
"Ah, o si Bobby pala nasan?"
"Hindi na tayo sasama kay bobby, dadaan muna tayo sa restau ni kuya."
Dire-diretso siyang naglakad papunta kaming parking kahit naguguluhan sumunod pa rin naman ako sa kaniya.
Kuya? Si Kuya Rohan ba o may iba pa siyang kuya?
May restaurant si Kuya Rohan?
"Pero anong gagawin natin doon?"
Pagkaupo sa kotse niya para akong nakapagpahinga, ang sakit kasi sa puwet saka sa likod nung upuan sa room, 3 hours subject ko yun kaya ngayon nakapag-inat inat ako saka nasandal ko rin buong likod ko.
Itinaas ko na rin yung paa ko he said he doesn't mind.
"Bibisita? Ngayon na lang ulit ako pupunta after the opening, I git busy."
Napa-upo ako ng maayos at lumapit sa kaniya dahil sa narinig ko.
"Chef ba si Kuya Rohan?" Hindi na talaga naalis yung ngiti sa labi ko.
"Yes, he studied for years in Italy and he decided to go home to open his restau. That's why he goes out a lot with our cousins."
"Sabi ko na nga ba! Unang kita ko pa lang kay kuya Rohan alam kong magkakasundo kami agad."
I love foods, everybody love foods. Naeenjoy ko kumain ng iba't-ibang putahe, parang sa ganon nahanap ko yung totoong meaning ng kaligayan ng buhay at ngayon ang katuparan ng mga pangarap ko, maraming foods tapos libre pa, sounds like heaven to me.
And with that I was hyper for the next minutes.
Inilipat ko sa my chemical romance ang tugtog, sa ngayon palipat lipat lang sa 5sos saka my chemical romance ang natugtog. Wala e, ako ang may control sa kotse na 'to.
Enjoy na enjoy pa ako habang naghe-headbang. The Ballad of Mona Lisa.
"Bakit ka huminto? Dito na ba?" Ang bilis ah.
Bababa na sana ako sa kotse pero pinigilan nuya ako sa pagtanggal ng seatbelt.
"Wait here, I'll be fast."
Kinuha niya yung black shoes ko na hinubad ko kanina dahil nananakit ang paa ko, 3 inch rin kaya 'yon.
Gusto niya ba 'yon?
"San ka ba pupunta?" Hindi ko pa natatapos yung tanong ko e bumaba na siya sa kotse niya, ang nagawa ko na lang ay tanawin siya habang papalayo. Ni hindi ko nga alam kung saan ba siya nagparking.
Nagpatuloy na lang ako sa pakikinig ng kanta at after ilang minutes bumalik siya, hinagis niya pabalik sa kinalalagyan yung blackshoes ko kanina pagkabukas niya sa pinto ng kotse.
Akala ko nga uupo na siya para makaalis na kami pero hindi, nilabas niya yung kulay puti na sneakers sa bitbit niyang paper bag, sa tingin ko bago pa yon kasi nakakahon pa saka nakabalot.
Pinanood ko lang siya na isuot yung medyas ko sakin saka yung white sneakers na bitbit niya.
"Bumili ka pa? Teka magkano yan wala akong pambayad sa'yo may iba akong paggagastusan."
Sabi ko lang pero hindi ko naman siya pinipigilan sa pagsuot sakin nung sapatos. So kinuha niya yung black shoe ko para sa size?
"Hindi ko naman pinapabayad."
Alam ko na kung bakit nainlove si cinderella kaagad nung sinuotan siya ng sapatos.
"There, just the right size. Kaninang umaga mo pa suot yung black shoes mo kaya binilhan na kita, baka sumakit kasi yang paa mo kapag nagtagal pa, ang taas kasi."
Bumalik na siya sa pagkakaupo sa driver's seat saka nag-umpisang magmaneho. Hindi ko naman mapigilan nakatitig lang ako sa kaniya.
Sobrang guwapo halatang hindi magiging akin.
Bakit isa lang ang Rion Isaac Silva sa mundo?
"Comfy?"
"Hmm-um, comfy and cute, I like it. Thank you."
"Welcome."