Agatha's Pov:
Nanatili akong nasa ilalim ng tubig.Pinipigilan ko ang huwag huminga para makatagal ako sa ilalim. Kinakapusan ako ng hangin pero pinilit kong manatili sa ilalim ng tubig.
Masakit eh.
Pumikit ako dahil hindi ko na kayang pigilan ang paghinga ko. Gusto ko ng huminga pero ayoko pang umutlaw.
Hanggang sa hilahin ako ng isang bisig at iutlaw ako sa tubig. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang muka niya. Ang gwapong muka niya.
"Are you crazy!?balak mo bang lunurin ang sarili mo!?" mahinahon ang pagkakasabi nya ngunit ramdam ko ang galit.
Ngumiti ako ng mapait at tumawa. "Anong nilulunod ang sinasabi mo? Lumangoy lang naman ako ah?"
"Ilang minuto ka ng nasa ilalim ng tubig!paano kung malunod ka ha?" ngumiti ako at pilit itinago ang tunay na nararamdaman.
"Chill, ano ka ba? Sanay na kong ganon!" Bumuntong hininga sya.
Doon ko lang napansin na topless na sya ngayon kaya kitang kita ang maputi at malapad nyang dibdib. Perpektong perpekto ang pagkakahulma ng katawan nya.
"Don't do that again,agatha" May pagbabanta sa boses nya.
Napangiti naman ako at lumangoy ulit sa tubig ng hindi nakalubog ang ulo.
"Ano?ligo ka na!" Binasa ko pa sya. Ngumiti naman sya at lumangoy papalapit sa akin.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan nya ang kamay ko. Tiningnan ko sya at nahuli kong nakatingin na sya sa akin.
"B-bakit may pahawak ka pa sa k-kamay ko?" Nagtataka kong tanong at pilit inaagaw ang kamay ko ngunit lalo pa nya iyong hinigpitan.
"Tsk!Paano kung malunod ka? I want to guide you so let me hold your hand. Wala namang malisya dito and besides kapatid ka ng taong gusto ko kaya parang kapatid na din kita" Doon na talaga parang nabiyak ang puso ko. Umiwas ako ng tingin.
"Ah oo.Salamat na lang pero malaki na ko, kaya ko ng lumangoy mag isa" Mabilis kong inagaw ang kamay ko at umuna ng lumangoy.
"Pasaway.." Dinig ko pang bulong nya.
Lumangoy lang kami ng tahimik hanggang sa makaramdam na ako ng lamig.
Umahon na ako at umupo sa malaking bato. Niyakap ko ang mga binti ko at pinagmasdan sya habang lumalangoy.
Na love at first sight yata ako sa kanya, hindi pala , na love at first kiss.
Paniguradong sobrang daming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa sobrang gwapo nya.
May pag asa kayang maging kami? Ipinilig ko ang ulo ko.
Sobrang labo.
Mas malabo pa ata sa baha.
Nakatitig lang ako sa kanya ng umahon sya at maglakad papalapit sa akin.
"Nilalamig ka?" hindi ako umimik at nanatiling nakatingin lang sa kanya.
Kinuha nya ang bistida kong hinubad ko kanina at siya na mismo ang nagsuot niyon sa akin.
"namumutla ka na.Umuwi na tayo" Umiling lang ako.
Ayoko pang umuwi dahil alam kong nandon na sina ate hershey at sina tatay.
Gusto ko pa syang makasama.Yung kaming dalawa lang.
"Mamaya na." Mahinang sabi ko.Sapat na para madinig nya.
Umupo sya sa tabi ko.
"By the way, Ilang taon ka na nga pala?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"18 na ako." Tumango tango naman sya.
"Bata ka pa pala." umiwas ako ng tingin.
Kung kaedad mo kaya ako? posible kayang maging tayo?
"Nga pala,Zient. Bakit ka andito samin?" Saglit pa syang natahimik bago naghagis ng maliit na bato sa tubig.
"I want to take vacation. Para na din makapagrelax." Tumango ako.
Sakto namang umihip ang hangin kaya nanginig ako sa lamig.
"Nilalamig ka?" Tumango ako sa tanong nya. Humarap sya sa akin.
Ikiniskis nya ang pareho nyang palad ng ilang minuto bago ito idikit sa dalawa kong pisngi.
Ramdam na ramdam ko ang nagmumulang init mula sa mga palad nya.
Paulit ulit nya iyong ginawa. Napapangiti din ako dahil para kaming magjowa sa lagay namin.
"Malamig pa ba?" Tanong nya.
Tumango ulit ako ng tatlong beses.
"Para namang hindi umeepekto yang ginagawa mo" napanguso sya.
"Yah! I did this to warm you up! Effort to tapos di mo man lang ina- appreciate!"
natawa ako.
"Di naman talaga umaapekto eh!"
"E eto!" Bigla nya akong niyakap na ikinabigla ko.
Hindi ako nakagalaw. Mas lalo nya pa akong idinikit sa dibdib nya. Kahit papaano ay hindi ako nakaramdam ng lamig.Mainit ang katawan nya.
"Z-zient.." tawag ko sa pangalan nya pero mas humigpit pa lalo ang yakap nya.
"Sshh..hindi na ba malamig?" Tumango tango ako. "Then let us stay in this way for a while."
Wala na akong ibang magawa kung di ang tumango na lang at sulitin ang mga minutong nasa ganoon kaming posisyon.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ipinapanalangin ko na sana hindi nya iyon nararamdaman.
"Your heart is beating so fast" bulong nya.
Dahil sayo yan..
Gusto kong sabihin pero nanatili akong tahimik.
"Agatha.." Hinaplos nya ang buhok ko.
"hmmm??"
"Can we be friends?" Napalunok ako.
Friends?
Hanggang don lang?
Tumango na lang ako. Hindi ako makapagsalita dahil natatakot ako na baka kapag binuka ko ang bibig ko ay basag na boses ang lumabas dito.
Baka mahalata nya pa na nasasaktan ako.
"Thank you.."
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at ngumiti.
"ano tara na? Nag iintay na sina ate hershey don."
Kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mata nya.
"Lets go?"
______
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]
Genel KurguExplore the beauty of the province with wild and erotic scenarios. Her simple life in the province was ruined when her sister's suitor came from the city. He was like a temptation and she couldn't stop herself by admiring his hotness. And she never...