Agatha's Pov:
"Sabi ko naman sayo, masayang sumakay ng kabayo eh!" Masayang sabi ko at bahagyang nilingon si zient.
"Yeah.."
Nakayakap pa din sya sa bewang ko at nakapatong ang baba sa balikat ko.
Halos isang oras na kaming nakasakay kay agaton.
Gusto ko lang syang dalhin sa burol kung saan madalas akong tumambay dahil nakakapagrelax ang paligid.
"Kailan ka pa natutong mangabayo?" Tanong ni zient.
"Hmm.. nung katorse ako. Si tatay lang ang nagturo sakin kung paano."
Hindi naman na sya umimik kaya nanatili kaming tahimik.
Napangiti ako ng matanaw ang lugar kung saan palagi kong pinapasyal si agaton.
Ang kalbong bundok. Mataas ang bundok na iyon at may malaking puno ng nara sa tuktok.
Nagtayo din si tatay doonng maliit na kubo upang maging pahingahan namin kapag nagtatanim kami ng mani at mais sa paanan ng bundok.
Mas lalong humigpit ang yakap ni zient sa bewang ko ng tahakin namin ang pataas na daan.
"Wag kang matakot,zient. Hindi ka mahuhulog." Nakangiting sabi ko.
Hindi naman sya umimik.
Nang makarating kami tuktok ng bundok ay nauna ng bumaba si zient.
Nagulat na lang ako ng ilahad nya ang kamay nya sa akin.
"Let me guide you."
Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at hinawakan ang nakalahad nyang kamay.
Hinawakan nya ang bewang ko at buong pag iingat akong tinulungang bumaba.
"Salamat" nakangiting sabi ko sa kanya.
Tiningnan din naman nya ako ng may ngiti sa labi.
"Walang ano man,aking binibini." Hindi ko napigilan ang mapangiti lalo at mamula.
Gusto kong maiyak sa kilig ng dahil sa sinabi nya.
Alam ko, walang dapat na ikakilig sa line na yun pero para sa aming mga babae, Sobrang sarap sa pakiramdam ng tinatawag na 'binibini'.
Itinali ko si agaton sa maliit na puno ng bayabas sa gilid ng kubo at hinayaan syang kumain ng mga damo.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko kay zient ay nakaupo na sya sa gilid ng puno ng nara.
Tahimik lang syang nakatanaw sa malawak na palayan at asul na karagatan.
Makikita din ang ilang kabahayan na yari lamang sa kawayan at surilap.
(Surilap: Yun yung sa dahon ng niyog? Yung sinusurilap tas ibinububong? nakakita na ba kayo?)
Umupo ako sa tabi nya.
Tiningnan ko ang muka nya. Bakas sa muka nya na narerelax sya. Lihim akong napangiti dahil mas lalo syang pumopogi sa paningin ko.
Inililipad ng malakas na hangin ang malambot at bagsak nyang buhok.
May nunal sya sa gilid ng mata at kapag ngingiti sya ay nawawalan sya ng mata.
Sinong hindi mahuhulog sa kanya?
Bulag na lang ata ang hindi makikita ang angkin nyang kagwapuhan.
Iniwas ko ang aking tingin ng magtama ang mga mata namin.
Tumingin ako sa karagatan at naroon ang mga pangulong.
(Pangulong: Malalaking bangkang panglaot. Grupo ng kalalakihan ang sumasama at buong gabi silang nanghuhuli ng isda.)
"Ang ganda ng view noh?" Nakangiting sabi ko.
"Oo nga. Sobrang ganda" Lumingon ako sa kaniya pero sa akin sya nakatingin.
Namula naman ako.
Naramdaman ko na lang na hinawakan nya ang ilang takas na hibla ng aking buhok at inilagay iyon sa gilid ng tenga ko.
"Sobra ka pa sa maganda"
Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil na huwag ngumiti.
Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil sa ginoong ito!
"San mo ba nakukuha yang mga pinagsasasabi mo?" Kunwaring inis kong tanong.
Ngumiti naman sya ng matamis at may inilabas na isang bulaklak ng sampaguita, isiningit nya iyon sa aking tenga.
"Sabi ni ian. Sampaguita daw ang paborito mong bulaklak kaya ng may madaanan tayo kanina ay pasimple akong pumitas."
Shitttttt!
Pakiramdam ko tuloy sobrang daming agaton ang nagtatakbuhan sa dibdib ko!
Ene be!
"Ah oo.Mabango kasi ang sampaguita at malinis tingnan."
Nagulat ako ng ipatong nya ang kanyang ulo sa balikat ko.
Para akong nanigas ng dahil sa ginawa nya.
Bakit ba sa tuwing kasama ko siya ay ganito ang nararamdaman ko!?
"Ang ate mo" hindi ako umimik ng banggitin nya ang kapatid ko.
Pakiramdam ko,sinisira nya ang moment sa pagitan namin.
Nakakainis tuloy!
"Sya ang gusto ni dad na ligawan ko." Domoble ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi na sa kilig, kung hindi sa kaba na.
"Nagbakasyon ako dito para gawin ang gusto ni dad. Ang ligawan ko si hershey. Alam na din ng ama mo ang tungkol dito. Hindi mahirap gustuhin ang ate mo."
Napatingin ako sa kabilang gilid at pasimpleng pinahiran ang isang butil ng luha ko.
Ang sakit sa pakiramdam.
Ang kirot!
Ang hapdi!
Parang binibiyak ang puso ko sa sakit.
"Andito ako para ligawan sya,para paibigin sya pero.." Inalis nya ang pagkakapatong ng kanyang ulo sa balikat ko at tumingin sa akin. "Hindi ko inakalang mababago ang pananaw ko dahil kusa akong umibig sa kapatid ng babaeng kailangan kong paibigin."
Nanlaki ang mata ko.
_________
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE PROVINCE [COMPLETED]
General FictionExplore the beauty of the province with wild and erotic scenarios. Her simple life in the province was ruined when her sister's suitor came from the city. He was like a temptation and she couldn't stop herself by admiring his hotness. And she never...