Kasabay ng pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang laban ay ang pagta-talon at pagmumura namin nila Chantelle.
Nagkalat ang kulay dilaw at itim na confetti galing sa taas ng gym, nag-ingay lahat.
"Putangina panalo!!!!"
Hindi ko maisip kung paano ko ilalabas tong sobrang sayang nararamdaman ko.
Lahat ng nasa kanang bahagi ng gym ay nakatayo at nagkakagulo, sari-saring tili at sigawan ang maririnig. Sa court nagkakagulo pa rin yung blackhawks.
Bitbit bitbit nila si Rion at Kai na captain ng hawks. Parang nga silang nagsusuntukan kung makapagcelebrate dun sa gitna. Si Lois saka si Bobby napatakbo paikot sa gym nakikiapir dun sa mga nasa harap na nakaupo, hindi naman nila kakilala.
"Uy upo may announcement pa."
"Gago Chan panalo sila Kai." Inuga uga pa ni stella si chantelle sa balikat saka sila nagtatalon ng magakahawak
We once again remain seated for the announcement, back to back champions ang hawks.
Last year panalo din kasi ang rios sa bball.
Noong iaannounce na yung mvp hindi naman ako kasali sa bball team pero ako yung kinakabahan.
Habang hinhintay yung announcement napatingin sa akin sila Cali, alam nilang hinihintay ko 'to.
Mvp for the whole season.
Pagkarinig ko sa pangalan ni Rion automatic na napatayo ako saka napasigaw, parang nagslow mo pa sakin yung nangyari, may iilan pang napatingin sa direksyon ko dahil sa kakasigaw ko sa tuwa, na tinawanan lang nila Chantelle.
I know he worked hard for this. Kaya naman ako yung pinakamasaya ngayon.
Tinanggap ni Rion yung trophy niya hiwalay pa sa trophy ng buong hawks, pagkatapos non pinagkaguluhan na siya ng blackhawks sa gitna, pinagkokotongan siya.
After ng ceremony sa court at umalis na yung mga tao, naiwan na lang ang players ng rios saka vehement at saka iilang kaibigan, bumaba na kami para salubungin sila Kai. Tapos na din kasi magpapicture yung mga estudyante sa kanila.
Pagkababa namin nila Chan mula sa upuan tumakbo na kami kila Lois para yakapin sila.
Naggroup hug kami na halos masakal na si Lois.
"Nakakaproud naman kayo."
"Congratulations ang astig niyong dalawa."
Tuwang-tuwa kami nila Chan habang kinokotongan namin yung dalawa.
"Kita niyo yon? Free throw ko nagpapanalo samin."
"Ewan ko sa'yo Lois."
"Ano uwi muna tayo tapos kakain, mamaya papakain saka papainom ulit si Coach sama namin kayo?"
Tanong ni Lois sa amin habang nakaakbay sa amin ni Chan, si Kai tinangay na ulit ng ibang blackhawks.
"Siyempre g kami diyan, walang hihindi sa mga champions." Natatawang sabi ni Cali, kahit na malapit na yung recital niya nagawa niya talagang ifree yung schedule niya ngayon.
"Basta hindi niyo ko lalasingin?" Pagbibiro ko sa kanila siniko lang ako ni Chantelle.
"Una na ako, nagugutom na ako saka inaaya na ako ng jowa ko babye, kita tayo mamaya. Uy lois sunduin mo ako." Sabi ni Chantelle bago bumalik sa upuan namin kanina at inayos ang mga gamit niya.
"Geh." Sagot ni Lois bago bumalik sa court para puntahan ulit sila bobby.
Kami nila Stella at Cali sumunod kay Chantelle pabalik sa upuan.
Nadaanan ko pa si Bobby kaya nakacongrats pa ako.
"Sabay na kami umuwi ni Cali ikaw Pol?" tanong sakin ni Stella na suot na yung sling bag niya at kasama na si Cali na eeady na din umalis.
"Wait may babatiin lang ako, una na kayo papasundo na lang ako kay River."
Binitbit ko ang crossbag ko saka yung paperbag bago bumaba ulit sa court.
Bago pa ako makapunta sa gitna nagtama na ang paningin namin ni Rion, nakapalibot pa yung mga nagkocongratulate sa kaniya.
Hinintay ko na matapos siya sa lahat ng kausap, pagtapos non habang unti-unti siyang naglalakad sa direksyon ko parang wala na akong ibang nakita sa paligid.
Kahit na medyo crowded pa sa court dahil sa pagbabati ng ibang palyers sa kaniya lang yung atensyon ko.
Nakangiti siya habang hawak sa kaliwang kamay yung trophy niya, sinalubong ko siya ng isang malaking ngiti. Habang papalapit nakita ko ang pagod sa mata niya, why does he look so tired? Napagod yata ng sobra sa game.
Huminto siya ilang metro sa harapan ko saka ko naman iniabot sa haparapan niya ang paper bag na hawak ko.
"Happy birthday!" Mas lalong lumaki yung ngiti niya bago kinuha yung iniaabot ko.
"What's this?"
"My gift."
Ikocongratulate ko pa sana siya sa pagiging mvp kaso nagulat na lang ako sa ginawa niya.
Lumapit siya paharap sakin at yumuko tapos isinandal ang ulo niya sa kanang balikat ko. He's not hugging me, basta yung noo niya nakasandal sa balikat ko.
Para siyang zombie na napagod kaya inabutan ng antok.
Ramdam ko ang mabigat na paghinga niya sa dibdib ko, parang pagod na pagod nga siya. Sa mga oras na 'to pakiramdam ko tumigil yung mundo, hindi ko alam ang gagawin, I like it but at the same time I want to remove his head from my shoulder kasi baka marinig niya ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Thank you."
Rinig kong pagod na bulong niya.
"I-I- ano congratulations Ry, you did well for the whole season, mr.mvp." halos manganda utal-utal ko ni hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung saan ako nakatingin, sa poste? Kasi hindi ko siya malingon.
"Ayos ka lang ba? Parang pagod na pagod ka, gusto mo munang umupo?"
Tanong ko nong ilang segundo ay ganon lang kami sa court.
"Don't move, let's stay like this for another minute."
Aayain ko na sana siyang maupo pero pinigilan niya akong gumalaw, nakahawak ang libre niyang kamay sa sa palapulsuhan ko.
"O-okay."
Unti-unti kong napansin yung mga blackhawks na nakatingin sa amin saka ibang taga RIOS din, nakita ko pa nga sila Cali na hindi pa pala umuwi.
Nakakaloko yung mga tingin nila