"Grabe Manager Torres, meaning po iisang ospital lang talaga yung takbuhan ng mga tao rito? Yung inyo lang?"Nakikipagkuwentuhan ako ngayon kay Manager Torres.
Tapos na akong kausapin si President Miranda, pero ayoko pa umalis. Kaya nakipagusap na lang ako sa ibang mga staffs at naglibot kasama si Manager Torres.
Masaya kausap si Manager Torres, may pagka-madaldal din siya tulad ko kaya nagkakasundo kami. Natatawa rin ako sa mga kuwento niya.
"Well, kami lang talaga ang ospital na tumagal sa lugar na 'to. I mean kami lang talaga dahil wala namang nagbalak na magtayo ng ospital dito. Whether you like it or not, you'll be needing a hospital, hindi naman lahat naniniwala sa mga fake healers. HAHHAHAHA How would they perform a surgery? "
Sandali pa kaming nagusap bago may dumating na pasyente. Kasama ko si Manager Torres sa front desk na malapit sa emergency room kaya, kita ko ang mga nangyayari sa loob. Hindi masyadong marami ang staffs nila. May anim na nurse at apat na doctors pa lang ang nakikita ko. Pero kahit ganun, ang bilis nilang magtrabaho at lahat ng patients ay nagagawa nilang ma-accommodate.
Natigil kami sa paguusap nang dumating yung kumag.
"Manager Torres, have you seen Dra. Ela?" tanong nito
"Ah, parang nakita ko siya sa likod Dr. Viglianco. Just check her there." nakangiting sagot ni Manager Torres "Bakit? Are you performing a surgery?"
Dr. Viglianco? Surgery? Akala ko nurse iyon. Well, hindi siya pwedeng maging nurse, masyado siyang suplado. Baka lalong magkasakit yung pasyente niya kapag nakita siya.
"Yes," he glanced at me before walking out
"Manager Torres, sino ulit iyon?" tanong ko rito nang makaalis na yung kumag
"Ah? Si Dr. Viglianco?" ani niya "One of our General surgeons here in Elda Hospital."
"Doktor iyon? Bakit suplado?" tanong ko "Magaling ba siya, manager Torres?"
"Ah? Why? Sinungitan ka kanina?" tanong niya
Tinanguan ko lang siya. Hindi ko naman sinabi sa kaniya ang nangyari kanina.
Bwiset na kumag 'yon. Nilayasan ba naman ako kanina nang hindi man lang nagsasabi ng kahit ano. Para ngang natuwa pa siya na nagkamali ako. Si President Miranda pa nga ang nag-sorry sa' kin dahil sa ginawa ng kumag.
"HAHAHAH Ganun talaga iyan si Gavin, pero magaling siya. Why? You need a good doctor like him?" tanong nito at binigyan ako ng makahulugang tingin ".. Or you like a good doctor like him?"
Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. What?
"Woy, manager Torres hindi ko po gusto iyon. Ayoko ng mayabang at suplado. Tsaka gosh may boyfriend na po ako. Mabait at gentleman iyon. Yung boyfriend kong doktor din ay sa Qarinah nagtatrabaho, at hindi po rito. And definitely yung Viglianco na iyon.." pagdepensa ko "Di ko po siya type Manager Torres "
"HAHAHAH Hindi ko naman sinabing type mo siya, Miss Ignacio." natatawang saad nito "But you sounds like you do like him."
Magsasalita pa sana ako nang dumating si Gabo. Akala ko hindi na 'to lalabas ng sasakyan niya.
"Oh buhay ka pa pala." bungad ko sa kaniya
"Oh tao ka pa pala." ganti niya
Sinimangutan ko na lang siya.
"Manager Torres si Gabo po, kaibigan ko." pagpapakilala ko
"Gabriel Vargas po. CBC News." ani ni Gabo

YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
General FictionGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.