Sylvia Tan's rumoured man is now revealed!
The news greeted me early in the morning. Maingay na naman ang social media accounts ko... At trending na naman si Ms. Tan.
Ms. Tan's photos with Axel last night in the restaurant is now all over the internet. May mga nagsasabi na ang gwapo raw ng kumag, yung iba naman ay nasa panig pa rin ni Niel.
Hay nako. Bahala sila riyan. Masyado akong busy para idagdag pa ang issue ni Ms. Tan sa schedule ko. Hindi pa nga halos nakakabawi yung katawan ko sa nangyari kagabi eh!
Speaking of that night.. He was really different. Nakakatakot. There was something in him that made me trembled. Sigurado ako na bumagsak na ako kagabi kung hindi lang dumating si Gabo.
I thought that I knew him already.. but I was wrong. May isa pa siyang pagkatao na pilit niyang itinatago. At hindi ko alam.. pero natatakot ako.
Halos wala ngang ganap ang araw ko ngayon. Walang masyadong nangyari. Nagreport lang ako tapos tapos na.
Gabi na pero ito ako at nasa cafe pa na parang magsisimula pa lang ang araw.
I came back to my senses when my phone vibrated.
From: Ab1ttud3
Ate...
Kumunot naman ang noo ko. Ayan nahawa na siya kay Aldrin. Nagtext para tawagin ako.
To: Ab1ttud3
Bakit?
I sipped from my cup of chocolate before looking back at my phone.
From: Ab1ttud3
Si Kuya...
Parang ewan...Bakit ba nambibitin 'to? Ang lakas na naman ng trip ng maldita.
To: Ab1ttud3
Oh anong meron kay Aldrin?
From: Ab1ttude
May nangyari kay Kuya.
Naghintay pa ako ng ilang minuto para masabi niya kung anong nangyari kay Aldrin pero wala. Hindi na siya nag-text ulit kaya tumawag na ako.
Ilang ring lang ang sinagot niya na rin agad iyon.
" Hello, Abi." sumandal ako sa upuan habang hinihintay siya na magsalita
" A-ate.."
My brows furrowed when I heard her voice. Bakit gano'n ang boses nito?
" Anong nangyari Abi? Bakit ganyan iyang boses mo?"
" A-ate... A-ate.. S-si K-kuya.." nagsimula na akong kabahan nang patuloy kong marinig ang pangangatal ng boses niya. Mas confident pa sa confident ang babaeng ito... ni minsan hindi ko pa siya narinig na mangatal maliban na lang noong..
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko at kinuha agad ang gamit ko. "Abi? Abi, anong nangyayari?"
Wala akong ibang narinig kung hindi ang mahihina niyang iyak. Peste lang.
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habang Buhay
Ficción GeneralGavin a doctor with strong and cool personality, used to abhor life, until she met loud and cheerful Ally who is grieving inside. This is not just a story, it's a window through the heavenly life of hell with regrets, bad decisions and secrets.