" Isulat mo siya using your own words." I instructed her " Tapos ang ilalagay mo lang ay yung mga mahahalagang nangyari."
"Lahat naman po mahalaga eh." she pouted
"Eh? Sure ka lahat mahalaga? Final answer? Kung lahat iyan mahalaga bakit mo pa kailangan i-summarize?"
She was asked to summarize a story from a book. Wala ang kuya niyang si Mikoy at ayaw niya namang magpatulong sa Lola niya.
Dahil isa talaga akong napakabait na nilalang ay ako na lang ang tumulong sa kaniya.
" Siguro po nagkamali si teacher. Hindi naman na po ito mapapaikli eh. Si teacher tala—Aray Ate!" she squinted when I pinched her nose
"Iba ka talagang bata ka eh 'no? Teacher pa talaga ang mali? Nakakahiya naman." I scolded "Hindi lahat iyan may koneksyon o naitulong sa subject."
" Talaga po ba?"
"Ay hindi ka naniniwala?" singhal ko " Makinig ka'ng bata ka. Nako, paano ka magiging teacher kung hindi ka marunong mag-summarize?"
I tried my best to teach her how to summarize. I'm not that good in Math or Science, but when it comes to literature, back off.
Ang yabang pa ng kaklase ko noon na ang hina ko raw sa Math at Sci kaya mababa ang grades ko.
'Ah, so bobo ka talaga sa literature kaya bagsak ka. Just send my greetings to summer class.'
Naaalala ko pa kung paano siya namula sa galit at inis dahil sa sinabi ko. That was a really 'laughing my ass of' scenario. Why would you humiliate someone for having low grades when you yourself have a failing one?
"Ano bang nagawa ng bagay na iyan sa story? Just include the important events Ikay." ani ko
Nang matapos si Ikay sa ginagawa niya ay bumalik ako sa kwarto na isang malaking pagkakamali. They bombarded me with so many questions. I was really avoiding them. I woke up early so they won't see me. I was expecting them to be out but unfortunately they weren't. Luckily, they weren't able to hear my answer for they were called by Mamshie Kari. Mabait pa sa akin ang tadhana ngayon. Probably preparing me for the worst thing that is about to arrive.
Bukas na ang alis namin sa barrio. Dahil hindi ako nakalabas kahapon ay naisip ko na lang na ngayon lumibot. Natapos ko na rin naman ang gawain ko kaya pinayagan ako.
I made my way out of the guest house wearing a sweat heart neck sleeveless top under my denim jacket and a boot cut jeans.
Makakarating kaya ako sa pupuntahan ko? Hindi ko masyadong kabisado ang daan papuntang bayan. Yeah, that's another thing I am bad in directions. Kakapit ako kahit na ilang beses pang sabihin na bumitaw. Shit. Drama mo Allegra?
Nagsimula na akong maglakad paalis ng barrio. Sabi ni Ikay may short cut daw papuntang bayan.
" Lagot ka Allegra. Saan ka na pupunta? Allegra naliligaw ka na yata." I whispered when I reached the crossroad
Sabi ni Ikay diretso lang daw. Wala siyang sinabing kanan o kaliwa! Saan ako pupunta nito? I only got left or right.
Kapag bumalik ako sa Barrio makikita lang ako nila Avah. Pero kung tutuloy ako, 50/50 ang chance na si kamatayan ang makakita sa akin. Kaliwa o kanan? Left or right? East or west?
Bakit ba kasi walang north sa choices? Sabi ni Ikay diretso lang daw.
Diretso....
Anong diretso ang pupuntahan ko eh puro puno na ang nasa harap ko. Mabuti na lang at maliwanag pa kaya hindi pa ako natatakot sa puno ng baging na nasa harap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/263892987-288-k907381.jpg)
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
Aktuelle LiteraturGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.