|OCT 27|
"Last round na 'to, pagtapos break na namin."
"Hindi naman namin tinatanong."
"Nandito lang kami para laitin ka pag pumalpak ka."
Kumamot na lang sa ulo si Lois bago bumalik sa gitna ng court dahil sa sagot namin ni Chantelle. Last practice game nila bago umpisa ng pagkaabala nila sa season kaya nanonood kami.
Mamayang dinner sabay-sabay kami para igoodluck si Kai saka Lois para sa games nila.
Sakto namang dumating na si Stella at tumabi na sa amin sa bleachers, kumpleto kaming nanonood ng practice.
"Ano kayang masarap kainin sa lunch?"
"Kadarating mo lang pagkain na naman iniisip mo." Irap ni Chantelle kay Stella
Samantalang ako busy ang pag-ikot ng mata sa pagsunod sa kada galaw ni Rion, iba talaga ang pagglow niya sa paningin ko lalo na pag nasa court. Bigla-bigla nagpupuso mga mata ko.
Wala eh si Rion Silva 'yon mahina ang heart ko.
Nakabisado ko na nga ata ang hobby niya tuwing nasa court.
Kada kasi lilipat siya ng pwesto parang ginagasgas niya yung kaliwang sapatos niya para bang nag-aadjust. Kapag nakatitig siya sa bola grabe parang umaandar pagka engineering student niya at parang kinakalkula ang kung ano man.
Minsan pag sobrang focus he has a habit of sticking out his tongue a bit, pag sigurado siyang mashu-shoot niya yung bola he would let out a little smirk.Lord bakit ang gwapo? Kelan mo ako magiging paborito rin?
"Temple"
Busy ako sa pagkamangha kay Rion nang tinawag ako ng coach ng blackhawks.Kilala niya ako kasi madalas naman niya akong makita sa practice ng bball saka naging facilitator ko siya sa pe nung first year, pasaway kasi ako non.
Nasa gilid ko siya hawak-hawak ang mga water jag na binitbit niya ata.
"Yes, coach Jay?"
"Tulungan mo nga akong buksan 'tong mga water jag saka ipamigay diyan sa mga yan, kanina pa walang pahinga sa practice 'yan sila." Turo niya sa blackhawks na nagtatawanan na lang sa court at nagbabatuhan ng bola.
Kaagad naman akong lumapit at tinulungan siya sa paglalabas ng mga bottled water.
Pumito siya ng malakas na siyang nakakuha ng atensyon ng blackhawks
"Tama na 'yan, you can continue later after lunch."
Dali-dali naman sila sumunod at lumapit samin. Saka nakangiting nagpasalamat kay coach.
"Temple ikaw na muna magpamigay niyan, Julie andiyan ka pala tulungan mo si Temple kukuhanin ko pa 'yung isang water jag tiyak magkukulang kasi."
Nagpamigay ako sa kanila ng tubig nautusan ako e, siyempre may bias ako dumiretso ako kila Chantelle para si Kai at Lois una kong mabigyan.
Yung iba sila na talaga 'yung kumuha ng kanila sa water jag. Sila bobby dahil lumapit sa'kin ay binigyan ko na rin.
Yung mga kakadating lang naubusan na ata, buti na lang kukuha pa si Coach.