CHAPTER 2

1.4K 33 0
                                    

Agatha's Pov:

Maaga akong nagising at kasalukuyang nagwawalis sa labas ng bahay namin. Tanaw na tanaw ang malawak at luntiang palayan.

Nang matapos magwalis ay bumalik ako sa loob ng bahay. Wala sina tatay at nanay ngayon dahil maaga silang pumunta sa palengke. Mamimili daw ng lulutuin para ipakain sa Kapreng Zient na yun.

Narinig kong nagtatawanan si ate Hershey at Zient sa may sala. Pakiramdam ko nag init agad ang ulo ko.

Sinadya kong dumaan sa harap nila.

"Oh, Agatha, Sabi ni tatay samahan mo daw si sir zient. Gusto kase nyang maligo sa ilog." Napakunot ang noo ko.

"Bakit ako?bat hindi ikaw na lang? tutal mas bagay naman kayo eh!" Inis kong sabi.

Napakunot noo din si zient na nakatingin sa akin. Agad akong napalunok at umiwas ng tingin.

"May pupuntahan pa ako, Agatha!Wala ka na din namang ibang gagawin diba?" umirap na lang ako.

"Tss!Oo na Oo na! mananalo ba ako sayo!" Agad akong pumasok sa kwarto namin.

Hinalungkat ko agad ang cabinet ko at naghanap ng magandang isuot. Ayoko namang samahan siya na panget ang suot ko.

Nakapili lang ako ng isang puting bistida.

Lumabas ako ng kwarto at naabutang nakaupo lang si Zient mag isa sa kawayan naming upuan.

Nakasuot lang siya ng summer short at V-neck shirt. Doon ko lang napagmasdan ang katawan nya. Matangkad sya,siguro ay nasa 6'1. Maputi at may kalakihan ang katawan. Mapupula ang palad pati na rin ang bukong bukong ng paa.

Medyo natulala pa ako dahil ngayon lang ako nakakita ng sing gwapo nya.

"Done figuring me out?" Nakangising tanong nito. Hindi ko namalayang nakatayo na pala sya at palapit na sa gawi ko.

"A-anong pinag sasabi mo diyang k-kapre ka?" umiwas ako ng tingin ng makalapit na sya ng tuluyan sakin.

Shet!bat kailangan ko bang mautal!?

"I told you,hindi ako kapre" tiningnan ko siya.

"Muka ka kaseng kapre eh!Alis!" Akma kong itutulak ang braso nya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Bakit bigla kang umalis sa dining table kagabi?" Nakangisi pa din sya.

Bigla akong kinabahan at iniwas ang tingin ko.

"Ano bang pakialam mo huh? Eh tapos na kong kumain noon eh!"

Nanlaki ang mata ko ng ilapit nya ang muka nya sa muka ko. Inatras ko ang ulo ko dahil naduduling ako.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Really? O baka naman nainis ka?"

"at bakit naman ako maiinis!?"

"Dahil walang isa man sa gusto kong katangian ng babae ang meron ka." Ngisi ngisi sya ngayon.

Nanlaki ang mata ko at itinulak sya.

"Ang kapal din ng muka mo eh no? anong akala mo? type kita?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Type mo nga ba ako?" nang aasar nyang tanong.

Inirapan ko na lang sya at nilagpasan. Narinig ko naman syang tumawa ng mahina. Naglakad na ako palabas ng bahay.

Naglakad ako sa hindi sementadong daan papunta sa direksyon ng ilog na liliguan ni zient.

"How old is she?I mean your ate hershey?" Basag nya sa katahimikan.

Parang may maliit na karayom ang tumusok sa puso ko.Nakaramdam din ako ng konting konting inis!

"Bakit ako ang tinatanong mo hindi siya?" pinilit kong hindi itago ang inis at itinuon na lang ang atensyon sa paglalakad.

"I can't,nahihiya ako sa kanya" mas binilisan ko ang paglalakad.

"Hey!Wait for me!" sigaw nya.

Ginawa kong lakad takbo ang pagtahak sa daan. Wala namang nakakakita samin dahil liblib ang baryo namin at puro puno lang.

"hey!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad ng biglang may mainit na palad ang humawak sa kamay ko at hatakin ako.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at napatigil sa paglalakad.

Pakiramdam ko boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan nya ang kamay ko.

"Are you mad?Bakit ang bilis mong maglakad?" Habol ang hiningang Tanong nya pero nanatili akong nakatingin sa harap.

"Bitawan mo nga ako!" inis kong sabi at hinila ang kamay ko at nagsimula ng maglakad.

"I'm just asking you how old is she then here you are, acting so weird, are you jealous?" napaharap ako sa kanya sa itinanong nya.

"Bakit naman ako magseselos ha?" inis kong tanong.

Hindi naman sya umimik at pinanliitan ako ng mata. Bumuntong hininga ako bago iniwas ang aking tingin.

"22 na ang ate ko. Ano? masaya ka na?" Mabilis akong tumalikod sa kanya at naglakad.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa marating namin ang ilog.

Noong Bata pa kami, dito kami madalas maligo. Bukod kasi sa Malinis ang tubig ay nakakarelax pa.

Umupo ako sa isang bato at tinitigan ang umaagos na tubig mula sa itaas.

Dumampot ako ng isang bato at binato iyon sa tubig.

Nakita ko pa sa peripheral vision ko si Zient. Umupo sya sa tabi ko at nagbato din ng maliit na bato sa tubig.

Tanging ang pag agos lang ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig sa buong paligid.

"Agatha.."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin nya ang pangalan ko.

"hmm?"

"I like your sister.Is it okay if i court her?"

nakagat ko ang labi ko. Gusto nya ang ate ko? Si ate Hershey?

Agad akong tumayo at hinubad ang bistida ko.

Pakiramdam ko nag iinit ang dalawa kong mata dahil nakaramdam ako ng kakaibang sakit.

Walang pag aalinlangang tumalon ako sa tubig at doon na lumabas ang pinipigilan kong luha.

Bakit ba masakit!?

Kakikilala mo pa lang sa kanya kagabi hindi ba!?

pero bat mahal mo agad!?

bat nasaktan ka agad!?

Shit na malagkit naman!

Alam kong nakita nyang naka tube at cycling lang ako pero wala na akong pakialam.

Hindi ko alam kung bat ako biglang nakaramdam ng kirot! Ang sakit lang.

_______

LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon