"It's a prank! " sigaw ko sabay tawa nang malakas "Seryoso, naniwala ka talaga? Effective ba yung acting ko? Sabi ko na dapat nag-audition ako noon eh."
Tumingin siya sa akin na para bang sinusuri ang mukha ko.
" Oo nga. Wala talagang nangyari. Nadapa lang ako kanina." tumayo ako na para bang walang nangyari. " Saan ka ba pupunta? Oo na naligaw na ako. Pupunta ka ba sa bayan? Pasabay ako. "
" Are you sure you are okay?"
Inayos ko muna ang sarili ko bago tumango sa kaniya.
"Oo nga. Paulit ulit talaga?"
Nauna na akong maglakad sa kaniya kahit na hindi ko naman talaga alam ang pupuntahan. Tahimik lang siyang sumunod sa akin at hinahatak ako kapag mali ang direksyon ko.
"Pwede bang mauna ka? Para akong bata sa ginagawa mo eh!" bumuntong hininga na lang siya bago nauna
Minsan talaga hindi ako mapakali sa buhay. Huminto ako sa pagsunod sa kaniya tinanaw siya. Kahit sa paglalakad nakikita ko ang pagkamasungit niya. Parang walang pakialam sa mundo.
My heart skipped when he stepped back his foot and turned his back to me. Shit. Lilingon lang kailangan gano'n talaga? Doktor ba talaga ito o model?
His brows knitted that's why I immediately run towards him.
" What's wrong with you? Bakit bigla ka na lang humihinto?"
"Eh kasi nga napansin ko para naman akong aso sa ginagawa mo. Sunod ako nang sunod." pagmamaktol ko
" The heck. What do you want me to do, lady?" he asked problematically "Should I fly now?"
" Hindi naman. Pero pwede ba?"
"Oh fuck. You are unbelievable." he massaged his forehead
" Joke lang. Sige na lumakad ka na." nanatili siyang nakatitig sa akin kaya naman tinulak ko na siya para maglakad "Lakad na, doc."
Nang makalayo siya sa akin ng ilang metro ay nagsimula na rin akong sumabay sa kaniya na maglakad. Hindi naman siya nagsalita at mukhang wala pang pakialam. Malalaki ang hakbang niya kaya nahihirapan akong sumabay sa kaniya. Hinihingal na ako sa paglalakad habang siya ay wala pa ring pakialam sa mundo.
Ang sarap mong batukan, doc.
Nang mapagod ako ay tumigil ako sandali. Nakarinig siguro ng anghel ang kumag at naramdaman niyang hindi na ako nakakasabay.
"Siguro nang umulan ng insensitivity, tulog ka 'no? Grabe mukhang kinulang ka pa nang lagay na iyan 'no? Sa sobrang kulang hindi ko ramdam!" inis na sabi ko
" What now, mouse?"
Napasapo na lang ako sa noo ko dahil mukhang kahit logic kinulang ang taong ito.
I marched towards his position." Lakad na nga. Nagiinit ang ulo ko sa' yo. "
He walked without saying a word. And as expected he walked fast without even considering that he's with someone.
Hinawakan ko ang braso niya at hinatak siya pabalik sa posisyon na kinatatayuan ko.
"What the—"
"Tahimik. Makinig ka'ng bata ka. Nagiinit ang ulo ko sa ginagawa mo." sermon ko "Do as I told you unless you want me to kick you back to your school and teach you about good manners and right conduct."
I glared. " Try me."
Dahil kausap ko ang isang matalinong tao ay hindi na siya nagreklamo. Makuha ka sa tingin, Doc.
![](https://img.wattpad.com/cover/263892987-288-k907381.jpg)
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
Algemene fictieGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.