CHAPTER 8

1.1K 32 0
                                    

Agatha's Pov:

Hindi ko alam kung bakit nagalit na lang bigla si zient kahapon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi nya ako pinapansin. Daig pa nya ang may taong may menstruation!

Lumabas ako ng kwarto namin. Ngayong araw ay gagala naman ako.

Nang makalabas ng bahay ay nakita ko si zient na nakaupo sa kawayang upuang nakapwesto sa lilim ng nara.

Nagtama ang tingin namin at kita ko ang pagkunot ng noo nya.

Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko. Siguro ay nagtataka sya kung saan ako pupunta.

Nakasuot kase ako ng lumang jacket at putol na maong pants penaresan ko din ng boots.

"Where are you going?"

Sa wakas!

Kinausap nya din ako matapos ang nangyari kahapon.

Ngumuso ako.

"Di ka na ba galit?" Nagsalubong ang kilay nya.

"I'm asking where are you going?" madiing sambit nya.

Napairap na lang ako.

"Galit pa.." Bulong ko sa sarili ko na ikinakunot lalo ng noo nya.

Bakit ganon?

Sa tuwing kukunot ang noo nya ay mas lalo syang gumagwapo?

O/////O

"Anong sabi mo?"

"ah!wala wala! Papasyal kami ni agaton ngayon." masayang sagot ko.

Nagulat naman ako dahil bigla syang tumayo at salubong ang kilay na lumapit sa akin.

Napatingala ako dahil sa tangkad nya. Sunod sunod ang naging paglunok ko.

"Sasama ako!" Nanlaki ang mata ko.

"Eh?"

"Anong 'eh?'. Baka kung sino sino nanamang lalaki ang samahan mo!" kumunot na din ang noo ko.

Ano bang problema ng isang to?

"Wag na! Gala lang namin yun eh! At saka di na kami makapagbonding"

Kitang kita ko kung paano umigting ang panga nya.

Buong pagpipigil nyang hinilot ang bridge ng kanyang ilong at mariing pumikit.

"Damn!" Nanggagalaiting mura nya.

nainis naman ako.

"Ano bang problema mo ha?" Tumingin sya sakin.

"Kung hindi mo ako isasama, mas maigi ng wag kang pumunta."

eh?

engot ba sya?

Napasimangot naman ako.

"Oo na! Sumama ka na! Kainis tong lalaking to!"

Umuna na akong maglakad habang sya ay nakasunod lang sa akin.

Tahimik lang kaming naglalakad.Hindi ko sya kinakausap dahil nakakainis sya!

Gusto kong isiping nagseselos sya pero bakit? Tsk eh si ate ang gusto nya!

Sabog ba sya?

Nang makarating kami sa pakay naming lugar ay humarap na ako sa kanya.

"Diyan ka lang. Tatawagin ko lang si agaton." Nangunot nanaman ang noo nya.

"Bakit ikaw ang tatawag? Di ba sya marunong pumunta dito!?" inis na sabi nya.

LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon