"Teka lang Ally, excited masyado eh!" reklamo ni Gabo habang tumatakbo palapit sa akin na nauuna na sa paglabas.
Lumingon ako sa kaniya. "Bilisan mo kasi,"
"Maaga pa Ally baka mamaya wala pa tayong makakausap do'n." pagrereklamo niya
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa parking lot, ako na kasi ang pumunta sa unit niya ngayon para maaga kaming makaalis. Ewan, excited ako na kinakabahan. Sanay naman ako sa mga ganito, it's barely my job na kumausap at makihalubilo sa mga tao. Ilang beses ko na ring nakausap ang presidente ng mga kilalang hospital,pero bakit ako kinakabahan ngayon? I shouldn't, hindi naman sila masyadong kilala katulad ng Qarinah Hospital na madalas ay laman ng news. Its not that big right?
"Kain muna tayo Ally." panimula ni Gabo habang inaayos ang gamit namin sa backseat
I'm just wearing a white sleeveless na turtleneck top and pants. Nagsuot na rin ako ng coat dahil malamig pa. I also tied my hair in ponytail.
"Arat drive thru" sagot ko
"Pucha sabi ko kain tayo. Tayo. Hindi lang ikaw Allegra." inis niyang saad
Binatukan ko na. "Ano bang sinasabi mo ha Gabriel? Kakain nga tayo diba? Drive thru nga sabi ko diba?"
"Tayo daw. Ikaw lang naman ang kumakain." Nakasimangot niyang saad
Totoo naman, siya kasi ang nagda-drive kaya hindi siya makakain ng maayos.
"Bahala ka diyan Ally, nagugutom ako gusto kong kumain nang maayos." saad niya pagkapasok
Natatawa na lang ako sa nakakunot niyang noo, iba talaga ang mood niya kapag gutom. Kung hindi mo siya kilala ay matatakot ka talaga. Hindi mo siya gugustuhing makasama kapag gutom.
" Sige na Gabo, baka traffic. Ang tagal mo kaya kumain, baka maunahan tayo nila Roxanne." pangungumbinsi ko
"Hoy Ally, 2 am pa lang. Hindi sila Roxanne maaabutan mo do'n, multo!"
"OA mo Gabo. Kapag tayo naunahan sinasabi ko sayo, gusto ko pa naman ma-interview yung president nang solo." inis kong saad
Ayoko kasi ng may ibang reporter kapag nakikipagusap ako. You may call it selfish, but I want that person to give me all his attention, 'yung tipong sa' kin lang nakatuon ang mga mata niya. By looking in someone's eyes, nalalaman ko kung nagsasabi siya ng totoo. It's my way of knowing how do they feel.
"Oo na, bibilisan ko na ang pagkain. Nakakahiya naman sa'yo." anas niya
Kumain na lang kami sa isang cafe at umalis na papuntang Elda Hospital. Mejo malayo iyon kaya inabot kami ng 4 hours sa biyahe. Narating namin ang hospital na tila nasa gitna ng gubat. Mabuti na lang ay may signage, kung hindi ay baka naligaw na kami. The place is really far from the city.
Sinalubong kami ng hindi kalakihang building, halatang luma na ito. Bukod sa mga sirang lampost sa labas, ay mukhang matagal na ring hindi napipinturahan ang building. Elda Hospital.
"Ito ba talaga iyon? Sementeryo ba 'to o lumang apartment?" tanong ni Gab habang nakatingin pa rin sa harap
"Napakasama talaga ng budhi mo no?" ani ko sabay hampas sa kaniya. Judgmental ampp!
Akma akong lalabas na, nang hinawakan niya ang braso ko. " Mamaya na kaya tayo lumabas pre, baka wala pang tao. Ang dilim pa."
"Bobo ka ba? Ospital walang tao?"
Lumabas na ako at hinayaan siya sa loob ng sasakyan. Hindi ko na matandaan kung anong itsura ng ospital na ito noong una akong nakarating dito. Finally, masasagot na rin ang mga tanong ko. Ako na ang kumuha ng mga gamit namin dahil mukhang walang balak lumabas si Gabo. Sinulyapan ko siya at nakitang may kausap sa phone. Tinext ko na lang siya.

YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
General FictionGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.