AGATHA'S POV:
"Hey!Agatha!Baka mahulog ka!" Natawa lang ako sa nagbabantang sigaw ni zient.
Ilang araw na din simula ng andito sya sa probinsya namin. Mas lalo kaming naging close at halos lagi ko na syang kasama araw araw.
Okay na sakin ngayon na hanggang kaibigan lang kami.
Na si ate ang gusto nya.
Na hanggang kapatid at kaibigan lang ang turing nya sakin.
May konting sakit pero pinipilit ko namang kalimutan.
Kasalukuyan akong nakaakyat sa puno ng mangga. Niyaya ko kase siyang manguha.
Malayo kami sa bahay dahil itong manggang kinukuhaan namin ngayon ay hindi pagmamay ari ni tatay.
Ang may ari nito e yung matandang masungit na nagtatanim ng mais.
Ayaw nyang magpakuha ng bunga ng mangga dito! sobrang kuripot nya!
Eh anong gagawin nya sa mga bunga nito? pabubulokin nya lang dito?
hayst!
"Sshh!Wag ka maingay! baka marinig tayo nung may ari!" Sinimangutan nya ako.
Pinagpatuloy ko lang ang pag akyat ko.
"Tsk! Bumaba ka na dyan! I'll couny one to five! kapag hindi ka pa bumaba, hahatakin na kita!"
Hindi ko sya pinansin at pumitas ng mangga.
"Lintek! ang ingay mo! Oh kain ka muna " Binato ko sya ng mangga at nasalo naman nya.
Sinamaan nya ako ng tingin.
"Go down,agatha Cruzado. Hindi na ko natutuwa."
Dinilaan ko na lang siya. Nakasanayan ko na din na kapag binabanggit nya ang apelyido ko ay galit na sya non.
"Saglit sabi! Baka dumating na yung may ari kaya kuha muna tayo"
Pero napatigil ako sa akmang pagkuha ng mangga ng Makita ko ang bahayan ng mga langgam.
Nanindig ang balahibo ko dahil papasugod na sila ngayon sakin.
"WAAAAAAHHH!"
Napasigaw ako ng kagatin ako ng isa sa kanila.
"Shit!What happened, agatha!?" nag aalalang tanong ni zient.
"Aray!aray!" Napangiwi ako dahil ang dami na nilang kumakagat sa balat ko.
Dali dali akong bumaba ng puno at nagtatalon.
"Aray!Hooooo! hoooo!"
"Fuck! I told you to go down here pero hindi ka nakinig!" naiinis nyang sabi sa akin.
Nang mawala na ang mga langgam ay tiningnan ko sya ng paawa-mode.
"what!?" iritang tanong nya.
"mangga?" nagpuppy eyes pa ako habang itinuturo ang kumpol ng hinog na mangga.
Syempre kailangan paawa muna para pagbigyan.
"What the!? Naglilihi ka ba!?" Nanlaki ang mata ko at sinamaan sya ng tingin.
"Gusto lang kumain ng mangga,buntis agad!?" Hindi sya nakaimik kaya mabilis akong tumalikod.
"Mangga lang e,damot!" bulong ko.
"okay okay!Just wait me here! Ako na ang aakyat!"
Agad akong humarap sa kanya ng may malawak na ngiti.
"Talaga?ayieeee!Ge na akyat na!dali! damihan mo ha!"
Wala naman syang nagawa kundi ang umakyat sa puno.
Natawa pa ako dahil halatang hindi sya sanay sa pag akyat.
"First time mo ba umakyat ng mangga?" natatawang tanong ko.
Tumingin sya sakin habang pilit lumalambitin sa sanga.
"Actually,yes. And you're too lucky because i will do this for you"
Nakaramdam ako ng kilig.
enebeh!
"Shit!" mas lalong lumakas ang tawa ko ng makitang pinag pepyestahan na sya ng langgam.
"Fuck! Damn those ants!" inis nyang sigaw.
Nakita kong namumula na ang balat nya kaya nag alala na ako.
"Hala!bumaba ka na oy! Hoy! Namumula ka na! baba na!" Sigaw ko sa kanya.
Pinagpag nya ang sarili at tumingin sa akin.
Ngumiti sya ng bahagya.
"I'm okay. Kukuhanan pa din kita ng mangga"
Eto nanaman!
Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
Mabilis syang namitas ng mangga kahit pa pinagpepyestahan sya ng mga langgam.
Napangiwi ako dahil namamantal na ang balat nya. Ako ang mukang nasasaktan dahil sa itsura nya eh!
"okay na!" itinaas nya ang mga nakuha nya at marami na iyon.
Nag thumbs up naman ako at ngumiti ng malaki.
Akma na syang baba ng..
"HOY!KAYONG MGA BATA KAYO!"
nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ng may ari ng mangga.
Paaakshettt!
"Hala anjan na yung kuripot na matanda! Zient dalian mo jan! baba na dali! andiyan na sya!"
hindi na magkanda ugaga sa pagbaba si Zient.
Tumingin ako dun sa may ari. Galit na galit ang muka nito. Kahit malayo sya sa amin ay tanaw na tanaw ko ang hawak nyang itak.
"Ohmy! May syang itak! Zient dali baba na diyan! Iitakin nya tayo!"
"FUCK!" inis na mura ni zient,hindi na alam kung paano bababa.
Kahit kinakabahan ay natatawa ako dahil kay zient. Ni hindi na sya makababa ng puno.
"Zient, kapag naabutan nya tayo! Chochopchop-in nya tayo halaka!"
nagulat na lang ako ng tumalon sya sa puno.
"Shit!" nahihirapan nyang daing dahil napamali sya sa pagtalon.
Agad akong lumapit sa kanya at itinayo sya.
"okay ka lang ba!?" Nag aalala kong tanong.
"Yeah.i'm okay." tumayo sya. "Yung mangga mo."
Inalalayan ko syang tumayo dahil mukang hindi nya talaga kaya.
"Akina yang mangga.Tara na dali! anjan na yung may ari"
Umakbay sya sakin at paika ika syang naglakad.
"ouch! It hurts!" nakangiwing sabi nya.
"HOY YARI KAYO SAKING MGA BATA KAYO KAPAG NAABUTAN KK KAYO!"
nanlaki parehas ang mga mata namin.
"Patay!" Kahit paika ika ay nagawa nyang higitin ang kamay ko at tumakbo.
Sumuot kami sa alambre na bakod ng biglang maiwan ang isang pares ng tsinelas ko.
"Hala yung tsinelas ko!" sigaw ko.
Akma ko yung kukunin ulit ng hilahin ako ni zient.
"Hayaan mo na yun! Lets go!" Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at tumakbo.
Nang makalayo kami ay doon lang sya tumigil sa pagtakbo.
Habol namin ang hininga namin.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko.
Pinunasan nya ang pawis nya.
"Yeah." Ngumuso ako.
"sorry.Namantal ang balat mo tapos natapilok ka pa gawa sakin" Tumawa lang sya at inakbayan ako.
"Okay lang..Buti na lang hindi tayo naabutan nung may ari" nakangiti nyang sabi.
Tumango naman ako.
"Buti na lang."
______
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]
General FictionExplore the beauty of the province with wild and erotic scenarios. Her simple life in the province was ruined when her sister's suitor came from the city. He was like a temptation and she couldn't stop herself by admiring his hotness. And she never...