Agatha's Pov:
"oy agatha!Bat tulala ka na diyan?Bababa na daw sabi ni nanay.Handa na ang hapunan." Tawag sakin ni ate hershey.
Andito ako ngayon sa kwarto at nagmumokmok. Sino ba namang matutuwa kung isang kapre ang kumuha ng unang halik mo na dapat ay ilalaan lang sa mapapangasawa mo?
Bwiseeeeeeet!
Agad kong naalala ang lalaking kapre na iyon. Hindi siya mukang kapre eh! Mabango din ang hininga nya, lasang strawberry. Ano kayang gamit nyang mouth wash?
Umiling-iling ako at agad na tumayo para pumunta na sa kusina. Ayaw kasi nina tatay na pinag iintay ang grasya.
Naglakad ako pababa sa hagdan at tinungo ang kusina.
Kumpleto na sila doon ng makarating ako.
"Oh,anak.Umupo ka na ng makapaghapunan na tayo" Sabi ni tatay ng makita nya ako.
Hindi naman ako sumagot. Lalapit na sana ako sa paborito kong upuan ng makita kong may nakaupo na roon.
Nanlaki ang mata ko at napatigil sa paglalakad. Hindi ako makapaniwalang sinuri ang kabuuhan niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Ang itim na itim niyang mga mata na sing lamig ng kalawakan na tila hinihipnotismo ako. Matangos na ilong na kahit sinong kalalakihan ay maiinggit. Manipis at natural na kulay pulang labi.
Tumigil doon ang paningin ko at ilang beses na lumunok.
Agad naman akong nagising sa pagkatulala ng maalala ang nangyari kanina sa likod bahay.
"i-ikaw!" Turo ko sa lalaking iyon.
Nagulat naman sina tatay sa iniasta ko.
Nakatingin lang ito ng blangko sa akin kaya nainis ako. Ayokong tinitingnan ako ng ganoon!
"I-ikaw yung kapre sa likod bahay!Manyak na kapre! Ikaw yon!Umalis ka sa bangko ko!Lumayas ka sa bahay nami---"
"AGATHA!" Nagulat ako ng sumigaw si tatay,"Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Mahiya ka naman dahil siya ang boss ko!"
Napalunok ulit ako. Pati ang mga kapatid ko ay gulat na gulat.
Boss? Anong ginagawa ng lalaking yan sa likod bahay kanina?! Ah kaya naman pala, taga syudad sya kaya baka naliligaw sya dito sa probinsya.
"Pasensya na po,sir Zient at ganiyan ang iniasta ng aking anak. Mukang nabigla lang siya." Pag paumanhin ni tatay.
Tumingin naman ako don sa lalaking tinawag ni tatay na 'Sir Zient' at nagtama ulit ang mga mata namin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
"Its okay."maikling sagot nito na nakatingin pa din sa akin. Agad kong iniiwas ang tingin ko at umupo sa tabi ni ate hershey na katapat lang nung manyak na kapre.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi ako umiimik at tahimik lang. Nag kwentuhan lang sila. Nalaman ko ding Zient Flynn Portgas ang Full name ni kapre, 24 years old na at isang business man.
"Uhmm..P-pwede po bang magtanong?" Dinig kong tanong ni colein.
Ang lakas magtanong!Tibay!
"Hmm?Sure."
"May girlfriend na po ba kayo?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa tanong ni Colein.
"Colein!" suway ni nanay pero hindi siya tiningnan ni colein.
Dahan dahan akong tumingin kay Zient dahil hindi nya sinasagot ang tanong ni colein.
Nagulat pa ako ng makitang nakatingin sya sakin at nakataas ang sulok ng labi.
Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko.May parte sa puso kong bumubulong na sana 'wala'.
"I have not" nakangising sagot nito.
Napayuko ako dahil hindi ko mapigilang mapangiti. Bakit ba ako ngumingiti!? peste naman! eh ano kung wala syang girlfriend!? anong connect naman?
"Eh ano pong gusto nyo sa babae?" Kinikilig na tanong ni keisha.
Masama na ang tingin sa amin ni nanay pero natatawa lang si tatay.
Sumubo muna si Zient at marahan iyong nginuya. Pati sa pagnguya ay sobrang hinhin nya. Ingat na ingat na huwag madumihan ang suot.
"Gusto ko sa babae?" Uminom ito ng tubig at saka pinatong ang dalawang siko sa mesa, pinagsiklop ang dalawang kamay at pinatong doon ang kanyang baba. "Gusto ko yung mahinhin.."
Ennkkkk enkkkk enkkk!
Mahinhin? Eh hindi ako mahinhin potek!
Nanlaki ang mata ko.
Eh ano bang pake ko!?Wala naman akong pakialam sa kanya at hindi ako interesadong maging jowa nya no! Manyak kaya yan!
"Maganda at porcelain skin" Automatic na napatingin ako sa balat ko at halos manlumo ng makitang morena ako.
Hindi talaga ako papasa sa kanya!
Eh ano bang pakialam ko?! Di ko naman yan type! Oh ano kung morena ako?
"Gusto ko yung mahaba ang buhok" Mas lalo akong nanlumo dahil hanggang balikat lang ang buhok ko.
Tumingin ako kay ate hershey. Lahat ng binanggit ni Zient na katangian ay nakay ate hershey lahat kaya medyo nainis ako.
Agad akong tumayo na ikinagulat nila.
"Tapos na po ako kumain." Tumingin pa muna ako kay zient. Nakangisi na sya sakin ngayon. Inirapan ko lang sya at padabog na inilapag ang pinagkainan ko sa lababo sabay alis.
Huminga ako ng malalim at lumabas ng bahay.
Nakakainis! Bakit ba kabaliktaran lahat ng sinasabi nyang katangian ng babae na meron ako!?
Bakit kase Hindi ako mahinhin!?
Bakit hindi ako maputi!?
bakit Maiksi buhok ko!?
arrrghhhhhsssss!
nakakainis!
Sinipa ko yung nakita kong bato.
"Bibili ako ng maraming lotion! Magsusuot na din ako ng saya at kimona tapos magpapahaba din ako ng buhok!" Wala sa sariling sabi ko.
Agad namang nanlaki ang mata ko.
"A-ano!? ano bang pakialam ko!? Tss! Nakakainis! "
______
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]
General FictionExplore the beauty of the province with wild and erotic scenarios. Her simple life in the province was ruined when her sister's suitor came from the city. He was like a temptation and she couldn't stop herself by admiring his hotness. And she never...