CHAPTER 7

1.1K 23 0
                                    

Agatha's Pov:

Nakabusangot ako habang isinasahod ang timba sa poso. Paano ba naman kase eh hindi man lang ako tinulungan ng magagaling kong kapatid na mag igib ng tubig!

Si zient naman ay isinama ni tatay na pasyalin ang buong palayan.

Ang tatay ni zient ang tunay na boss ni tatay at ito ang may ari ng isinasaka naming palayan kaya malaki ang pasasalamat namin sa pamilya nila. Matalik ding magkaibigan ang tatay ni zient at ang ama ko.

"Hmmp! Hindi talaga ako maghuhugas ng plato mamaya! Ako nag igib mag isa eh!" Inis kong sabi sa sarili.

Malayo ang poso kaya kailangan ko pang maglakad at magpakahirap pa lang makapag ipon ng tubig.

Wala naman masyadong init dahil nasa lilim ng puno ng talisay ang poso kaharap ang malawak na palayan at kabundukan.

Tanghali na din kaya tirik na tirik ang araw.

Naalala ko tuloy noon,ang hilig hilig kong magpainit kapag bagong anihan ng palay. Naglalaro kami sa uhot, yun yung mga nakatambak na tuyong puno ng palay. Makati yon pero ang saya saya maglaro.

Kaya siguro morena ako dahil lagi ako sa arawan samantalang si ate hershey ay nasa loob lang ng bahay dahil mahiyain talaga iyon.

Nalalapit na din ang pyesta samin at si ate Hershey nanaman ang isasali nina tatay sa Ms.Fiesta.

Sumasali naman ako pero ayun nga lang, natatalo, kaya mas gusto nila si ate kasi madalas itong manalo.

Pawis na pawis na ako habang itinataas baba ang handle ng poso.

"Agatha?"

napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Tano?" nanlalaki ang matang tawag ko sa kanya.

Si tano, kababata ko. Christian ang real name nya pero tano lang yung nickname.

Gwapo din sya kahit moreno. Matangkad at napakasipag pa. Minsan nga kapag mag kasama kami ay napagkakamalan kaming magkatipan dahil bagay na bagay daw kami.

"Oy long time ah!" Lumapit ito sa akin.

Gwapong gwapo sya sa suot na lumang t-shirt at maong na nakatupi. May dala din syang basket na may dahon ng saging.

Mukang may pagkain sa loob.

"Oo nga eh! Musta ka na, lalo tayong pumopogi ah!" tumigil muna ako sa pag taas baba ng handle ng poso at humarap sa kanya.

"Abala lang kami ni itay sa pagbubukid. Ikaw,musta na? Gumaganda ka lalo" Nakangiting Sabi nito.

Natatawa naman akong umirap.

Mas maganda pa din sakin si ate hershey kaya nga sya nagustuhan ni zient eh!

"Edi wow! Anong dala mo?" tanong ko at inginuso ang dala nyang basket.

Ngumiti naman sya ng nakakalaglag ng panty at itinaas ang dala ng basket.

"Suman at puding.Gusto mo?" agad nagliwanag ang muka ko.

"Puding?!"

pakiramdam ko ay nagtubig ang bagang ko dahil sa pagkaing dala nya. Paborito ko talaga ang puding.

Naalala kong kapag may handaan noon Dito samin ay yung puding lang ang madalas kong kinukuha.

Sino ba naman kasing hindi masasarapan sa pagkain na yon?

Tumango si tano at tinanggal ang nakatakip na dahon ng saging. Doo na bumulaga sa paningin ko ang mainit init pang puding.

Agad akong lumapit sa kanya.

LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon