CHAPTER 10

1.1K 24 2
                                    

Agatha's Pov:

Iminulat ko ang mata ko ng may kung anong tubig ang pumatak sa pisngi ko.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Nakaunan ako sa hita ni zient habang sya ay nakasandal sa puno ng nara at nakapikit.

Nakatulog sya sa ganyang posisyon?

Hindi muna ako gumalaw at tinitigan ang muka nya. Pati sa pagtulog ay napakagwapo nya.

Itinaas ko ang aking kamay at inabot ang makapal nyang kilay.

Pinaglandas ko doon ang aking mga daliri pababa sa tungki ng kanyang ilong.

"hmmmm.." Natawa ako ng umungol sya.

Dahan dahan kong hinaplos ang maputi at makinis nyang pisngi.

Ganoon na lang ang gulat ko ng hawakan nya ang kamay ko at mas lalo pang ilapat sa pisngi nya.

Iminulat nya ang kanyang mga mata at nagtama nanaman ang aming mga mata.

Parang nasa dibdib ko nanaman si agaton! Pakiramdam ko ay wala syang kapaguran sa pagtakbo sa dibdib ko na nagbibigay sa akin ng kiliti.

"gising ka na pala, mahal ko." Namula ang magkabila kung pisngi.

Dahan dahan nyang inilapat ang labi nya sa likod ng palad ko at ginawaran iyon ng maingat na halik.

"Z-zient.."

Hinaplos nya ang pisngi ko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang sobrang dilim ng kalangitan at nagsisimula na ding pumatak ang tubig ulan.

Agad akong bumangon.

"Zient! Umuulan!"

Tumayo din sya.

"Sshh it's okay. Sumilong muna tayo sa kubo."

Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at tinakpan ng kanyang braso ang ulo ko para hindi maulanan.

Hindi naman kami mababasa dito sa kubo dahil may dingding ito.

Napabuntong hininga ako ng makapasok kami sa loob.

"Paano na tayo makakauwi?" Lumapit naman sya sakin at umupo sa tabi ko.

"We need to stay here until the rain stop."

Napailing na lang ako.

Sa tingin ko ay alas cingko na ng hapon at hinahanap na ako sa bahay.

Bakit ba kasi biglaan ang ulan. Nakakainis tuloy!

Isang oras pa naman halos ang pagbaba ng bundok.

Malakas ang buhos ng ulan at nagsisimula na ding lumamig ang temperatura.

Nanginginig na ang katawan ko.

"Nilalamig ka?" Tumingin ako kay zient at bakas sa muka niya ang pag aalala.

"O-okay lang."

Nanlaki ang mata ko ng yakapin nya ako.Pati ang kanyang dalawang binti ay ipinulupot nya sa nakabaluktot kong mga binti.

"zient.."

"It'll help you to decrease the coldness that you feel right now." bulong nya.

Mas lalo nya pa akong hinila sa kanya kaya ramdam na ramdam ko na ngayon ang mainit nyang katawan.

"feel better?"

Tumango tango ako.

Maya maya pa ay dumagundong na sa buong paligid tunog ng malakas na kulog at kidlat.

Agad akong napayakap ng mahigpit sa kanya.

Takot ako sa mga bagay na iyon.

Noong bata ako ay nagtatago ako sa ilalim ng kama sa tuwing naririnig ko ang mga iyon.

May kwento kasi sina lolo na kapag daw kumukulog e may gumugulong na bato sa langit at kasunod noon ay ang mga higante na kumakain ng mga batang palagala.

Hanggang ngayon ay apektado pa din ako sa kwento kwento na iyon.

"ssshhh..Did those thing scared you?" Nag aalalang tanong nya.

Tumango naman ako at pilit nagsumiksik sa kanyang dibdib.

"Don't be. I'm here. Hindi sila pumapatay ng tao."

Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisyon ngunit hindi pa din tumitigil ang ulan.

Lumalaganap na ang takip silim at natatakot na ako.

Takot ako sa mga lamang lupa at mga aswang!

"Agatha, you're shaking. What's wrong?" Tumingin ako kay Zient at muling nagtama ang mga mata namin.

"Baka abutan tayo dito ng gabi. May mga multo kaya dito?" natawa sya at hinalikan ng banayad ang noo ko.

"Wag kang maniwala sa mga ganon.Kwento kwento lang yun."

Hindi naman ako umimik at tumitig sa muka nya.

Ganoon din sya sa akin.

"Can i kiss you?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya.

Hindi pa ako nakakasagot ng ilapat nya na ang kanyang labi sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko ng gumalaw ang labi nya.

Sobrang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

Marahan nyang sinisipsip ang pang ibabang labi ko na nagbibigay sa akin ng kiliti.

Kahit napakalamig ay nakaramdam ako ng init sa katawan.

Napapikit na lang ako ng hawakan nya ang batok ko at mas lalo pang ilapat ang labi ko sa labi nya.

Katagalan ay napag aaralan ko na kung paano tutugunin ang halik nya.

Dahan dahan kong nilalabanan ang parang walang katapusan nyang paghalik sa labi ko.

Nang maghiwalay ang labi namin ay nais ko pa yung habulin dahil pakiramdam ko ay naaadik ako.

"Damn it. You turned me on, darling"

___________

LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon